Chapter 22: Friendship Over?

62 2 0
                                    


Chapter 22

-Menchi-

Habang nainom ako ng ice tea, sige lang sa pagdada ang kasama ko na naka-coat pa talaga at naka tie pa. Naka one-side ang buhok na parang naka-gel pa talaga dahil kahit hanginin, hindi man lang nagugulo.

"Saan nga pala yung cafe mo?" Tanong niya.

"Doon lang, isang sakay lang." Sagot ko sa kanya, napatango naman siya at ngumiti naman ako.

"Kamusta naman ang kita mo? Hindi ka ba nahihirapan kasi marami kang kakumpitensya, like Starbucks, Seattles Best,you know, yung mga matatagal na sa market." Nawala bigla ang ngiti ko sa mukha sa sinabi niya. So anong gusto niyang palabasin?

Pinilit kong makangiti kahit na nayayamot na ako sa kanya. Kasalanan kasi ni Stefie to eh. Siya ang nag-set sakin sa isang blind date na'to. Kaibigan daw to ng asawa niya at naghahanap ng makakausap dito sa Manila, at ang magaling kong kaibigan, ako ang inireto.

Pinag-lalaruan ko lang ang inumin ko habang dinadaldal niya ako tungkol sa mga pwedeng mangyari sa cafe ko. Palihim kong inilibot ang mata ko sa mga tables. Baka kasi makakita ako ng isang magazine kung saan na-feature ang cafe ko. Isasampal ko lang sana sa lalaking to.

"Alam mo, mas maganda kapag may back up plan ka. Yang mga coffee shop na yan tingin ko hindi yan 'in' sa weather natin." Suhestiyon niya pa na ubod ng kayabangan lahat ng sinasabi niya. Napaling nalang ako sa inis at yamot sa kaba. Litse. Habang busy siya sa pasta niya, nakakita ako ng magazine kung saan nafeature ang cafe ko.

"May papakita ako sayo." Sabi ko sa kanya. He attentively get close to me so that he'll be able to see what I'm about to slap him.

"Basahin mo yang article na yan at sabihin mo sakin kung dapat kong itigil ang coffee shop ko. Oh by the way, thanks for bringing me here. Mas masarap pa yung red velvet cake ko kaysa sa kanila. I'll see you around." Habang sinasabi ko yan, naka-nganga siyang hindi makapaniwala. Napaka yabang niya kasi! Ano bang natapos niya? Ano bang maipagmamalaki niya? Ayoko sa mga lalaking mayabang. Okay na yung binabae wag lang mayabang.

Speaking of binabae, ano na kayang nangyari sa client meeting ni Jace at Rayniel? Sana naman naging maayos ang usapan nila. Sana lang hindi gumawa ng kolokohan si Jace.

Kinamusta ko siya pero hindi naman siya nagreply. Baka busy siya, kebs lang. Umuwi na lang ako, at nag antay ng reply ni Jace.

Kinaumagahan, nagulat pa ko ng marealize ko na nakatulog pala ako sa sofa. Chineck ko ang cellphone ko at walang pangalan ni Jace na ag appear sa inbox ko. Hindi niya sinagot yung mga tawag ay text ko. That very moment, I dialed his number. Mabuti na lang at sinagot niya.

"Hello, ang aga mo namang tumawag!" Bungad agad sakin ni Jace agad na inilayo ko ang cellphone ko.

"Okay fine hindi na kita tatawagan." Sabay baba ko ng cellphone.

Ang kapal naman ng mukha niya! Siya na nga tinawagan ko para kamustahin hindi pa nagpasalamat. Nakakairita! Alam mo yung nag effort ka tapos hindi naman niya nirecognise yung effort mo?!

Dahil sa nangyari kanina, hindi na nawala sa isip ko ang tono ng pananalita ni Jace. Wala akong pake kung may nangyaring masama sa pag uusap nila ni Rayniel, he should know how to manage his emotions. Matanda na siya. Hindi na siya si Jace na umiyak ng malamang umalis na si Rayniel way back ten years ago.

"Ooh, black aura. What happened?" Tanong kaagad ni Zafara ng makalapit siya sa counter kung nasan ako.

"Paano, si Jace nagalit ba naman nung tinawagan ko! Siya na nga yung pinag mamalasakitan siya pa yung galit. Ang kapal talaga!"  Pigil na pigil ang boses ko. Maraming tao sa shop ko kaya hindi ako makapag labas ng galit.

"Malay mo naman stress lang si bakla dahil sa nangyaring pag-uusap nila ni Rayniel?" Opinyon ni Zafara.

"Kahit ano pa yan! Alam niya naman na magdamag ko siyang iniisip kung kamusta na siya tapos nagtransform agad nung umaga. Nakakainis."

"Sus. Lilipas din yan. Sige, balitaan mo na lang ako, may appointment pa kami ni baby sa doctor ko. See you." Atsaka siya umalis.

Halos buong araw ayun ang iniisip ko. Mabuti na lang at hindi naapektuhan ang trabaho ko, dahil kung nangyari man, hinding hindi ko talaga mapapatawad si Jace. Pero nag aalala ako sa kanya.

-Jace's POV-

So confirm. May nangyari saamin kagabi. Masakit ang buong katawan ko, at ang likuran ko kung saan dun lang naman pwede maganap ang penetration. Tulog pa si Rayniel ng magising ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung magagalit pa ko sa sarili ko, o magiging masaya dahil ito ang matagal ko ng pinag papantasyahan sa loob ng sampung taon.

Hindi na ko birhen. Omg. Gulong gulo na talaga ang isip ko. Chineck ko ang cellphone ko ng dahan-dahan para hindi magising si Rayniel.

Maraming missed call galing kay Menchi at halos lahat ng messages, sa kanya nanggaling. Hindi rin nagtagal, tumawag siya. Sa sobrang gulat ko, nasungitan ko siya. Ayoko nga kasing magising si Rayniel. Kinakabahan ako sa reaksyon niya kapag nakita niyang magkatabi kami.

Kaya minarapat ko na lang na umalis ng hindi nag-papaalam. Mali ang ginawa ko. Maling-mali. Hindi ko kailanman magagawa to, pero sa isang iglap, sa isang ikot lang ng emosyon ko, nawala na ang dignidad at prinsipyong pinaka-iingatan ko.

Agad na umuwi ako sa bahay namin. Wala akong ganang pumasok sa trabaho. Wala akong gana gumawa ng kung ano-ano, at kumilos ng kumilos. Ayokong makipag usap sa ibang tao. Gusto ko lang mapag-isa.

-Menchi-

Ilang araw ng hindi nagpaparamdam si Jace saaming lahat. Pinapainit talaga ng baklang yon ang dugo ko. Pagkatapos kong mag-alala sa kanya.

"Grabe, wala akong marinig na balita tungkol kay Jace. Weird na masyado." Sabi ni Yna.

"Alam niyo, kaya na niya ang sarili niya, hindi na niya kailangan ng kaibigan." Inis kong sabi. Wala namang nag side comment kahit isa saamin.

Maya-maya, nagbukas ang pinto at lahat kami ay napatingin.  It's Jace who's walking towards us. Agad akong nag-iwas ng tingin, ginawa kong busy ang sarili ko. Ayoko siyang pansinin dahil hindi ko siya kayang tiisin.

"Kamusta na Jace? Tagal mong wala ah?" Pagkamusta ni Yna sa kanya. Umupo naman si Jace sa tabi ni Yna at matamlay na matamlay ang mukha niya. Panigurado, may problema yan kaya yan nagpunta dito. Ganyan naman eh, kapag may kailangan ka lang kailangan ng mga kaibigan mo. Kaibigan ka na kapag helpless na sila.

"Everything's good. Namiss ko lang kayo." Pasweet niyang sagot kay Yna. I saw how awkward their faces are.

Pumasok ako sa loob ng kitchen para lalo pa akong makaiwas. Pero, sinundan ako ni Jace sa loob. Nasa likuran ko lang siya, pinapanood niya lang kung anong ginagawa ko. Wala akong paki-alam kung ano pang gawin niya, hinding-hindi ko talaga siya papansinin.

"Menchi." Tawag niya sakin. Napalingon ang mga staff ko na nasa kitchen din. Hindi kasi sila sanay na ini-ignore ko si Jace. Alam nilang lahat na close friend ko si Jace. But not anymore.

"Mench, galit ka ba?" Tanong pa niya. "Okay, fine. Hindi ko pa nababayaran yung utang ko sayo na blueberry cheesscake saka brownies. Eto na, keep the change. Alam ko naman na ayan ang kasalanan ko sayo." Sabi pa niya habang hawak ang five hundred bill. Nilingon ko siya at inirapan.

"Hindi ko kailangan niyan. Ang gusto kong bayaran mo ay ang utang na loob mo saakin. Pero alam ko naman na hindi mo kayang bayaran yon dahil hindi ka naman marunong tumanaw ng mga ganung bagay!" Sigaw ko sa kanya. Natigilan ang lahat sa pag gawa sa kitchen. Si Jace naman, napa-awang ang bibig sa mga sinasabi ko.

"Mababaw na kung mababaw lahat ng kinagagalit ko, pero sobra ka na Jace. Nang dahil lang sa isang lalaki, nakalimutan mo na ang mundo. Ang mundo na may kaibigan kang nag-aalala sayo, na hindi ka kayang mapahamak kaya ka kinukulit. I'm so sorry, ayoko nang makita ang pagmumukha mo. Nasusuka na ko sa ugali mo." Dugtong ko pa.

Lumakad si Jace papalabas sa kitchen. Watching him to leave gives a pain in my chest, but I don't know why. Damn, even my own body parts betrays me.

Hindi ko naman talaga kayang mawala si Jace sa buhay ko, pero hindi ko kaya na ipagpalit niya ang sandaling sarap para sa sampung taon naming pagkakaibigan.

The Single's ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon