Twenty seven

247K 3.8K 583
                                    

"ROWELL!" Sigaw ko nung makapunta na ako ng hospital room ni Rowell. Kasama ko si Kei kase wala lang. Nakita kong tulog pa siya at yung Daphne naman na iyon ay nakatingin lang sa kanya. Nabaling naman yung tingin niya sa akin nung sumigaw ako.

"Mabuti naman at nandito ka na. Ang tagal ahh." sabi niya at tumayo pagkatapos ay kinuha yung handbag niya. "Bantayan mo nga 'tong lalakeng ito. Bago kasi siya makatulog eh sabi manatili lang daw ako dito. Ayaw ako paalisin. Nakakairita na."

Nakatitig ako sa kanya. "Ano bang pinagsasabi mong babae ka?"

"Ang sinasabi ko, ikaw na lang ang mag-stay dito at bantayan mo siya. Nakakaawa naman kase, wala naman yung parents niya nangibang-bansa. At saka ayaw mo yun? I'm doing you a favor na nga eh. Para naman at least mapansin ka ni Rowell."

Nakakairita. Sukdulan na talaga ang kasamaan ng babaeng ito. Ang sama na nga ng mukha pati ugali sinama pa. Sang tae ba hinulma 'to. "Best actress ka talaga ano." sabi ko sa kanya.

"Yes, thanks for the award dear." tapos ngumiti siya at lumabas na. Pasalamat siya at wala ako sa mood para awayin siya. Napatingin ako kay Rowell. Kaawa-awa ang itsura niya. May dumudugong bandage sa may ulo niya. May pasa din yung pisngi niya. Ano ba kasing nangyari? Naku. Sana si Daphne na lang nakahiga dito para naman magsaya ako.

"Ang sama pala talaga ng Daphne na iyon. Akalain mo yun? May mas sasama pa pala sa ugali mo." biglang hirit naman ni Kei na umupo sa may sofa malapit sa bed dun sa may window. Umupo naman ako sa isang monobloc chair dun sa may tabi ng bed.

Tinitigan ko ng mabuti si Rowell. Ang gwapo niya talaga. Kung halikan ko kaya 'to baka sakaling magising. Ay joke lang.

"Ba't ba yang lalake na iyan ang gusto mo?" tanong ni Kei na nakahiga na sa sofa. Kapal talaga ng mukha eh no. Kung daganan ko kaya para ma-confine din.

"Kase sweet si Rowell. Mabait, matalino, friendly. Gwapo pa. Nung mga panahong buhay pa si Kuya Austin, lagi silang magkasama ni Rowell. At si Rowell... parang tinrato niya akong isang kapatid. But that was 3 years ago. I'll make sure that he'll treat me like a lady now and not as a little sister."

"Lil' sis-zoned ka pala eh. Ay hindi, animal-zoned ka pala. Baboy ka siya tao. Forbidden love."

"Wow! Nahiya naman ako sa'yo. Unggoy!"

"At least pareho tayong animal, edi pwede tayo."

"At kelan ka pa nakakita ng baboy at unggoy na lovers?! Anong itsura nung magiging bunga nun?! At saka ano bang pinagsasabi mo dyan? Wait, don't tell me Kei na may gusto ka na sa akin ah. Nako, cliche nga naman. Lagi mo kong inaasar tapos mafa-fall ka din pala. Well, really can't blame you with this beauty and astonishing gorgeousness of mine-"

Bigla siyang nag-turn sa kabilang side kaya yung likod niya na yung nakaharap sa akin. "Yada yada yada. Matutulog na nga lang ako at mas interesting pang matulog."

"Edi matulog ka. Mabangungot ka sana."

"Nababangungot na ako kapag nakikita ko mukha mo."

Hindi na lang ako sumagot. Baka mapasigaw pa ako at magising pa si Rowell. Napatingin ako sa kanya ulit. Mahimbing siyang natutulog. Para siyang isang anghel... ang sarap niyang titigan. Pero bakit ganun? Weird. Hindi naman tumitibok ng mabilis ang puso ko.

Gustong-gusto ko talaga si Rowell.... simula nang mamatay si Kuya Austin, siya na ang naging takbuhan at kaibigan ko. Kaya... hindi ako papayag na mapunta siya kay Daphne. Sa masamang babaeng iyon... hindi ako susuko. Lalaban ako hanggang kaya. Pag hindi na kaya, mu-murderin ko na lang si Daphne. Joke. Pero sa totoo lang... bakit ganun?

Nakakapagtaka eh. Para kasing isang kuya yung trato ko sa kanya ngayon.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon