Chapter 9: 10 Years Ago

126 1 0
                                    


Chapter 9

Unang araw ng klase sa pagiging fourth year high school. Bago lang ako sa section na to. Well, ilan lang ang kasama kong dati kong kaklase sa section na to at hindi ko pa sila close.

Except kay Ken. Which happens to be my ex when we were on third year, and my cousin that has her own set of friends.

Halos lahat ng kaibigan ng pinsan ko kaklase niya simula first year hanggang ngayon. Tumaas ang grade ko at nang iba ko pang kaklase kaya napunta kami sa section nila Jenny.

Months passed by, hindi naman ako nahirapan magkaroon ng kaibigan. In fact, naging kaibigan ko ang kaibigan ng pinsan ko.

"Menchi pengeng catsup!" sabi ni Jenny habang nilalabas ko ang baon kong lunch.

"Hindi ko pa nga nalalabas baon ko nanghihingi ka na?!" reklamo ko at saka kami nag tawanan.

Isang long table ng canteen ang na-occupy naming buong barkada. Yes, madami kami.

"Menchi, kapag gusto mo pa ng rice, kuha ka sakin. Hindi ko mauubos to." sabi ni Jace.

Then I smiled.

---

Nasa TLE room kami nang biglang tumabi si Ken sakin. Nag-sulat si Ken sa notebook ko.

"Menchi, pwede bang ibalik natin yung tayo?"

Sabi sa sulat. Nagulat ako sa nabasa ko. Biglang bumalik lahat ng masasayang araw namin ni Ken. Di na napigilan ng kamay ko kaya sumulat ako ng oo.

-one week later-

"Babe pahawak naman ng kamay mo."

"Ayoko babe. Naiilang ako eh?"

"Okay. I love you."

"I love you too."

Akmang hahalikan niya ko sa pisngi pero umiwas ako. Bigla naman siyang sumuntok sa desk.

"Ano ba Menchi? Lahat na lang bawal! Bawal holding hands, bawal yumakap, bawal na humalik! Ano ba tayo? Grade school?!" galit niyang sabi.

"Eh anong gusto mo? Gumaya tayo sa kanilang mga PDA?! Ha?!" ganti ko sa kanya.

"Menchi, mahal kita. Kaya lang kulang. Hindi naman nae-express ang pag-ibig sa pag sabi ng I love you lang, kailangan din naman ng body language."

Tahimik akong tumungo habang sinasabi ni Ken ang mga salitang yan.

"Sorry Menchi pero, hindi ko na kaya. Mahal na mahal kita kaya lang wala eh?"

"Okay lang Ken. Kasalanan ko naman." sabay ngiti ko.

He left me in the room dumbfounded. I really suck.

"Warla kayo?" tanong ni Jace.

"Break na kami."

"Aww..." sabay himas niya sa likod ko.

"Tara sa bagong gawang building. Sumigaw tayo dun."

Umakyat kami sa fourth floor ng building. Pumasok kami sa isang classroom doon at pumwesto sa bintana.

"Sige na Menchi, sumigaw ka na."

Huminga ako ng malalim at sumigaw.

"PUTANG INA MO KENRICH ASIS!! PDA KANG HAYOP KA!! GAGO DI KA KAWALAN!"

"ANG GANDA KO LOOOORD!!" sigaw naman ni Jace.

Napatingin ako ng masama sa kanya.

"ANG KAPAL NG MUKHA NI JACINTO LORENZO ASUNCION!"

"INSECURE SI MENCHI ATIENZA!"

At saka kami tumawa ng tumawa. Nawala yung bigat sa loob ko.

- - - - - - - -

Jace was always inviting me to go malling. Palagi siyang nangangarap na mabibili niya yung mga bagong labas na cellphone, hanggang sa mga appliances at mga furniture.

Jace was always there at my side until I forgot about Ken. Hindi ako nahirapang makamove on nang dahil kay Jace.

"Menchi, patulog ako sa inyo." sabi niya nung uwian namin. Kitang kita sa mata niya na puyat siya.

"Bakit di ka na lang umuwi sa inyo!" sigaw ko sa kanya.

"Mainit sa bahay namen. Sige na." pag-mamakaawa niya.

Wala na kong choice kaya pumayag ako. Ang kaso lang, nagsunuran ang iba pa naming kaibigan. Pagdating naman namin sa bahay hindi naka-tulog si Jace, ang nakatulog ay ang mga hudas naming kaibigan.

"Menchi, alam mo ba kachat ko palagi si Rayniel." malandi niyang sabi. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Napaka landi!" sabi ko na lang para pagtakpan ang inis ko sa kanya.

"Syempre maganda ko eh?!" sabay tossed kunyari sa buhok niya. "...pero alam mo aalis na daw siya. Nakakalungkot nga eh?" bakas sa mga mata ni Jace na nalulungkot nga siya.

"Sabi niya mahal niya daw ako." sabi pa niya. Nilulunok ko na lang lahat ng sinasabi niya dahil di ko lang masabi na kahit kailan hindi masisikmura ni Rayniel na sabihin yun sa kanya.

Ilang linggo pa ang nakalipas, naging malapit nga sa isa't-isa si Jace at Rayniel, hanggang sa dumating ang araw na aalis na si Rayniel.

"Confident talaga ko na maipapasa ko ang exam!" full of energy na sabi ni Jace. Katabi niya kasi mamaya si Rayniel, kaya motivated and inspired ang lola niyo.

Magkahiwalay ang classroom ng boys at girls sa exam namin ngayon, magkakasabay kaming pumunta sa building namin at magkatabi lang ang classroom namin sa classroom ni Jace. Nang nagsimula na yung exam, biglang bumuntong hininga ang teacher namin.

"Sorry girls, pero umalis na ang pinaka gwapong nilalang sa school na'to."

"OMG!"

"AWWWWWW. BESTIEE! HUHUHU!"

"ANG BEBE RAYNIEL KO! FUUUUDGE!"

Iyak ng mga pabebe naming classmate. Duuh? As if naman na ang gaganda nila. Pwe.

Natapos ang exam. Pero si Jace, akala mong namatayan ng brain cells sa kakahanap kay X kaya ang mukha, munkhang devastated. After exam, palagi kaming nagala, at ngayon lang matamlay si Jace. Hindi na namin tinanong kung bakit dahil alam na naming lahat ang dahilan.

Nang makarating kami sa bahay ni Jenny, nagpasya si Jace na maiwan sa may playground. Pero hindi siya pumayag na iwan ko siya.

So I play the role of being a bestfriend with a symphaty.

Iyak ng iyak si Jace. Akala mo naman sila na. Pero marami na rin silang pingsamahan at nadevelop na si bakla ng tuluyan sa sweet words ni Rayniel. Ayun nahulog, walang sumalo, edi basag. Asa kasi ng asa, alam na masakit pero ginagawa pa rin.

"Sobrang sakit talaga Menchi... Kaya please, tulungan mo kong makalimutan siya."

"Pano ko naman gagawin yun?"

"Tulungan mo kong maging lalaking-lalaki. Please. Make me fall in love to a girl. Ayoko ng umibig sa kapwa ko. Alam ko ng hindi na kailanman ako sasaya sa ganitong bagay."

"Ang lalim naman ng iyong pananalita, aking kaibigan. Osige na. Keri bumbum pow. Pinky swear, tutulungan kita but you have to help yourself too, to become a total man."

And there we tied our fingers.

"Promise." we both said.

And that's how the story started. Sa totoo lang, pinangarap ko na sana ako ang magustuhan ni Jace, dahil nagugustuhan ko na siya. Minamahal ko na siya. At ayoko man ng pakiramdam na yun, pero kada makikita ko siya, kada kausap ko siya, hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang force. Force called love...

The Single's ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon