Twelve

300K 4.7K 657
                                    

"Ang takaw mo talaga Tabby. Try mo naman magpapayat no." sabi ni Daphne nung dumating na yung pagkain namin. Hindi ko na lang siya pinansin. Sa halip, kinuha ko yung kubyertos at susubo na sana nang biglang nag-ahem si Rowell.

"Magpray muna," sabi niya at napatingin sa akin tapos kay pulubs na kumakain na. Napabitaw din ito sa sinusubo niyang chicken at yumuko at pumikit. Yumuko na rin ako at pumukit tapos nagdasal at kainan na! Kaylangan ng katawan ko 'to! Okay lang naman kumain ng marami diba? It's not like tataba naman ako kaagad dahil lang dito. And this serves as a reward dahil naka-3 consecutive days na akong nageexercise.

Susubo na sana ako nang biglang nag-ahem na naman si Rowell. Napatingin ako sa kanya. "Naghugas ka na ba ng kamay mo?"

"Oo, diba nagpunta ako ng wash-"

"Ay, hindi ka naghugas Tabby," sabat naman ng impaktita. Hindi ba ako naghugas? Nakakairita na ah! Tumayo ako at nagpunta ng wash room at naghugas ng mga kamay. Bumalik ako ng lamesa at hinawakan yung kutsara at tinidor ko, hiniwa yung burger steak, tinusok at malapit na sa bibig ko nang mag-ahem na naman si Rowell.

Nilapag ko sa plato yung mga kubyertos.

"Bakit na naman...?" mahina kong sabi.

"Um, kase, I better go. May kaylangan pa akong asikasuhin." sabi niya. Napansin ko ngang wala naman siyang inorder. Tumayo rin si Daphne. "Babe, sabay na tayo."

"Bye Tabby," sabi ni Kuya Rowell at ngumiti pa sa akin. Nagpaalam naman ako. Sa wakas at makakakain na rin ako. Sobrang nagugutom na kaya ako. Pano na lang pag nahimatay ako diba? Pano na lang pag ang sexy niyong bida nagutom? Kaya kumain na ako ng marami.

"Ang takaw mo pala talaga." sabi ni pulubs habang kumakain . Wala talagang manners eh no. "Pano ka magugustuhan nung lalakeng iyon eh di hamak namang mas sexy yung babaeng iyon kesa sa'yo?"

Ngumuya muna ako tapos nagsalita na. "Hoy! Magkaiba ang sexy sa skinny okay?! Mukha kaya siyang anorexic panda! Ang laki ng eye bugs eh! At saka aminin, mas maganda ako sa kanya."

"Maganda ka nga, pero ang taba-taba mo na nga, maliit ka pa! Mukha kang GASUL." sabi niya at tumawa ng napakalakas. Napatingin tuloy sa amin yung mga tao. Nakakahiya ah! Ba't pa kase ako iniwan with him! Hay!

"Tse!" hindi ko na nga lang siya pinansin at kumain na lang ako. Nung natapos na namin, hinila ko naman siya dahil gusto ko pa magshopping. At para mabilhan ko naman kahit papano 'tong pulubi na ito ng magandang damit no.

"Hoy gasul! San ba tayo pupunta?" tanong niya.

"Wag mo nga akong ma-gasul dyan! At saka hindi ako maliit! 9'2 kaya height ko!"

"9'2 sa paglaki......?" sabi niya.

"Ano?! 'Di ko gets!"

Napaface palm pa talaga siya ah! "Slow!!!! 9'2. Nine-hin two sa paglaki."

Nagcrossed arms ako. Hindi ko talaga gets! Kase naman kung ano man yang joke niya, ang corny corny nyan panigurado! Nine-hin two sa paglaki? 'Di ko gets!

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon