Chapter 33: The Meeting

42 2 0
                                    


Chapter 33

Nag ring ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Alvin.

"Hello, napatawag ka?" tanong ko.

"Nasa mall din ako, pupuntahan kita dyan." sabi ni Alvin.

"Okay sige." sagot ko.

Nasa store pa rin kami ng mga kapatid ko. Naiinip na ko kaya mabuting dadating si Alvin. Hindi ako sanay na kasama ang mga kapatid ko. Hindi ako gaano ka close sa kanila kaya medyo bored ako.

Malayo palang si Alvin nakita ko na siyang nag lalakad. Habang nag lalakad siya, may naka salubong siyang gwapong lalaki. Well, gwapo naman talaga pero malakas ang ramdam ko na bakla yun. Nakita ko kung paano sinundan ni Alvin ng tingin ang lalaki. Ewan ko pero yung itsura niya kaunti na lang mag lalaway na sa pwet nung lalaki.

Pagkalapit ni Alvin, hindi ko na napigilan ang tawa ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Problema mo?" tanong niya.

"Gago ka kasi, namamakla ka nanaman. Nakita ko yung tingin mo dun sa lalaki." sabi ko sa kanya.

"Namamakla agad? Hindi ba pwedeng insecure lang ako sa pwet nung tao?"

"Sus. Paminta." asar ko.

Mahirap naman talagang mag move on at mag bago. mahirap talikuran ang mga bagay na nakasanayan mo na kaya bilib ako kay Alvin. Nakakayanan niya ang mga tukso. He managed to live in US without dick in his mouth every friday night like the others. Imagine, America yun. Aminin na natin na karamihan sa mga bakla gusto ng Amerikano dahil sa mga porn na napapanood. Kung wala nga si Alvin, hindi ko din naman kakayanin. Sa pag babago, masasabi kong mahirap mag isa. Kailangan mo ng kasama para may sasapak sayo kapag unti-unti ka nanamang bumabalik sa kahinaan mo.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin.

"Sinamahan ko yung mga kapatid ko. Saka mabubulok na ko sa bahay. Walang magawa. Ikaw? Bukod sa pamamakla?" Tanong ko sa kanya.

"Gago ka talaga." Pasimula niya at natawa kami pareho. "Eto bored din." Dugtong niya. Nagkwentuhan pa kami habang nag aantay ako sa kapatid kong babae na napaka tagal bumanyo. Buti na lang di na ko natuloy maging babae. Nang matapos mag banyo ang kapatid ko dumiretso na kami sa Korean Restaurant.

"Minsan talaga napaka sama ng tadhana. Ipapakita niya sayo yung mga ayaw mong makita. Parang gusto ka niyang masaktan talaga." Sabi bigla ng kapatid kong babae.

"Ang deep." Comment ni Alvin habang nainom ng milkshake niya.

"Puro ka ganyan. Kaya bagsak ilang subject mo eh?!" Instant sermon ko sa kanya.

"Grabe ka naman kuya! Kay ate Menchi... oops sorry." Nagkatingan kami ni Alvin. Napatakip naman ng bibiga ang babae kong kapatid. Pumalad ako sa kanya at agad niyang inabot ang cellphone niya sakin. Hindi ako nagpapa halata na kinakabahan na parang natatae sa tuwa at kaba. Nang mabasa ko ang post niya kinabahan ako lalo. Nakita ko pang nasa iisang mall lang kami.

Hindi kaya nakita niya ko?

Nagpa ulit ulit sa isip ko yung status niya. Pakiramdam kong nakita niya talaga ako. Kung nakita niya nga ako, at para sakin yung status niya, ibig sabihin ba nun, hindi siya masayang nakita niya ko? Ayaw niya na kong makita?

The thought is killing me. Napapatulala ako. Nabalik lang ako sa katinuan nang sikuhin ako ni Alvin. Binalik ko ng wala ng ibang sinabi ang cellphone ng kapatid ko sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa pag kain at kunwaring wala akong iniisip.

The Single's ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon