Chapter 5I was wearing a long white dress. I was wearing jewerlies that speaks an elegance and sophistication. People's attention would be glued when they see me walking.
This is one of the happiest day of my ex's life.
It's his wedding day.
"Menchi Atienza, ipinadala ko na kay tita Charo ang kwento ng pagkasawi mo so tara na." pang aasar ni Jace. 'Tong baklang to magyaya na lang may halo pang pang-iinsulto!
Bumaba na ako ng hagdan. Wait. Hirap na bumaba ako ng hagdan nang dahil sa damit na binili sakin ni Jace! Ang haba-haba! Pang 5"5 yung damit ko, eh 4'11 lang naman ako! Boset!
"Ang gara! Sabi ko na nga ba eh? Bagay sayo yang dress mo." natuwa naman akong pinuri ako ng baklang to.
"Hindi nga bagay?" paninigurado ko pa.
"Oo nga gurl! Ganyan ang mga aurahan ng mga mistress... Pang 360 degrees para sa ekonomiya ng Pilipinas!" nawala ang ngiti sa labi ko sa sinabi ni Jace. Pero wala naman akong laban sa kanya.
Haaaaays. Masokista mode nanaman ako. Oo, sa dami kong pinuntahang kasal ito ang pinaka masasaktan ako. Alam mo yung feeling na, dapat ikaw yung ikakasal sa kanya? The mere fact, na ikaw pa ang gumawa ng wedding cake niya? Yung mga ganun? Pero wala eh, sabihin na nating kasalanan ko naman.
Hanggang sa nakarating na kami sa simbahan. Marami na ring nagdadatingan na mga guests. Yung iba pamilyar sakin dahil nga sa ex ko siya at yung iba malamang kaibigan ng bride niya.
"Ang bongga ng kasal ni Ken! Ang daming bisi---" natigilan sa pagsasalita si bakla nang makakita kami ng isang pamilyar na mukha.
Lumingon ako sa likod para makasiguro kung siya nga yon.
"Si Rayniel ba yun?" tanong ko.
Pero no comment si JLo.
"Ano ba Menchibels! Ang turtle mo mag walk!" reklamo niya. For as far as I know iniiwasan niya lang si Rayniel. Natawa na lang ako. Haha.
"OMG! Si Rayniel ba yun?" sabi naman ni Zafara na rinig na rinig namin sa sobrang lakas.
Oh fuck... Bakit nandito pa si Zafara. Kinakabahan ako sa babaitang yan kapag nandito eh?
Lumingon ako ng kaunti. Kinakausap ni Zafara si Rayniel habang si Jace naman nagmamadaling pumasok sa simbahan.
"Sir, mamaya na po tayo papasok kapag nandyan na yung groom." narinig ko namang sabi ng wedding coordinator kay Jace.
Nagpunas nang pawis si Jace at di mapakali sa pagtayo.
"Bakla alam mo nakakarindi ka. Bat ka ba nanginginig!" irita kong sagot. Naiinis kasi ako eh?! Kanina pa nanginginig. Parang tanga yung mga nerves!
"Boba ka ba talaga ha? Kita mong andito si Rayniel eh? Sino bang di kakabahan saka andito pa yang lokaret nating friendship!!" he was referring to Zafara.
Napailing na lang ako. Habang dumadami ang mga guest, dumating na rin ang limousine na sinasakyan ni Ken. Napaka gwapo niya sa suot niyang puting tuxedo.
BINABASA MO ANG
The Single's Problems
RomanceMalaya. Ayan lang ang magandang naidudulot ng pagiging single. Pero pagkatapos ng araw, maiisip mo na ikaw ay nag iisa. Meet Menchi. Ang running for Matandang Dalaga. Kayanin niya pa kaya ang buhay single kung ang lahat na lang ng kaibigan niya ay k...