Chapter 3Nakatulog kami ni Jace sa lamesa. Naparami kami ng inom kagabi. Pag bukas ko ng cellphone ko may sampung missed call galing kay Zafara.
Tinawagan ko siya at sumigaw ang loka loka sa phone.
"Anong oras na hindi pa rin bukas yung cafe mo! Tinawagan ako ni Kenrich pupunta daw siya!" sabi ni Zafara. Napatingin ako sa orasan.
"Waaaah! Shit. Alas nuebe na pala." sigaw ko.
Ang laki na ng nawala sa sales ko niyan. Marami pa naman akong morning suki. Urgh! Bwisit. Ginising ko na si Jace pero di siya magising. Hinayaan ko na lang siya. May cafe pa ko na dapat asikasuhin.
Pagdating ko sa cafe, hindi ko pa nabuksan kaagad yun dahil may mga dumi pa yun na naiwan kahapon. Nilinis ko pa yun.
Hanggang sa may kumatok sa entrance ng cafe. Si Kenrich. Pinagbuksan ko siya kahit na sarado pa ang store. Well, di naman siya bago sakin eh?
"Mukhang napasarap yung party dito sa cafe mo nakalimutan mo ng maglinis." sabi niya habang nililigpit ko yung mga bandiritas na sinabit sa ceiling ng cafe.
"Oo eh, anniversary kasi nito kahapon. First year! Yey!" and I smiled. Hay. I'm so proud of myself.
"Thats wonderful. Congrats." sabi niya. I smiled.
"So, do you have any idea for your wedding cake? I think its best if you bring your future wife with you para makapili siya ng design." suggest ko.
"Busy siya sa wedding dress niya..." dahan-dahan siyang naglakad papunta sakin. Tumalikod ako sa kanya at nagpanggap na busy. Medyo kinikilabutan nga ako eh.
Lumapit pa si Kenrich sakin hanggang sa hawakan niya ko sa dalawang siko ko. I stiffed.
"Menchi, alam mo bang namiss kita?" sabi ni Kenrich.
Napalunok ako. Tangina. Ang lakas pa ng tibok ng puso ko.
"Ako ba di mo ko namiss?" naging mas malapit pa si Kenrich sakin.
"U-uhm... Syempre... K-kaibigan kita eh?" sagot ko. Pumiglas ako ng kaunti pero hinigpitan niya ang hawak niya sa mga braso ko.
"K-ken... N-nasasaktan ako..." I sound so trouble now. Tumutulo na ang malalaking pawis sa mukha ko.
Inilapit niya sa leeg ko ang labi niya. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya. Goosebumps! Urgh. I hate this... Hindi ako makalaban. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nahahati ako. Parang gusto ng laman ko ang paghawak niya pero ayaw ng isip ko.
Ex ko na siya... Ikakasal na siya... Nandito siya sa cafe ko...
"Anong ginagawa mo sa girlfriend ko?!" sigaw ng pamilyar na boses.
Kenrich scoffed. "Girlfriend? Lalaki ka na pala Jace?"
Lumapit si Jace kay Kenrich at binigyan ng isang PANG LALAKI, take note... PANG LALAKI NA SUNTOK! Napa atras si Kenrich na medyo dumugo pa ang gilid ng labi.
"Nakaka bakla ba yung suntok ko para di ka na makatayo?" maangas na sabi ni Jace.
Fuck. Ang pogi niya. Infairness naman sa messy hair niya ha? Shit.
Tumayo na si Kenrich at tinitigan na lang kami. Whahahahaha! Grabe! Parang mas bakla na ata si Kenrich kaysa kay Jace? Charot!!!
Paglabas ni Kenrich nagtatatalon sa sakit si Jace. Hawak hawak niya yung kamay niya.
"What the fuck! Ang bakal naman ng fez nun namula ang mapretty kong hands!!" sabi ni Jace.
And he's back to his flirt side. Hays.
Looking at him, make me sigh. Hindi ko malaman kung bakit kailangan pang mainfect ng kabaklaan ang mga pogi ngayon.
"Oy Menchi, ayos ka lang ba?" tanong niya sakin kaya nabalik ako sa realidad.
"Oo." tipid kong sagot at saka ako ngumiti.
Tinulungan niya ko mag linis ng cafe ko. After namin mag linis, pinag uwi ko na lang siya ng cup cakes. Hindi na kami gaano nakapag usap ni Jace dahil may emergency call siya galing sa site.
Kasama ko ngayon sa cafe si Zafara at Jenny. Hindi na ko nakapag bukas ng cafe dahil sa nangyari. Natutulala ako. Para akong nirape na turilo pagkatapos.
"Grabe mabuti na lang pala dumaan si bakla dito?" sabi ni Jenny.
"Kaya nga eh. Alam mo ang pogi-pogi niya kanina! Kung hindi mo siya kilala malamang kikiligin ka sa itsura niya."
Hay... Sana naman magbago pa si Jace. Ayokong manatili siya ganun lang. Wala pa naman kasi akong nakikitang successful LGBT relationship. Its like, it takes a miracle to happen.
"Mahal mo pa ba si Jace?" out of the place na tanong ni Zafara.
"Sa totoo, tumibok ung puso ko nung nakita ko siya ulit kahapon." sagot ko. Ang mga bruha naman kaunti na lang mapapaihi na sa sobrang kilig!
"Alam mo Menchi, bakit di natin ituloy yung bet natin nung high school?" suggestion ni Zafara. Nagkatinginan silang dalawa ni Jenny at sabay na tumingin sakin.
"Haay nako. Gusto niyo lang mabawi yung 500 na binayad niyo sakin." sabi ko. Natalo kasi sila sa bet.
"Tss. C'mon."
"Guys alam kong di niyo tanggap na wala na talaga? Hindi na mangyayari yun." sabi ko pa.
"Ang KJ mo naman eh? Meron yan. Para may thrill gawin nating 10K ang bet!" sabi pa ni Zafara.
"Game?"
"Game."
Hays. Kung babalik man yung feelings ko kay Jace, sana hindi na ko masaktan.
BINABASA MO ANG
The Single's Problems
RomanceMalaya. Ayan lang ang magandang naidudulot ng pagiging single. Pero pagkatapos ng araw, maiisip mo na ikaw ay nag iisa. Meet Menchi. Ang running for Matandang Dalaga. Kayanin niya pa kaya ang buhay single kung ang lahat na lang ng kaibigan niya ay k...