Chapter 13: BirthDATE

55 1 0
                                    


Chapter 13

Iba't-ibang mga cakes at mga pakulong greetings ang natanggap ni Jace ngayong birthday niya. I wonder if he'll notice my present for him which is his favorite. Sobrang kilala na kasi si Jace ng mga naglalakihang Building Supplies company dahil nga sa architect ang ate mo JLo. Nakaupo ako sa waiting area ng firm kung saan nag tatrabaho si Jace. Mamayang 7pm pa mag sisimula ang concert ni Sam Smith at alas singko palang ng hapon.

Sobrang thankful ako sa VIP tickets na bigay ni Zafara. She dont want to attend that kind of concert. She's into heavy metal music, pero nakikinig din naman sa mga light music. Para kasi kay Zafara, boring ang mga ganung klaseng concert wala daw kasing thrill, at dun sila magkasundong magkasundo ng asawa niya. (That she's so deadly inlove in its goatee and big tummy.)

Isang oras na halos akong nag iintay kay Jace. Sabi niya kasi, 4:00 pm ay mag o-out na daw siya pero 5:00 pm na. Sa loob ng isang oras kong pag-aantay ko dito, halos mahilo na ko sa kaka-pari't parito ng babaeng naka fit na dress na color red at naka coat na black. She's sexy and beautiful. Idagdag mo pa ang parang hinubog niyang boobs. As in grabe! Ang hot niya, para siyang model sa Cosmopolitan.

Pero naiirita talaga ako eh?! Tinitignan niya pa kasi ako ng masama. Like, did I do something wrong? Nagkita na ba kami noon? Natapakan ko ba siya? Nabunggo sa mall? O baka hungry diner na nasungitan ko sa kakademand ng kung ano-ano hindi na lang nag tayo ng sarili niyang resto?!

Hindi ko talaga alam kung anong flame at wall ang meron samin ni Ms. Sexy in Red-sexy dress. I just shrugged my shoulders at hindi na lang pinansin. Maya-maya ay lumabas si Jace sa office niya at tumingin sakin.

"Wait lang ha? Promise, ang dami kasing invitations sakin eh? Hindi ko alam anong pag hahati ng time gagawi---" hindi pa man din tapos si Jace magsalita mabilis na nakapunta samin ang babaeng kanina pa palakad-lakad at tumitingin sakin.

"Sir, gusto mo ba ng helping hand?" Nagulat naman ako sa inasta nung babae kay Jace. Damn! Siya yung bukang bibig ni Jace na haliparot na secretary!! Kailangan ko ng ibang proof like...

"Coffe sir, it will help you." Nanlaki ang mata ko dahil siya nga ang sinasabi ni Jace na "malanding" secretary na palaging nag-aaya ng mag kape siya kahit na di naman siya palaging nagkakape. Inipit ko ang tawa ko dahil sa pag irap ni Jace, naiinis na yan.

"Beatrice, thank you but I'm not drinking coffee." Casual na sabi ni Jace at nginitian lang niya si Beatrice. Ngumiti naman si Beatrice at tumango sabay umalis dahil nakatanggap ng tawag sa kabilang opisina.

Jace mouthed "ang kulit!" And he make face. Natawa na lang ako sa reaksyon niya.

Hindi pa talaga nakuntento yung babae at sige pa rin siya sa pag bantay sa pintuan ng office ni Jace. At syempre iniirapan niya nanaman ako.

"Siguro girlfriend yun ni Sir Jace, no?" Rinig kong usapan sa kabilang side na hindi gaano kalayuan. Napatingin ako pero ng naabutan ko silang nakatingin sakin agad nilang iniwas ang tingin sakin. Weird.

Finally! Lumabas na ng office si Jace. Hinila ako bigla ni Jace at mabilis na naglakad papuntang elevator. May nililingon pa siya sa likod namin na hindi ko naman alam kung sino.

Hingal na hingal kaming nakapasok sa elevator. Napahawak pa nga ko sa tuhod ko sa sobrang pagod.

"Mabuti na lang di tayo naabutan ni Beatrice." Sabi ni Jace.

"Bakit ba? Sino ba yun?"

"Ayun yung secretary ng team namin. Siya yung sinasabi kong humahaliparot sakin! Eeeeew!" Sabi ni Jace. Pero hindi siya naglalabas ng baklang movements sa firm.

Natahimik kaming dalawa dahil nga napagod kami.

"Alam mo ba yung babae na yun, palagi na lang nagtatanong about sa lovelife ko. Nakaka imbyerna."

"Type na type ka nga siguro."

"Well sorry siya, I'm into someone now." Tumingin siya sakin.

Sana yung tingin na yun. Tingin yun para sabihin na ako ang pinagmamalaki niya na sosoplak sa pagmumukha ni Beatrice.

Pagbaba namin, hindi namin alam kung saang lupalop tumubo itong si Beatrice dahil nasa tapat na siya ng elevator. Bakas sa mukha niya na may ginagawa siya dahil haggard na ng sobra ang mukha niya.

"Sir uuwi ka na?" Tanong niya.

"Nope. We're going somewhere." Sabay tingin sakin ni Jace at tumingin naman ng masama sakin si Beatrice.

"Okay sir, happy birthday again sir! Sana mahanap niyo na ang the one niyo!" Sabi pa ni Beatrice.

"Yeah, uhm... Actually I'm into someone na." Tumingin nanaman si Jace sakin. Tingin na gusto kong isipin na ako ang tinutukoy niya.

Nakita ko namang tumungo si Beatrice na parang nadismaya. Hays. Isang puso nanaman ang napaasa ng hayop na pag-ibig.

Sobrang traffic na ng bumyahe kami ni Jace. Nakita kong pagod na pagod na siya kaya hindi na kami natuloy mag punta sa concert.

"Mag Trinoma na lang tayo." pag yaya ni Jace. May susunod pa naman sigurong concert si Sam Smith dito di ba? Hays :(

Nang makarating kaming Trinoma agad kaming kumain sa isang korean restaurant. Tahimik lang kaming nakain ni Jace at kung mag usap man kami bihira. Pagkatapos naming kumain, nag window shopping kami, nang mapagod kaming dalawa, naisipan naming magpahinga sa isang coffee shop.

"Hay nako... Nadagdagan nanaman ang edad ko." Sabi ni Jace. Natawa na lang ako. Ganyan din kasi ang sinabi ko nung nagbirthday ako.

"At ngayong trenta ka na, pwede ba ayusin mo na ang buhay mo. Wag ka ng mabaliw sa pag-ibig." Natawa lang si Jace atsaka napabuntong hininga.

"Oo Mench, feeling ko dapat, tigilan ko na ang pagpapantasya ko na balang araw, magiging masaya ako sa piling ng isang lalaki. Kasi kung para sakin yun, edi sana matagal ng dumating. Sana, di na ko nasaktan."

"Wag ka ng malungkot. Birthday mo ngayon kaya dapat magsaya ka." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at saka hinawakan ang kamay ko.

"Salamat Menchi ha, salamat kasi palagi kang nandito. Kahit na palagi kitang inuutakan kapag nag-aabagan tayo, at kahit na inuubos ko ang paninda mo." Natawa kaming pareho sa sinabi niya. Pero totoo yun.

"Wala yun Jace. Sino pa bang magtutulungan kundi tayong mga single lang." We both laugh.

Nag stay pa kami ng ilang oras sa coffee shop. Kung ano-ano pang pinag usapan namin, at syempre dahil si Jace ang kasama ko, hindi mawawala ang boy-haunting. Tinitignan niya pa kung malaki ba ang paa ng mga lalaking naglalakad na noong una ay hindi ko magets. Pero nung inexplain niya sakin kung ano ang dahilan kamuntik ko na siyang mamura sa sobrang baboy.

We decided to go home after we had our frappes. While were walking, our hands is bumping... I mean, awkwardly bumping. Nainis yata si Jace at bigla niya na lang itong, hinawakan.

Our first holding hands while walking. Ganito pala ang pakiramdam? Its like, you have someone who would never let you go... Aaminin kong ngayon lang to, kaya susulitin ko na. Ang saya pala.

The Single's ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon