Forty five

219K 3.4K 321
                                    

Pumunta sila sa isang arcade. Of course, napaka-common naman iyon para sa isang date. Lalo na at mahilig maglaro yang si Kei, pero Ally? Sabagay, siguro sanay na siya na dito dinadala pag may date. Kung ako ang ide-date, ayoko nga dito. Baka hindi lang ako mag-enjoy eh.

Ag daming tao, tapos ang dami pang jeje na nakakalat. May mga tumatambay naman na hindi naglalaro, nakakasikip tuoy sa space! Kainis ah. Pumunta sila Kei at Allison sa may counter at bumili ng tickets. Kelan pa nagkaron ng pera yung Kei na yun ha?!

Dumiretso sila doon sa basketball chuchu. Tuwang-tuwa silang naglalaro ng basketball. Tsk! Eh kung yung ulo kaya nila ang ishoot ko dyan?! Ang boring naman ng date na ito. Ba't pa kase ako sumunod...

Nanunood lang ako nang biglang may nakabunggo sa akin.

"Aray naman!" I exclaimed. Napatingin ako sa bulag na iyon na nakabunggo sa akin, pero nagulat din naman ako. Dapak. Ba't siya nandito?! 

"Tabby? Ikaw ba 'yan?"

Umiling ako at inekis yung mga kamay ko. "Ha? Sinong Tabby? Isa akong dyosang napadpad dito sa mundo, at naghahanap ako ng mga taong maaari kong kainin, gusto mo unahin kita? Duh! Of course ako si Tabby! Bulag ka na nga may amnesia ka pa?!"

Natawa siya. Itong Greg na ito, ba't yan nandito ha? Diba dapat guest lang siya dito sa story? Don't tell me magiging recurring character 'to ah! No way!

"Tabby, hindi kaya destiny ito? Tignan mo oh, dito pa tayo nagkita."

"Oo nga, baka nga destiny no? Haha, baka tayo nagkabanggaan ngayon kase pinaparating na sa'yo ni Lord na kaylangan mo ng humingi ng patawad sa akin kase kukunin ka na niya mamaya."

Tumawa na naman. Ba't siya tumatawa? Nag-joke ba ako?

"Aww naman Tabby eh."

"Wag kang mag-aww dyan, para kang askal na natapakan ang buntot. Saka hindi bagay sa'yo." umalis na lang ako doon at nakita ko na doon naman sila Kei at Allison sa parang dance dance chenez. Malay ko ba tawag doon. Napansin kong sinusundan ako ni Greg.

"Ahh, pinapanood mo sila? Diba si Allison yan saka yung gagong bumugbog sa akin nung nakaraan na linggo?"

Hindi ko siya pinansin. Kaasar naman kase. Nagustuhan ko talaga 'tong kumag na 'to? Oh my gosh, wala akong taste dati! Thank goodness naging high standards na ako.

"Tabby, spurs ka ba?" bigla niya ba namang sabi.

Hay nako. Yan na naman tayo sa spurs na yan eh. Pero panigurado this time isang corny na pick-up line 'to. Si Greg eh, alam ko namang baduy 'to.

"Bakit?" tanong ko sabay taas kilay.

"Kase, na-love at SPURS sight ata ako sa'yo eh! Ayeeee!" TAENA. TALAGA BANG NAGUSTUHAN KO 'TO, NA-HEARTBROKEN AKO DAHIL DITO? YUNG TOTOO?! BAKEEEETTT??? 

Nginitian ko siya pero yung pilit na smile lang. "Eh ikaw, Heat ka no?"

"Ayee, bakit naman?"

Tumayo ako tinakpan yung ilong ko. "Amoy ang-HEAT ka kase, lumayo-layo ka nga! At saka hindi talaga kita type kaya umalis ka dyan at may mahalaga pa akong ginagawa."

"Ouch, mas gusto mo pala yung lalakeng yun kesa sakin."

"Eh ano naman ha?"

"I knew it!" nagulat ako din mismo na parang inamin ko na rin sa kanya na may gusto nga ako kay Kei. Of all people naman, bakit sa kumag pang ito?! Ano ba naman yan Tabby! Ganda ganda mo tatanga-tanga ka naman!!! Nako!

Napatingin ulit ako doon sa pwesto nila Kei pero wala na sila doon. Patay na. Nawala na tuloy sa paningin ko dahil dito sa panget na Greg na ito. Kaasar! BV!!! BV TO THE MAXIMUM LEVEL TALAGA!  Kapag talaga ako napuno na, patay sa akin 'to eh!

"Tabby? Anong ginagawa mo dito with Greg?"

Teka. Familiar yung boses na 'yun ah. Lumingon ako at nandoon si Allison, kasama si Kei na maski siya mukhang nagulat eh. Patay na. Paano na 'to?!

Hinawakan pa ni Greg yung kamay ko. "Tabby and I are dating."

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon