Chapter 2After naming mag-break ni Kenrich, Jacinto Lorenzo or JLo or Jace was there for me. He gives advice, laughter, and smile when Im in so much sorrow that time.
I'm aware how flirt is he. Yeah. He's a gay. (Pero di alam ng tatay niya.) Pero kahit na bakla siya, hindi siya cross dresser. Mabait si Jace. Masakit siyang mag joke minsan, pero masasanay ka rin sa kanya. Masarap siyang kasama sa lahat ng bagay. Wag lang sa ambagan. Magulang kasi yan nung high school kami.
Dahil sa lahat ng yan, I fell in love to him. Yes. He's my crush. I even loved him. Pero, lalaki ang trip niya.
Matagal nanamang wala yung feelings ko sa kanya simula nung sinabi niyang magbabago siya as in titigilan niya ng magkagusto sa lalaki after umalis ng crush niya papuntang Australlia, nawala yung feelings ko nung hindi niya natupad ang promise niya.
May trauma na ko sa pakikinig at paniniwala sa mga pangako.
Nagdinner kaming lahat sa isang restaurant na una naming kinainan nung nagkatrabaho kaming lahat.
Habang nasa long table kami, nagsipag banyo sila at kami lang ni JLo ang natira.
"Ang tahimik mo naman Menchi!" reklamo niya.
Umirap ako. "Deal with it."
"Aba-aba... Marunong ka na mag english ha? Ilang taon mo pinag aralan yan?" biro niya atsaka ako napatawa.
Nang makabalik na sila, nagsipag order na kami.
"Gosh ang yaman na natin!" sabi ni Zafara nang makapag order na kamimg lahat.
Minsan lang kami makapag sama-sama ng ganito dahil may mga kanya-kanya na kaming buhay.
Kagaya ni Yna at Dan. After nila mag-aral, they got married against all odds! Hays. Kalokang love story nila. Si Jenny naman na pinsan ko, meron na ring asawa't anak. Ninang nga kaming lahat eh? Si Ernie ikakasal na sa America. Yaman ba? Naaah. Dun lang naman kasi may same sex marriage noh? At si Zafara na pinaka maingay samin, may asawa na rin yan.
"Hay nako ang yayaman nga natin pero mga losyang naman kayo! May mga chanak ng nagsipag labasan jan sa hiwa niyo!" sabi ni JLo na di mo malaman kung naiinsecure ba siya.
Tinutukan ni Jenny ng kutsilyo si JLo ng pabiro, "patayin kita eh?!"
"Pero seriously, wala ba kayong balak na maghanap ng partner?" tanong ni Yna.
"Speaking of partner, may ikakasal nanaman sa section natin. Si Kenrich." sabat ni Zafara.
Eto nanaman... Usapang kasalan nanaman. Wala ba silang ibang alam pag-usapan kundi kasal? Ano bang trip nila?!?!
"Si Menchi kasi muntanga di na lang pumasok sa kumbento!" sabi ni Ernie.
I make a fake smile.
"Guys, ang sakit niyo namang magsalita kay manang..." sabi ni JLo.
"Wow naman Jace, ikaw din uy! Matanda ka na! Tatanda kang bakla!" sigaw ko sa kanya. Buti na lang kami na lang ang tao sa restaurant.
"Hoy, excuse me uuwi ang papa Rayniel ko from Australlia at magpapakasal kami." sagot naman ni Jace.
"Really uuwi si Rayniel?" tanong nila.
"Aasa ka namang pakakasalan ka, look oh?" sabi ni Ernie sabay pinakita niya samin ang picture ni Rayniel na may kasamang babae. Yung babae pinakita pa niyang may singsing siyang suot.
"Woah..." reaction nila. JLo's face became sad and devastated so I laugh.
"Hahaha. Ano ka ngayon? Its a tie!" sabi ko.
Pagkatapos namin kumain nagsipag uwian na kami.
"Til next time guys. Mamimiss ko kayo." sabi ko. Nag group hug kami at saka sumakay sa kaniya-kanyang taxi.
Maliban kay Jace.
Sumabay siya sakin. Buo daw kasi yung pera niya wala daw siyang bill kaya ilibre ko muna daw siya. See? Kahit na ang yaman-yaman niya na napaka kuripot pa rin! Hindi lang kuripot, magulang pa!
Walang nagsasalita ni-isa samin. Hanggang sa napansin kong hindi bumaba si Jace sa sakayan papunta sa bahay niya.
"Patulog muna ko sa bahay mo." sabi niya. Malungkot yung muka niya.
Baka may problema siya. Ganyan naman yan eh?
Palagi ko kasi yang kasama nung high school kami. Palagi nga yang napunta sa bahay namin ng biglaan. At kadalasan, pumupunta yan kapag may problema.
Pagdating namin sa bahay ko dumiretso agad siya sa kusina ko. Pagkatingin ko sa kanya binuksan na niya yung wine ko.
"Hoy ang kapal naman ng muka mo Jacinto. Pang special occasion lang yan." sabi ko sa kanya.
"Special naman tong araw na'to ah? Anniversary ng cafe mo." sabi niya. Pinilit niyang magtunog masaya pero halata mong may kakaiba sa kanya.
"Jace, sabihin mo na kung may problema ka. Di yung nagjojoke ka pa." sabi ko sa kanya.
"Hays. Sa susunod na buwan 30 years old na ko. Wala pa rin akong kasama sa buhay. Ang sakit kasi may fiance na siya." iyak niya. Sabi ko na nga ba. May dinadamdam to.
"Sayo nga fiance, eh yung sakin ako pa gagawa ng wedding cake niya." sabi ko. Kahit naman di kami masyadong clingy ni Kenrich nasasaktan pa rin ako.
"Huhuhuhu!" iyak ni bakla sabay yakap sakin.
"Grabe na itu, parang nung isang araw lang nag cam to cam kami ni Rayniel tapos ngayon ikakasal na siyaaaa!" iyak niya pa.
Hinaplos haplos ko yung likod ni JLo.
Oo nga naman. Parang nung isang araw lang nag ca---
Napaisip ko. Cam to cam? Sila?
Naimagine ko yung cam to cam moment nila at bigla akong tinaasan ng balabibo! Kadiri!!
"Hays. Wala kang magagawa, hiwa talaga ang gusto niya."
"Aray naman! May hiwa naman ako sa pwet ha!"
Ok! This is it! Sobra na bunganga niya!
"Mag mumog ka nga ng holy water! Ang dungis ng bunganga mo!" sabay batok ko sa kanya.
"Aray naman Mench!" reklamo niya.
Nagsalin ako ng wine sa goblet. At napaisip.
Ganito na lang ba palagi ang mararanasan namin? I mean, akala ko masayang maging single. Nung mga wala pa silang asawa masaya akong naging single dahil di ko nararanasan ang mga problema nila.
Pero nung nakita ko at realize ko na masaya palang magkaron ng pamilya. Nainggit ako. Lalo na kapag nagbubuhos sila ng panahon sa asawa't anak nila.
"Where do broken hearts go...."
Saktong kanta sa radio nang magbukas si Jace.
Nagkatinginan kami at saka ngumawa ng malakas.
Saan nga ba kami pupulutin?
BINABASA MO ANG
The Single's Problems
RomanceMalaya. Ayan lang ang magandang naidudulot ng pagiging single. Pero pagkatapos ng araw, maiisip mo na ikaw ay nag iisa. Meet Menchi. Ang running for Matandang Dalaga. Kayanin niya pa kaya ang buhay single kung ang lahat na lang ng kaibigan niya ay k...