Chapter 32: Version two-point-oh

45 4 1
                                    

Chapter 32

-Jace's POV-

Hindi ako makatulog kaya lumabas ulit ako sa terrace dala-dala ang cellphone ko. Wala akon magawa. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang papalapit na ng papalapit ang araw na makaka uwi ako ng Pinas. Nagdadalawang isip na ata akong humarap kay Menchi. Natatakot kasi ako sa pwedeng mangyari. Paano kung hindi na niya ko tanggapin? Paano kung tawanan niya ko kapag umamin ako sa kanya? Paano kung hindi ko pala talaga siya mahal, tapos masaktan ko lang siya?

Naitanong ko din sa sarili ko kung handa na ba akong mag-mahal ng opposite sex? Lalo na at si Menchi pa.

Pagmamahal ba talaga tong nararamdamab ko, o baka napaka selfish ko lang at ayaw kong may ibang kasama na si Menchi? Na baka nasanay lang ako na ako lang ang napapansin at nakakasama niya.

I gave up my virginity to a man. My body still betrays me. It was still asking for that kind of sensation that I had one year ago. I'm so afraid to hurt anybody again, and I hate it when the history repeats itself. What ifs, are sometimes true. I can't control things the way I want them to be.

"Bat hindi ka pa tulog?" Tanong ni Alvin habang may hawak na yosi sa isang kamay at sinindihan niya iyon.

"Hindi ako makatulog." Sagot ko sa kanya.

"Excited ka lang ata umuwi eh?" Asar saakin ni Alvin.

"Sana nga excited ako, pero para akong kinakabahan? Hindi ko kasi alam kung paano ko sila haharapin, kung paano ko sasabihin na nag bago na ko..." Sunod sunod kong sabi. I expect Alvin to be serious in this matter but he laughed at me. Bahagya kong sinuntok ang braso niya sa inis ko.

"Sorry na! Hindi ko sinasadyang tumawa." Sabi niya pero patuloy pa rin siya sa kakatawa. "Yung mukha mo kasi, hindi ko maipinta." Tapos tinuro niya ang mukha ko at uminom mula sa mug niya.

I let out a heavy sigh.

"Easy, Jace... Just take it easy... Remember, all of this is for them. You just need to embrace the changes." Sabi saakin ni Alvin.

"Iniisip ko kasi kung paano ko malalaman na nagbago na ko eh? Natatakot ako na baka bumalik ako sa dati, baka mabali nanaman ako." Sabi ko sa kanya.

"One thing to test it is to see your ex." Sagot saakin ni Alvin. Kumunot ang noo ko

"You mean, makikipag kita ako kay Rayniel? No way!"

"Yes way."

"I'm not gonna do that. Nuh-uh."

"Yes you'll do it."

He was half right. Maybe that's the only way to see if I changed. Hindi ko man alam kung paano ko gagawin yun, inisip kk na kang na para kay Menchi at para na din sa sarili ko ito. Siguro nga ang muling makita ang taong nagbigay ng lahat ng pasakit sa buhay ko ang magandang paraan para masabi kong naka move on na ako.

"Guys, sobra namin kayong mamimiss! Sana lang maka sundo din namin ang bagong room mate na kapalit niyo." Sabi ni Martha habang naka yakap saakin.

"Balitaan niyo kami, at please paki LBC ang dried mangoes papa Alvin. Saka Piyaya na din." Bilin naman ni Maggie.

"Oo na! Maka request ka jan akala mo naman may pambili kang inabot sakin." Sagot sa kanya ni Alvin at nagtawanan kami.

"Tama na nga yan! Groufie muna tayo mga best!" Sabi ni Rica sabay taas niya ng phone sa ere at nag picture kami. We kiss each other goodbye and wave our hands. I'll surely miss those people.

The Single's ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon