Sixty eight

205K 3.3K 354
                                    

"Merry Christmas!" 

Oo, Pasko dito sa storyang ito. Kumakain kami ng Noche Buena habang nagukwentuhan. Umuwi yung iba naming mga muchacha sa kanila, si Nay Erma umuwi din kase may pamilya siya sa probinsya nila kaya napilitan tuloy akong kumilos. Kami ni Daddy ang nag-ayos ng Christmas tree, naglinis ng napakakalat na salas, pati kwarto ko inayos ko din. Tapos nun nanuood kami ni Dad ng movie. Sila Mommy at Kei naman namili ng pinanghanda. Silang dalawa lang naman kase ang marunong magluto bukod kay Nay Erma. Bale, sila nagluto ng kinakain namin ngayon. 

Ang sarap nga eh. Feeling ko nasa langit na ako. Actually, kapag tumitingin naman ako sa salamin feeling ko din nasa langit din ako... para kasi akong anghel eh. ANGHEL AKO WAG KA NANG KUMONTRA.

Nagbigayan ng regalo pagkatapos. Doon ko lang naalala na hindi ko nga pala nabilhan si Kei ng regalo... dahil dun sa Shanize na iyon... kaya sabi ko sa kanya next time na lang. Humirit pa siya na kahit isang matamis na "oo" ko daw okay na. Sarap tadyakan, sabi ni Mommy. Ang regalo naman sakin ni ei sabi niya bibigay niya dw kapag nabigay ko na yung akin para fair. Wushu eh.

Okay lang naman ang holidays, kinabukasan nagpunta kami sa mall. Nanood ulit ng film, yung sa MMFF. Tapos kumain ulit. Puro kain nga ang nangyayari eh. Tapos binilhan ko na rin ng regalo si Kei, libro siya actually. And actually, siya pumili nun. Ang daya nga eh. Tapos malaman ko ang binigay niya sa akin blouse na DOUBLE XL. Ang luwag kaya! Binatukan ko siya kase XL lang ako no! Pero sabi niya parang fit daw sa akin yung DOUBLE XL. Ugh kainis lang eh.

"Tigil-tigilan mo ko Kei kung ayaw mong December 26 ang date of death mo ah." sabi ko sa kanya.

Tinawanan lang ako. Akala niya joke pero half-meant kaya yun. Yung sumunod na mga araw, dumalaw sila Allison, Greg, at Kuya Rowell. Nagka-kwentuhan sila nila Mommy at Dad dahil kilala din na naman nila yung mga yun. Kung anu-ano lang ang nangyari actually. Binigay ko yung regalo nila tapos binigyan din naman nila ako. Isang mug galing kay Kuya Rowell. Wallet from Allison. At isang DOUBLE XL blouse galing kay Greg. Binatukan ko nga. SABI NANG XL LANG AKO. AT MALAMAN LAMAN KO PA SABAY PA SILA NI KEI BUMILI NUN. SABAY KO KAYA SILA LIGPITIN DYAN.

Masaya kase sumayaw-sayaw din kami. Tapos nagka-inuman (ng juice dahil hindi drinkers ang parents ko) at kung anu-anong games. Tapos nagpaalam na sila, tapos nagkwentuhan lang ulit kami nila Mommy hanggang sa inantok na lahat.

Tapos... New Year's Eve na. Ang bilis nga lang eh, parang kaninang umpisa ng chapter na ito Pasko tapos ngayon New Year na. 'Wag na lang kayong magtaka kung next chapter pasukan na namin dahil tamad ang magandang author sa pagsusulat. Anyway, namili ng paputok sila Mommy at Dad kaya kami lang ni Kei sa bahay.

AT KUNG ANUMAN YANG INIISIP NIYO, TAMA YAN. Ano pa nga bang gagawin ng isang lalake at isang babae na mag-isa sa isang bahay....?

"Ang sarap talaga ng Carbonara!" sabi ko sabay kain pa. Pangtatlo ko na yun. Specialty talaga ni Kei ang Carbonara. 

"Hoy, nakaka-tatlo ka na ah, tapos mamaya iiyak ka diyan sa timbang mo." sabi niya.

Napahinto ako. Speaking of. Kelan ko nga ba huling natimbangan ang sarili ko? OMG, nung october pa ata. Inubos ko agad yung Carbonara at kinuha yung timbangan.

"Gusto mo bang ihanda ko na yung panyo mo?" tanong pa ni Kei.

Kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Lumapit si Kei para tignan yung weighing scale. Nag-comment pa ng, "One at a time lang, baka masira eh."

Tinignan ko siya ng masama. "Baka gusto mo ang mukha mo masira?"

"Haha sabi ko nga magtimbang ka na eh." sabi niya. Tsk. Nilagay ko na yung isa kong paa, tapos sumunod yung isa pa. Napapikit pa ako. Oh my gosh... please... *** pounds ako.... sana 'wag naman madagdagan... (SADYANG NAKA-CENSOR YAN NO. AYOKO NGA IPAALAM ANG WEIGHT KO.)

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon