Chapter 18"Oo na! Nagseselos na ako!" Those word were stuck on my mind. Hindi ako makatulog. Marami akong gustong itanong sa kanya, kagaya ng "anong klaseng pagseselos ba ang nararamdaman niya." Pwede kasing nagseselos siya na may ibang kaibigan ako bukod sa kanya, o kung hindi naman baka may iba na siyang nararamdaman.
Posible kaya? Sana oo. Pero ayoko ng umasa. Hahayaan ko na lang na mangyari ang lahat.
Hindi ako nakatulog ng maayos. Iniisip ko kasi si Jace at ang mga sinabi niya. Ang itim tuloy ng eye bags ko. Tinakpan ko na lang ng concealer ang maitim na parte ng pag-mumukha mo at sumunod na sa baba para mag almusal. Libre kasi anv breakfast namin sa hotel. Mahal ang pagkain dito sa L.A kaya lahat ng free, ina-avail namin. Alam niyo na, tropang free taste kami.
Pagkarating ko sa baba, nakita ko kaagad kung nasaang table sila naka pwesto. May dalawang upuang bakante. Isa saakin, at ang isa ay kay Jace. Hindi pa pala siya nababa. Ayos lang kaya siya? Paniguradong may hangover yun sa dami ng ininom niya.
Umupo na lang ako ng tahimik pagkatapos kong kumuha ng buffet table ng pagkain ko. Halos patapos na silang lahat kumain habang ako pasimula pa lang. Wala pa rin si Jace. Medyo hindi na maganda ang kutob ko.
"Anong oras na wala pa rin si Jace?" Sabi ni Yna.
"Baka masakit ang ulo. Sarado yung room niya, gigisingin ko sana para makakain na siya. Tulog na tulog pa yun." Sabi ni Jenny.
May lakad pa kami ngayong araw, susulitin na namin ang isang linggo namin dito sa L.A. Nakalatag na ang mga plano namin at sa ngayon, plano naming maghanap ng pinaka masarap na Pizzeria sa buong lugar.
Nag-tanghali na lang at hindi pa rin namin nakikita si Jace na lumalabas sa kwarto. Nagaalala na ko. Kahit silang lahat iba na rin ang kutob.
"Jusko! Wag naman sanang mamatay ng birhen yung bakla na yun!" Sabi ni Zafara. Tinignan namin siya ng masama. Grabe naman kasi maka-react.
"Eh kasi naman noh, anong oras na kaya! Baka patay na yun sa gutom, odi kaya sa sobrang hangover! Sorry na kung O.A ako, pregnant hormones lang siguro." Sabi niya sabay nag peace sign.
Para mas makasiguro, hinayaan na naming buksan ng mga hotel staff ang kwarto ni Jace. We're all shocked and nervous when we saw nothing even a single strand of his hair. He was not there, but how, why? I mean, I know we were not okay back then, but to run away is too much.
Na-confirm namin na umalis siya dahil nakita namin sa CCTV na bitbit niya ang mga gamit niya. Hindi na namin pina-alam kila Ernie ang nangyari dahil busy siya sa honeymoon nila mg asawa niya. Nagpasya kami na umuwi na lang ulit sa bansa dahil hindi naman namin ma-eenjoy na ang trip na ito kung may nawawala saamin.
Hindi naman siguro nakidnapp yun dahil matanda na yun atsaka sasama naman yun kung sakaling pogi ang kidnapper. Baka nga irequest pa niyang rape-in siya eh? Sa landi non! Saka wala naman sigurong kidnapping na ipapadala sayo ang gamit mo, hindi ba?!
Nang makarating kami sa airport agad na tinawagan namin ang mama ni Jace at nagtanong kung nakauwi na ba siya. Pero lalo kaming kinabahan nang malaman naming hindi pa rin siya nakaka uwi sa bahay ng magulang niya.
"Jusko naman, asan na kaya yun?!" Stress na sabi ni Zafara.
"Hay nako, wag ka na masyadong mastress, Zaf. Baka kung ano pang mangyari sa baby mo. Kami na lang mag hahanap at pwede ba bukas na lang natin siya problemahin. Mag move on muna tayo sa naudlot nating happiness sa Vegas! Gora na tayiz!" Sabi naman ni Jenny. Sumang ayon na kaming lahat at saka umuwi na. Nagkanya-kanya na kaming sakay sa taxi pauwi.
Lumantak ako ng maraming Ice cream pagdating namin ni Stefie sa bahay. Feeling ko kasi ako ang may kasalanan kung bakit umalis si Jace. Pero parang kasalanan niya din naman hindi ba? Hindi naman bobongga ang mga pangyayari kung hindi siya nagselos kay Ian.
Speaking of Ian, pagdating ko sa Pinas, text niya kaagad ang nareceive ko.
"How are you? I heard Jace was missing. Text me back as soon as you get this message."
Kung wala lang kaming problema ni Jace, kikiligin na ako sa text ni Ian. Kaso hindi eh? Nawawala ang bestfriend ko. Ang O.A man pero natatakot talaga ako na mawala siya. Si Jace kasi yung tao na kaya kang patawanin at inisin ng sabay. Hindi siya maarte, malandi lang. Pero kahit na ganyan si Jace, deep inside he cares for everybody. He cares for us, but not in our wallets. Palagi niya kasi kaming inuutakan kapag nag-aambagan kami, kahit na ganyang big time na siya.
Sana naman macontact na namin siya. Hindi pa kasi siya nag-oonline eh? Pangatlong araw na pero wala pa rin kaming balita. Pina-report na namin kay Ernie sa L.A.P.D ang nangyari kay Jace, pati na rin dito sa Pilipinas. Pina check namin kung naka uwi na siya, mabuti na lang at may kakilala sa airport ang asawa ni Stefie kaya madali lang kaming nakakuha ng pabor doon.
Life must go on, kahit na mabigat ang dibdib ko sa pag-aalala sa punyemas na baklang laot na may tentacles, pumunta ako sa shop. Pagpasok ko, sinalubong ako kaagad ni Ian.
"Hey you look so pale." Nag-aalala niyang sabi. "Nag-aalala ka pa rin ba kay Jace?" Tanong niya.
"Sino bang hindi Ian? Kaibigan mo din naman si Jace, hindi ba? Kahit sino naman kakabahan sa nangyari." Sabi ko.
"Hindi pa rin po nahahanap si sir?" Tanong ng isa kong staff.
"Hindi pa nga eh?" Sagot ko.
"Ang lakas-lakas pa niya tapos nawala na siya... Diyos ko po, Panginoon! Bakit naman p---" pinigilan ko ang susunod na sasabihin niya dahil napaka O.A na niya. Paano kasi, may paiyak-iyak pang nalalaman at saka walling!
"Napaka O.A mo ha? Kung ako nga tong bestfriend hindi nag wa-walling eh? Sisantihin kaya kita?!" Masugit kong sabi sa kanya. Natatawa tuloy si Ian sa mga kinikilos ko.
Sobra na akong napaparanoid, kada may papasok sa pintuan ng shop ko hinihiling ko na sana si Jace ang isa sa kanila. Ang sakit na ng leeg ko kakatingin sa lintik na pintuan na yan pero wala naman siya! Nang magsara ako ng shop, pina una ko na ang mga tauhan ko. Nilinis ko ng mag isa ang shop. Ginawa kong busy ang sarili ko at pinilit na wag isipin si Jace.
Hindi naman ako kinakabahan dahil nawawala siya. Alam ko naman na ligtas siya. Kinakabahan lang ako sa pagdating niya. Kinakabahan ako sa kung anong pwedeng sabihin niya, sa mga mangyayari pa, at kung anong epekto ng nangyari sa L.A sa friendship namin.
"Miss na miss na kita Jace." Sabi ko habang hawak-hawak ko ang mop at habang naka-tingin sa may kisame.
Naglakad na ako pauwi, baka kapag naglakad ako ng ganitong oras biglang sumulpot si Jace sa harap ko at bungangaan ako dahil gabi na at naglalakad pa rin ako sa daan. Dati kasi, kapag gabi na kaming nakakauwi pagkagaling sa bahay nila Jenny, naglalakad lang ako sa sobrang dilim na daanan at galit na galit saakin palagi Jace.
"Gusto mo talagang marape na bata ka eh no? Ano desperada na masyado?" Yang linyang yan ang palaging sinasabi niya saakin ngayong matanda na kami. Weird dahil buhay na buhay. Napangiti tuloy ako. Dala lang siguro ng pagod kaya feeling ko may kumakausap saakin.
Naglakad ako ng naglakad at nakaramdam ako ng kakaiba. Parang may sumusunod sakin. Binilisan ko ang lakad ko at ganun din naman ang nasa likod ko. Ang lalaki na ng pawis ko, para na akong natataeng ewan eh?! Lalo na ng tumakbo ako. Shit! Dapat pala nakinig na lang ako kay Jace na sumakay tuwing uuwi!
Mabilis akong naabutan ni Jace... Wait. Si Jace ang humabol?! Tinignan ko kung si Jace nga ang humabol sakin na nasa harapan ko ngayon.
"Jace?! Shit! Ikaw nga?!!" Sigaw ko sa kanya.
"Bakit may mas gaganda pa ba sakin ha?!" Sagot niya sakin. Para akong tanga na naluluha at niyakap ko siya. Nagulat ako ng bigla niya rin akong niyakap.
BINABASA MO ANG
The Single's Problems
RomanceMalaya. Ayan lang ang magandang naidudulot ng pagiging single. Pero pagkatapos ng araw, maiisip mo na ikaw ay nag iisa. Meet Menchi. Ang running for Matandang Dalaga. Kayanin niya pa kaya ang buhay single kung ang lahat na lang ng kaibigan niya ay k...