Chapter 7: Destiny

76 3 0
                                    


Chapter 7

Wishing in the well is the most stupid thing I ever made this day. Oh, I forgot to mention the most stupid wish I ever said to that stupid well.

After I opened my eyes I saw Jace. Walking like a model who got out of a men's magazine. Ayokong makikitang naka-shades yang bakla na yan. Naiinlove kasi ako.

"Menchi, an'ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Wala, inaaliw ko lang sarili ko. Ikaw?"

"Nag-close lang kami ng deal. Kami kasi nakakuha ng bidding para sa ibang amenities ng mall."

"Wow, congrats! Libre naman jan."

"Tara! Wala din akong maisip gawin eh?"

And I was just like. Am I dreamin? Totoo bang manlilibre si Jace?

Naglakad na kami papunta sa restaurant. At hindi lang isang simpleng restaurant, sea food resaurant na parang dati lang dinadaan-daanan  lang naming magkakabarkada.

Mamahaling restaurant. Fuck.

Umiling ako sa naiisip ko. Nakakadiri kasi.

Nag-order na si Jace at nagkwentuhan kami habang nasa table kami. I'm so happy for him dahil naachieve niya ang pangarap niya, though parang bangkay na siya sa kaka-aral noon. But look all the fruit of his perseverance. He deserve it all.

"Bakit ka nasa tapat ng wishing well?" tanong ni Jace bago kumain.

Shit. Baka asarin ako nito kapag simabi kong nagwish ako tungkol sa lovelife ko.

"Wala! Tinitignan ko lang yung mga barya."

Crap! Walang kwentang palusot!

"Haha. Baluga ka talaga! Akala ko nabored ka kaya ka nag wish. Well, ako nabored ako sa mall at nakakita ako ng manghuhula dun."

"May manghuhula sa mall?"

"Oo meron. Insane right? At alam mo ba yung hula sakin nung college at ngayon di nag kakalayo. Nadidiri lang ako kapag naiisip kong makakakita ako ng hiwa."pahina ng pahina yung boses ni Jace habang sinasabi niya yan. Tama lang yun baka mamaya may makarinig.

"Ano bang sabi sayo sa hula ngayon?"

"Ganitechiwa kase, sabi niya, makakakita daw ako ng isang dilag. Magkakapamilya daw kami at pagkatapos sabi niya palagi lang daw yun nasa paligid ko. Ayun lang."

Gusto kong isipin na ako yung nasa hula dahil siya rin ang tugon sa wish ko kanina. Para kaming pinag lalaruan ng tadhana!

I'm really not sure na siya ang lalaki na sagot sa wish ko. But, calling back what I've said, feeling ko siya talaga. Ang tanga ko kasi eh?! Bakit ba kasi sinabi kong ang unang lalaking makita ko. Haha. Tangina. Bakla nga pala siya, kaya ligtas ako!! So far...

"Iniisip ko nga na baka yung secretary ng boss ko yung sinasabi niya." biglang sabi ni Jace.

Bigla kong nabitawan yung kutsilyo na hawak ko sa plato ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"Ang clingy nung babae na yun! Palagi na lang akong dinadaanan sa office ko. Nagyayaya mag coffee eh hindi nga ako nag kakape! Sarap tampalin ng coffee maker!!" sabi pa niya.

"Baka may crush sayo?"

"Well, if that so, sorry siya dahil hindi papaya ang hanap ko! Talong friend! Talong!" at binigyan niya pang emphasize ung salitang talong. Mabuti na lang malakas ang chating sound ng mga tao kaya di siya narinig. Kung hindi, magpapanggap akong di ko siya kilala.

Marami pa kaming pinag usapan. Pero hindi ko kinuwento sa kanya ang nangyari sa cafe ko. Matapos naming mag mall dumiretso kami dito sa coffee shop ko.

Bigla namang nagsidatingan ang mga kaibigan namin don. Syempre ano pa nga bang magagawa ko edi pinag buksan ko sila ng pinto.

"Hi guys!" bati ni Jace sa kakapasok pa lang na si Jenny, Zafara at Ernie. Ang ultimate gala saaming lahat. Hay. Hanggang ngayon.

"Bakit naka close ang cafe mo gurl?" tanong ni Ernie.

"Matumal." sabi ko sabay abot sa kanila ng frappe.

"Wait, nakita ko si Jerry awhile ago." chismis naman ni Jenny.

"Jerry? Tom and Jerry?" biro ni Zafara.

"Gaga yung papables ni Menchi! Hahaha. Abnormal inaalok ako sali daw ako sa networking nila. Ulol!" sabi pa ni Jenny.

Natawa na lang kami. Lalo na ako dahil isa rin ako sa nayaya ni Jerry.

Sa kalagitnaan ng pag tatawanan naming lima may nareceive kaming text galing sa classmate namin nung high school.

Classmate:
We will be having reunion on Friday, Saturday, and 'til Sunday. See yah guys.

Fck. I have to be alone again. Just like the last time we had a reunion. I'm such an epic, pathetic bitch in the corner. Hays. Memories.

The Single's ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon