One

646K 11.2K 4.2K
                                    

Ang sexy ko talaga.

Oo, hindi kayo namamalikmata sa nababasa niyo. Totoo 'yang nakasulat d'yan. Walang halong kasinungalingan ang 1st four words ng istoryang ito. Talaga namang sexy ako, e. Ewan ko ba sa iba kung ano ang definition nila ng sexy. Basta ang akin, two letters lang iyon:

ME.

Yeah right, sexy is me. Wala nang aangal.

"Good morning baboy!" Bati sa akin ng isa kong kaklase. Hindi ko alam ang pangalan niya at wala na kong pakialam kung ano iyon, pero nilapitan ko siya ng may ngisi sa aking mukha.

"Ano'ng good sa morning kung mukha mo agad ang bubungad sa akin?"

Iniwan ko siyang nakanganga ro'n. Napangiti na lang ako. Makababoy yung babaeng iyon. Akala mo naman maganda. Kung ako ang baboy, pwes siya ang putik. Dumiretso na ako sa upuan ko at nanahimik ang lahat nang nagsalita ako.

"Wala kayong karapatang mag-ingay. Kasi hindi naman kayo sexy tulad ko."

Tahimik.

Tapos tawanan. Isang malutong na halakhak ng mga impakta kong kaklase ang namayani sa buong klasrum. Tawa ng tawa. Ang sakit sa tenga. Eh kung sana yung tawa nila sing-ganda ng boses ko, kaso hindi eh. 'Yong kanila parang galing sa lupa.

"I-push mo lang yan Tabby! Self-support!"

Aba humirit pa ang bruha.

Tumayo ako, napameywang at hinarap siya. Natigil ang halakhakan dahil nabigla sila sa pagtayo ko. Napatingin sa akin ang bruha. Tinitigan ko lang din siya.

"So ano naman kung mataba ako? At least maganda. E ikaw? Look at your face. Excuse me 'no, mas mura kayang mag-gym kaysa magpa-plastic surgery."

Lumabas na ako ng classroom at iniwang nagtatawanan na naman 'yong mga kaklase kong diablets pero hindi na ako ang tinatawanan nila kundi yung bruha na. Mag-uumpisa na ang unang subject pero wala na rin naman akong pake. Ayokong pumasok ngayon kase maganda ako. Oo, maganda talaga ako tanong niyo pa sa pagong.

Lumabas ako ng campus at naglakad kung saan-saan. Napadpad sa may parke. Naupo sa isang bench. Napatingin sa paligid.

Anak ng kikay. Puro magsyo-syota pala ang nandito.

Sus. Magbe-break din 'yang mga 'yan. Kung tumaba kaya 'yang babae na 'yan, tignan natin kung hindi siya iwan niyang panget niyang boyfriend. Kung makapag-holding hands pa akala mo naman sila na forever! Walang forever mga ulol!

Mataba ka na nga, maldita ka pa. Bitter ka rin?!

Bulong sa akin ng konsensiya ko. Bwiset na konsensiyang iyan. Makaalis na nga lang. Napatayo na ako pero nung maglalakad na ako paalis, bigla naman akong may nakabunggo.

"Shet! Ang bigat mo naman!"

Napansin kong nakahiga na pala ako sa lapag. At may nadaganan akong tao. Napatayo ako sa sakit at napatigin doon sa taong nadaganan ko. Isang lalake. Napatayo din siya at tinignan ako ng mabuti.

Masyado siyang matangkad. Hanggang dibdib niya nga lang ako eh.

"Anak ng! Taong baboy, o!" 'yon ang nasabi niya at tumawa na siya nang tumawa. Napataas ang kilay ko. Nakakairita 'tong lalakeng ito ah!

"Ano'ng sabi mo?!"

"Sabi ko taong baboy! Astig nga eh! Ang taba mo na nga ang liit mo pa! Para ka talagang baboy!"

"Hiyang-hiya naman ako sa'yo no! Ang gwapo mo grabe!" nagdabog na lang ako palayo sa lalaking iyon. Maka-taong baboy naman siya. Kala mo naman gwapo, pero oo... may itsura nga siya pero kahit na!

Nakakainis. Hindi ko pa tuloy nagamit ang maldita powers ko.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon