Chapter 14Hinatid niya ko hanggang sa bahay. Sa pinto, naka-abang si Stefie na may hawak na mug at nakasandal. Pumasok ako sa bahay at sinundan naman ako ni Stefie.
"Ano?" Natatawa kong tanong kay Stefie dahil para na kong tutunawin sa sobrang titig niya.
"You're blushing." Pagpuna niya. Agad ko namang iniwas ang mukha ko dahil naconcious ako sa sinabi niya.
"Huh? Trenta na ko! Di na uso ang pagbablush!"
"Naku Menchi. Ang puso kapag kinilig, kahit matanda na, naiihi pa rin! Nanay ko nga kinikilig pa rin sa AlDub eh?"
"Baliw ka na Stefie." Naiiling kong sabi.
"Ikaw ang mas baliw. Kita na sayo na in love ka na ulit kay Jace pinag tatakpan mo pa rin. Ikaw na ang bagong definition ng baliw."
"Hay nako. Wala talaga kayong magawa." Tinawanan ko na lamg siya at nagtimpla ng kape.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang saya ko. Ang sagwa man, pero nakakakilig. Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganitong feeling.
x x x
Sobra akong inspired magtrabaho ngayon. Maaga ko ngang binuksan ang shop eh? Lahat ng waiters ko nagtaka sakin. Ilang araw nang nakakalipas simula nung birthday ni Jace pero hanggang ngayon ang epekto. Wala akong ibang pinag sabihan ng nangyari. Bubulabugin lang ako ng mga kaibigan ko kung magkukwento ako sa kanila. Napapansin na nga ako ni Stefie at ni Zafara pero dinideny ko pa rin.
"Good Morning! Welco---" naputol ang pagbati ko nang makitang nanay ko pala ang pumasok. Agad akong umalis sa counter para mag mano sa kanya.
"Good morning ma'am Imelda." Bati ng isang waiter ko. Inismidan ni Mama amg waiter at natawa naman ako. Ayaw niya kasi na tinatawag siyang ma'am. Feeling niya daw kasi napaka yabang niya.
"Napadaan po kayo, may problema po ba kayo kay Melisa?" Tanong ko.
"Napaka laki ng problema ko sa kapatid mo." Sabi niya habang naupo.
"Ano nanaman po ba yun Ma? May ginawa ba silang kalokohan ng boyfriend niya?"
"Tanggap ko na ang boyfriend niya, Menchi."
"Oh, ano bang problema?"
"Eh kasi, magpapakasal na daw sila." Napa awang ang bibig ko. Nagulat ako dahil ikakasal na ang bunso naming kapatid.
"Edi maganda. Mawawalan ka na ng sakit sa ulo." Biro ko kay Mama. Bigla naman akong hinampas ni Mama.
"Puro ka kalokohan, Menchi! Hay nako. Ikaw talaga ang problema ko!"
"Ako?" Nagtataka kong tanong. Wala naman akong maalalang ginawang masama sa kanya. Nakapag bigay naman ako ng pera at palagi kong sinasabi sa kanila ang update sa buhay ko.
"Oo, ikaw. Menchi anak, ikakasal na si Melisa, ikaw kailan ka ba mag-aasawa?"
"Mama naman! Akala ko naman kung anong problema mo sakin."
"Eh bakit ba kasi ayaw mo pang mag asawa? Wala ka bang boyfriend ha? Gusto mo ipa-blind date kita?"
"Hay nako naman Mama. Mas desperada pa kayong magkaron ako ng asawa kaysa sakin. Wag niyo na kong alalahanin, Ma. Ihahatid niyo rin po ako sa altar balang araw."
"Pangako yan ha."
"Oo na po. Sabihin niyo po kay Melisa na puntahan ako dito. Ako po magbebake ng cake nila." Napahilot nalang si Mama sa noo.
BINABASA MO ANG
The Single's Problems
RomanceMalaya. Ayan lang ang magandang naidudulot ng pagiging single. Pero pagkatapos ng araw, maiisip mo na ikaw ay nag iisa. Meet Menchi. Ang running for Matandang Dalaga. Kayanin niya pa kaya ang buhay single kung ang lahat na lang ng kaibigan niya ay k...