Chapter 25Kasalanan ni Jace lahat ng nangyayari sa kanya ngayon. Kung nung una palang sana natuto na siyang labanan ang emosyon niya hindi sana humantong sa puntong to. Pero, sa kabila ng nangyari sa kanya, kaibigan ko pa rin siya. Kung meron mang dapat nasa tabi niya, kami yun... Ako yun. I know Jace better than the rest of us. Pero masakit yung ginawa niya. Karma na to sa kanya!
Nag-hanap ako ng bagay na mag didistract sakin pero pumapasok pa rin sa isip ko yung itsura ni Jace kapag naiyak habang nagkukwento ng nangyari sa kanya. Malamang natulo na ang uhog nun. Naka ilang roll na kaya siya ng tissue?
"Ma'am ayos lang po ba kayo?" Tanong ng waiter ko.
"Ayos lang ako." Sagot ko.
"Sorry ma'am ha, pero natatae po ba kayo?" Pabulong niyang tanong.
"Alam mo, ayoko mag sisante kaya pwede ba bumalik ka na lang sa trabaho mo!" Tumungo siya habang nag sasabi ng sorry sabay lakad pabalik ng kitchen.
"Ang sungit ni ma'am ngayon." Narinig kong bulungan pa ng iba kong waiter. Hindi ko na lang sila pansinin baka kung ano pang masabi ko.
"Nag-away kasi sila ni sir Jace."
Napapataas na ang kilay ko sa sobrang haba ng tenga ng mga to."Naku mag babati din yan. Best friend eh? Akala ko kaya nung una syota niya yun." Nan taas ang balahibo ko sa narinig ko kaya nilapitan ko sila sa counter. Hindi ko na kaya ang mga susunod pa nilang sasabihin. Mapapatay ko sila.
"Ayos ah... Chismisan pa more? Galaw galaw naman oh?!" Sarcastic kong utos sa kanila. Napakamot lang sila ng ulo.
Alas singko na ng hapon. Nakareceive ako ng text galing kay Zafara.
*pupunta kami kay Jace. Sana makapunta ka :)*
Hindi ko nireplayan si Zafara. Bakit ba kailangan pa nilang sabihin sakin kung dadalawin nila si Jace. Wala na kong paki alam sa kanya. Bakit pa? Eh nung naging concern ako napasama pa ko. Ayoko na nga same rejection. Once is shitty enough.
Bandang ala-sais, nakatanggap naman ako ng text galing sa mama ni Jace. Napalunok na lang ako, dahil alam ko naman ang laman ng text niyang yun.
*Menchi, tulungan mo naman sana si Jace ngayon kahit na busy ka. Salamat. Alam ko namang ikaw lang ang gusto niyang pagsabihan ng problema niya ngayon.*
Napa buntong hininga na lang ako ng mabasa ko ang text ni Tita. She was definitely clueless about what happened. And if they find out, they'll freak out.
I hate to admit this, pero na aawa ako kay Jace. Oo na, sa kabila ng nangyari saming dalawa, hindi ko siya kayang tiisin. Mas importante ang problema ni Jace ngayon kaysa sa pride ko. Kaysa sa lahat ng what ifs sa isip ko.
Sampung taon ko ng kaibigan si Jace. Ayokong masira lang ng pride ang friendship namin kahit na ako palagi ang nag bibigay (even in terms of money).
Kinuha ko ang purse ko at pumara ng taxi papunta sa bahay nila Jace. Mabuti na lang walang traffic kaya mabilis akong nakarating sa bahay nila. Niyakap ako ng mama niya ng ipag bukas niya ako ng pinto. Umakyat ako sa kwarto ni Jace at mula sa pinto, rinig ko na ang mga pag hikbi at hagulgol niya.
Bubuksan ko na ba?
Ano namang sasabihin ko sa kanya?
Wala pa akong konkretong disisyon, nasa door knob na kaagad ang kamay ko at binuksan ang pinto. Nang mabuksan ko, naka tingin sila Yna, Zafara at Jace sa direksyon ko.
"Hi." Bati ko ng wala masyadong facial expression. Just a plain hi.
"Menchi." Bati naman ni Jace.
"Uhm, pinapunta kasi ako ni tita..." Halos pabulong ko ng sabi sa kanya. Bakit ako kinakabahan? Na uutal ako, nanunuyo na yung bibig at lalamunan ko sa nerbyos. Ano bang nangyayari?
"I see." Sagot niya.
"Kumain ka na." Utos ko sa kanya.
"Oo, mamaya na. Wala pa kong gana."
Tahimik lang kaming lahat. Awkward talaga ng atmosphere. Nag uusap man sila pero palaging yes or no lang ang sagot. Kung tatawa man siya, saglit lang at halata mo na malungkot naman.
"Sa C.R lang ako ha." Paalam ni Jenny. May CR sa kwarto ni Jace pero hindi siya doon nag banyo. What the hell is going on?
"Wait lang tatawagan ko lang asawa ko." Tapos lumabas si Yna.
Alam ko na kung anong pinaplano nila.
Technically and fucking basically, kaming dalawa lang ang natira sa loob ng kwarto ni Jace. Inilabas ko ang cellphone ko at nag laro na lang. Wala naman akong maisip na sabihin. Kung meron man, hindi ko alam kung pano ko sisimulan. This is one of our major problem. We faced alot of problems in this friendship, but this one is big. Nasaktan siya sa ginawa niya, nasaktan ako sa nangyari sa kanya, nasaktan din ako sa mga salita na lumabas sa bibig niya.
"Siguro masaya ka na kasi miserable na ako. Na tama ka at ni ako." He smirks.
"Tama ka masaya ako dahil sa wakas nakita mo na kinarma ka na! Hindi ako nagkulang ng paalala sayo. Anong ginawa mo? Ako pa ang naging pakialamera!" Sigaw ko sa kanya.
"Ikaw na ang magaling! Oo na! Tanga na ko, walang tenga! Masakit mag salita!" Sigaw niya din sakin.
"Oo ikaw lahat yan! Wala kang paki alam sa nararamdam ng mga taong nag papahalaga sayo. Masakit para sakin na nakikita kang ganyan. Masakit para saming lahat na makitang malungkot ka!"
Natahimik si Jace. Hinahabol ko yung hininga ko sa pag sasalita. Pero masaya sa pakiramdam dahil nasabi ko na ang one fourth ng nararamdaman ko.
"Pwede mo naman akong hayaan eh." Sagot niya sakin. Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.
Sa kabila ng lahat hindi pa rin nag bago si Jace. Akala ko kahit kaunti maririnig ko ulit sa bibig niya na pipilitin niyang mag bago. Kahit na hindi niya naman talaga natutupad. Ayos lang na mangako siya ulit, basta kasama ko siya, at maging masaya siya. Ganyan ko siya kamahal.
"Wag mo na kong paki alamanan, Menchi. Ayokong makasakit pa ng iba."
Nasaktan ako. Nag init ang gilid ng mata ko. Bakit siya pa ang napagod? Siya pa. Hindi ba dapat ako kasi ako ang sampung taong nabubuhay sa pantasyang mababago ko siya?
• • •
Guys! I'am terribly sorry for updating so slow. Sa cellphone lang ako nag a-update and unfortunately, nasira ang phone ko. Sorrrrrry! Naki gamit lang ako bg phone.
Anyway! Thank you for reading!
BINABASA MO ANG
The Single's Problems
RomanceMalaya. Ayan lang ang magandang naidudulot ng pagiging single. Pero pagkatapos ng araw, maiisip mo na ikaw ay nag iisa. Meet Menchi. Ang running for Matandang Dalaga. Kayanin niya pa kaya ang buhay single kung ang lahat na lang ng kaibigan niya ay k...