Thirty six

244K 4.1K 371
                                    

Two weeks. Sa two weeks na iyon, wala akong ginawa kundi mag-practice para doon sa play, tapos para maghanda na rin sa beauty competition. Stress nga eh! Grabe. Ang hirap pala talaga kapag maganda ka no. Ang daming echekchenez na ganyan.

Nandun lang ako sa sala nang may nag-door bell. Pinasagot ko kay Leah tapos si Rowell pala. Meyo nagulat nga ako sa kanya eh. Mukhang okay na rin naman pala siya.

"Tabby," tawag niya sa akin.

"Oh, Kuya Rowell. Halika dito, ba't ka napadalaw?" tanong ko sa kanya at nilatag yung script doon sa coffee table. Pinaupo ko siya sa tabi ko. Kahit na mukhang okay na yung kalagayan niya, napansin ko namang mukha siyang malungkot. I touched his shoulder and asked, "Bakit? May problema ba?"

Napangiti siya sa akin at umiling. Ang weird. Dati kapag ganito na ang lapit ko sa kanya, naiisip ko na parang gusto ko siyang irape. Pero ngayon hindi na eh. Parang as kuya na lang talaga ang nararamdaman ko. Weird no? Feelings come and go.

"W-wala... kase ano.. si Daphne. Nowadays, she's been avoiding me." ang gulo ng mga tao. Sasabihing walang problema tapos meron naman pala. Haha.

"Since when?"

"Simula nung na-ospital ako." sagot niya naman. Hay, sabi na nga ba eh biktima lang din ng Daphne na iyon si Kuya Rowell. Tulad kay Kuya Austin. Ganitong-ganito din yung nangyari noon, bigla na lang niyang iniwasan si Kuya Austin kase naghahanap na pala siya ng ibang makakalandian. Para nga siyang lamok eh. Kung saan-saan kumakagat, tapos ang kati-kati pa sa katawan. At ang lamok? Masarap PATAYIN. Pero oy ah, hindi naman ako psychotic kaya don't worry walang murder na magaganap sa story na ito.

"Papansinin ka din nun. Baka busy lang with school works," sabi ko sa kanya. Syempre dapat bigyan ko siya ng pag-asa diba? Haha. Kahit mukhang hopeless na talaga yung situation.

"Thank you Tabby ah. Nga pala, nabalitaan ko na ikaw daw yung gaganap na antagonist sa stage play niyo para sa school day? Pupunta ako, paparoonin kita ah."

Nabalitaan niya pa 'yun ah. Pati pala sa ospital umaabot ang balita. "Sige, salamat din Kuya Rowell ah." sabi ko.

Hinawakan niya ako sa ulo ko. "Ikaw ba talaga 'yan Tabby? Tinatawag mo na akong Kuya ah, saka parang may nagbago sa'yo.... parang bumait ka ata."

"So ang sama ko pala dati?" tanong ko sa kanya at nagtawanan na lang kame. Masarap pala sa feeling na ganito. Na parang may kuya ulit ako. Namimiss ko na kase talaga si Kuya Austin eh, and thank God may bago akong kuya.

"Sige, alis na ako ah." sabi niya. Napatango na lang ako at nag-bye na. Ngumiti siya tapos umalis na rin ng bahay. Kinuha ko ulit yung script ko tapos bigla ba namang may tumabi sa akin. Sino pa ba? Edi yung asungot na Kei na iyon.

"Hmm, kinikilig pa ang bilbil mo ah." sabi niya. Kainis talaga 'to no? Pero hindi naman ako super naiinis. Parang natutuwa pa nga ako sa mga pang-aasar niya eh. Ewan ko ba, baliw na ata ako.

Hindi ko na lang siya pinansin. Bakit ganun yung itsura niya? Mukha siyang naiinis. Oh em gee, hindi kaya nagseselos 'to sa amin ni Kuya Rowell? Nilagay ko ulit yung script ko sa lamesa at nginitian si Kei.

Napatingin siya sa akin. "Anong ngingiti-ngiti mo dyan ah?"

"Nagseselos ka." sabi ko.

"Ako? Nagseselos? Baliw ka na ata Tabby eh. Wag kang feeling." sabi niya pero mukha nga talaga siyang nagseselos! Kainis ang cute niya palang magselos. Kapag pinagpatuloy niya pa yung pag-ganyan niya, nako makakasuhan ako ng kasong rape dito.

Biglang may nag-doorbell. Nung pumasok, si Allison pala. Nakangiti niya akong binati tapos umupo pa sa tabi ni Kei. Tapos nag-uusap sila doon na parang wala ako eh. Nakakainis. Crush nga pala ni Allison si Kei at nagkaka-text at tawagan pa sila. Nako, hindi lang pala rape ang magiging kaso ko neto, homicide pa. Pero joke lang ano ba kayo!

Blah blah blah. Sarap niyong pag-untugin. Itong Kei na 'to, kala ko ba nagseselos siya sa amin ni Rowell?! Tapos dumating lang yan si Allison parang nawala na ako bigla sa mundo. Nakakainis talaga ah!

"Nagugutom na ako, parang gusto kong kumain ng ice cream!" sabi ko pero wala. Hindi pa rin nila ako pinapansin. Ni hindi nga sila tumingin sa akin eh!

"Hay, makapag-shopping nga!" Then again, wala pa rin. Kainis ah.

"Nako ang sarap pumatay!!!!" napatayo na ako at napasigaw. Finally napatingin sila sa akin. Pero yung tingin na nawi-weirdohan sila sa akin. Kainis talaga! "Sarap pumatay.... ng langgam. Grabe ding langgam kinakagat ako." tapos ayun balik na naman sila sa pag-uusap.

Doon na nga lang ako sa kwarto. At least doon walang mga Kei at Allison. Hmph. Nag-memorize na lang ako ng script tapos maya-maya may kumatok sa pinto. Napatayo ako at binuksan iyon at si Kei pala na nakangiting nakakaloko.

"Nagseselos ka no?" sabi niya sabay taas pa ng dalawang kilay.

"Ako? Nagseselos?! Nababaliw ka na ba ha?" Sabi ko.

"Mamatay ka man?"

"Ba't ako pa ang kaylangang mamatay ha? Hindi ba pwedeng ikaw na lang? Papatayin mo pa ako eh pinapatay mo na nga ako ngayon sa selos!" OMG. NASABI KO YUN? TANGA KA TALAGA TABBY ANO BA YAN.

"Edi nagseselos ka nga." sabi niya at nangiti. "Hay, ang hirap talaga pag ang lakas ng sex appeal, daming baba-" naputol yung sasabihin niya kase pinalo ko siya sa mukha nung papel, yung script na minememorize ko.

"Aray ko Tabby ah!" sabi niya.

"Mas masakit pa nga yang ginawa mo sa akin!" ANO BANG PINAGSASABI MO TABBY?! Pinagsarhan ko na lang siya ng pinto. Hmph. Hindi ko ugali ang magselos. Ayokong magselos. Lalo na sa pulubing iyon at sa best friend ko pa.

Nakakainis. Nakakainis ka talaga Kei ka. Simula nung dumating ka dito sa bahay na ito, mali, sa buhay ko pala, wala ka nang ginawa kundi inisin ako.

At ang pinakanakakainis? Eh yung feeling na ito. Na parang instead ako ang kumain, ako na ang kinakain. Kinakain ng selos na 'to. Nakakainis. Alam kong hindi ako dapat magselos, pero ang hirap pala pigilan.

Bakit nga ba ako nagseselos?

Duh. Alam mo Tabby ang sagot no.

Whenever you see him, parang sumasaya ka agad. Gusto mo lagi siyang nandyan, natutuwa ka pa nga kapag inaasar ka niya. At the most random times, lagi siya ang naiisip mo. Dati sa pagkain ko lang 'to nararamdaman eh.

Hindi ko akalain na may mas mamahalin pa pala ako kesa sa pagkain. Tsk.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon