Forty eight

222K 3.4K 383
                                    

Kumakain lang ako doon mag-isa sa salas ng pizza nang bumalik si Kei. Pero kasama niya si Allison, na maga pa yung mga mata kakaiyak. Over ah, ba't naiyak na 'to agad? Hawak ni Kei yung balikat niya. Ugh! Kainis. Kung mag-walk out din kya ako para sundan din ako ni Kei? Mehehehe. Joke.

"Best... pasensya na ah. Akala ko kase...." sabi ni Allison at nahihiya pa.

Sumubo ako sa pizza ko. "Salamat sa pizza, halika saluhan niyo ako." sabi ko na lang. Ayoko na kase ng drama, kaasar kaya. Naexplain na naman yung nangyari kaya okay na rin ako. Nangiti si Kei at si Allison, hawak pa rin ni Kei yung balikat ni Allison. Ay nako.

"Saglit lang, may kukunin lang ako sa taas." sabi ni Kei. Naiwan tuloy kaming dalawa doon ni Allison. Nakatayo pa rin siya at tahimik. Mukhang awkward pa ata sa akin 'to ah. Nako naman, ba't ba ang mga babae hirap mag-move on? Teka... babae din naman ako, yun nga lang diyosa kasi ako.

"Kumaen ka na lang ng pizza oh." sabi ko sa kanya.

Tahimik lang niyang kinuha yung isang slice ng pizza at umupo sa tabi ko. Tinignan ko lang siya, hanggang sa napatingin din siya sa akin at handa niya na basagin yung katahimikan. Hay nako salamat naman! Nakakabingi na kaya ang katahimikan. "Tabby... may tanong lang sana ako sa'yo. Best friend naman tayo diba? You can tell me everything."

Napaisip ako. "Uhhmm, ano ba 'yun?" I asked.

Tumingin siya sa mga mata ko. "Kase, aminin mo nga.... kahit ba .0001% wala kang gusto kay Kei? Ha Tabby?"

Ngumiti ako sa kanya. Tapos napatingin sa pizza ko. "Haha, nagpapatawa ka ba... ako magkakagusto sa kumag na 'yon... you're so funny..." Ayokong sabihin sa kanya. Mamaya umiyak na naman 'to, eh ayoko ngang may umiiyak dahil sakin! Pwera na lang kung si Daphne bwahahaha.

She sighed heavily. "Buti naman... Promise ah? Kase sa totoo lang, best, in love na talaga ako sa kanya. Sure na akong it's love. Kaya sana... kaya sana 'wag namang mismong best friend ko ang maging karibal ko. Ikaw na nga lang nasasabihan at natatakbuhan ko tungkol sa lovelife eh."

What the hell. Nagiging cliché na 'tong kwento namin ah. Ba't ba kase Allison sa dami ng lalake dyan, si Kei pa talaga?! Bakit kung sino pa talaga yung gusto ko! Shit happens, that's why Daphne was born. Nakakainis talaga! Ugh.

"Hahaha," tumawa na lang ako. Bumalik na si Kei tapos niyayang ihatid si Allison pauwi sa kanila. Kinilig naman si Kei. Che. Magsama kayo dyan. Akala niyo haaa sige lang. Sana mahold-up kayo ni Mang Kanor. Sana makain kayo ni Jaws. Sana kuhain kayo ni Slender man.... ugh ang mean ko. Haha. Pero bago ba 'yun? Sanay naman kayo diba? ;)

Umalis na silang dalawa. Naiwan na lang ako. Naubos ko na yung pizza tapos tinitigan ko lang yung bracelet na bigay ni Kei. Ang ganda talaga. Mahal nga 'to eh, sa pagkakaalam ko. Umakyat na ako sa kwarto at nag-computer lang. Facebook.

Uy! Online si Daphne! Bwahaha.

Nag-scroll lang ako sa news feed ko. Tsk, mga walang kwenta naman yung nandito. Like if you love God, ignore for devil. Ano ba 'yan -___- may mga pictures pa ng chocolates, basta mga pagkain. Ginawa ba namang menu ang facebook. Kung anu-ano lang naman nandito, kaya napadaan ako sa profile ni Daphne. Wow! 2,345 friends! Bigyan na ng Miss Friendly award 'to! Tapos yung picture niya 342 likes, yung mga comments puro siya na 'Thanks for the likes'. Ano 'to congressman?!

At 342? Ano yun ginawa niya lahat yung account na iyon?! Daheck! Eh mukha ngang paa yung mukha oh. Nako ano ba 'tong facebook na ito, hindi talaga marunong tumingin ng beauty. Tsk.

Chinat ba naman ako ni Daphne. Tinignan ko nga.

Send this to 10 people on your list and count 3 seconds and make a wish! This is true! If you ignore this you will have 10 years of bad luck!!

The heck. Naniniwala pala 'tong Daphne na ito sa ganyan?! Wtf. Nag-pindot nga rin ako at nag-type sa keyboard ko. Natatawa pa nga ako haha.

"WALA LANG! Pass this to 18 people and nothing will happen. Promise! This is very effective! I just tried it, wala talagang nangyari."

Pinindot ko yung enter. Tapos nag-reply siya.

"Corny mo."

Haha! May entertainment din naman pala 'tong FB no? Lalo na at napaka-boring ng araw na ito. Nagreply naman ako sa kanya. "At least pretty. Eh ikaw? :p"

Nag-offline na! Hahaha pikon talaga kahit kelan! Nako. Magla-log out na sana ako nang nakareceived ako ng friend request. Si Greg pala. In-accept ko na lang. Mamaya magpakamatay pag nireject ko eh. Hay hirap talaga pag maganda.

Kumain na ako ng hapunan at wala pa rin si Kei. Nako baka doon na naghapunan yun. Bahala siya, papalock ko yung gate. Ang kurimaw na iyon. Kainis talaga. Saka kanina... sana hinalikan niya na lang ako.

Teka... naalala ko... nagkiss na nga pala kami diba?! Oh my gosh oo nga. Nung sa park, yung hinimatay siya. Hay sana maulit!!! JOKE HAHAHA. Pero hindi, gusto ko talaga. Pero joke lang! Pero jokes are half truth, kaya gusto ko sana maulit. Pero as in joke lang naman kayo talaga j3j3j3j3 pinapakilig niyo bilbil ko eh hihihi. Yuck ka talaga Tabby.

Hinihintay ko si Kei, pero 'wag na lang pala. Mamaya kung ano pang sabihin nun. Umakyat ako sa kwarto at nagbihis ng pajama. Humiga ako sa kama.

May kumatok sa pinto. Pinatuloy ko at si Kei pala, nakabalik na.

"Oh anong ginagawa mo dito? Kala ko doon ka na kina Allison titira eh." sabi ko sa kanya.

Tinitigan niya ako. Ang weird naman nito, nakaka-conscious kase. Kung makatitig kase siya, para akong matutunaw. Tapos nakangiti pa siya na parang tanga lang. Medyo namumula na ata ako sa mga titig niya kaasar!

"Makatitig ka naman!"

"Eh ganun talaga, gusto ko ikaw huli kong makita para sweet dreams." sabi niya tapos labas agad ng pinto. Ano kaya 'yun?! Tinitigan ako, tapos sasabihin gusto niya akong huli niyang makita bago matulog para magka-sweet dreams daw siya?! Tapos labas agad ng kwarto?!

Teka.... gusto niya daw na ako ang huli niyang makita para magka-sweet dreams siya. Oo nga no.... ehhh..... ahhh....

Tumitinok na naman yung puso ko. Ako ata hindi makakatulog neto eh. Ba't bigla siyang nagsabi ng ganun? For sure binibiro lang ako nun, inaasar. Hay. Naniwala ka naman Tabby. Gising nga Tabby! Este matulog ka na pala!

For sure magkaka-sweet dreams din ako.

JOKE!

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon