Chapter 19"Shutang inerns ka! Nang dahil sayo hindi natuloy yung mga plano naten!" Sigaw ni Jenny kay Jace.
"Oo nga! Nang dahil sayo, hindi natin nakain yung masarap na pizza!" Sigaw naman ni Yna.
"At nang dahil sayo, nabulabog ang bansa! Ano ba kasing drama mo?" Tanong ni Stefie.
Tinawagan ko kasi silang lahat nang gabing iyon. Agad naman silang pumunta except kay Zafara dahil nga gabi na at baka mahamugan pa ang lola niyo. Halos hindi pa nga sila makapaniwala na kasama ko si Jace. They all rushed in my house to see Jace.
"Eh kasi tumawag yung assistant ko. Nagkaroon ng problema sa isang site na hawak ko kaya umuwi ako. Sorry na kung hindi ako nagpakita sa inyo. Lalo na nung nalaman kong pinahanap niyo pala ko sa mga pulis." Paliwanag niya.
"Kaloka ka rin naman bakla. Eh dapat sana tumawag ka na ipatigil na ang search sayo." Sabi sa kanya ni Jenny, sumang ayon naman silang lahat.
"Mga bakla naman! Wala na nga akong jowa ipapatigil ko pa yung search? Gusto ko lang maranasan yung ako yung hinahanap, hindi ako yung naghahanap!" Sagot naman ni Jace. Sinabunutan siya ng pabiro ni Jenny.
"Ang lalim ng hugot mong hayop ka!" Sabi naman sa kanya ni Stefie.
We end up eating cookies and drinking milk. Definitley, we had an unplanned slumber party like high school kids in my place. We watched movies, we laughed and we talked about things that we don't know where and how we started.
Pasado alas tres na sila nakatulog pero ako hindi ako nakatulog kaagad. Lumabas ako sa terrace at tumingala sa langit. Nagpasalamat na rin ako sa Diyos dahil sa sobrang saya. Kahit na ilang araw lang nawala si Jace, pakiramdam ko napaka tagal niyang nawala. Lumingon ako sa likod ng marinig kong nagbukas ang pintuam ng terrace ko.
"Hindi rin ako makatulog." Sabi ni Jace, sabay tingin din sa langit.
"Wow... Its a beautiful night sky." Sabi niya pa.
"Yes, it is." Sabay tingin ko naman sa kanya.
Its so beautiful because, you're finally here.
"Kamusta naman yung problemang sinasabi mo kanina? Naayos mo na ba, saka saan nga pala yun?" Tanong ko para naman may pag usapan kaming dalawa.
"Its good... I mean, oo naayos naman na." Sagot niya.
"That's wonderful." Sagot ko sa kanya.
"Menchi, tungkol sa sinabi ko sa'yo sa bar..." Mahina niyang sabi at medyo nahihiya din ang tono ng boses niya. Hindi naman ako nakatingin kaagad sa kanya, pinapakiramdaman ko kung ano ang mga sasabihin niya at kung ano ang mangyayari ngayon.
"Ano bang tungkol dun, Jace?" Tanong ko sa kanya. I heard him sighed hard before he face at me.
"I mean it. I'm jealous." Diretsong sabi niya.
"Bakit, at ano naman ang pinag seselosan mo, Jacinto?" Tanong ko.
"Si Ian. Nagseselos ako dahil mas close na kayo, you know I was just afraid, na baka mafall inlove ka sa kanya tapos maging kayo and then, you'll kick me out of the picture." Sabi niya. Bahagya akong natawa sa sinabi niya.
"I'm not kicking you out, and I did not kick you out rather, asshole. You're the one who push away yourself. I reached for you but you draw a line between me, you, and to Ian. Its not fair, Jace."
"Menchi, hindi naman yun ang sinasabi ko. Natatakot lang ako maging mag isa. You became my safe haven when I'm in trouble. I can't afford to lose you." He sincerely said, looking through my eyes... And because of that I became hopeless romantic again.
BINABASA MO ANG
The Single's Problems
RomanceMalaya. Ayan lang ang magandang naidudulot ng pagiging single. Pero pagkatapos ng araw, maiisip mo na ikaw ay nag iisa. Meet Menchi. Ang running for Matandang Dalaga. Kayanin niya pa kaya ang buhay single kung ang lahat na lang ng kaibigan niya ay k...