Xtra: Linggo ng Wika

159K 2.3K 89
                                    

A/N: This is just an extra chapter, at nangyari po ito before pa makilala ni Tabby si Kei. Setting niya is in August, 1st year college na rin si Tabby dito. (Remember mga end of september nagkita sila Tabby at Kei sa park so this happened prior to the chapter one of TXB)

Credits to @StrawberrySundaeeeee for the poem.

--

"Linggo ng wika na, pero wala naman tayong magawa dito Tabby eh. Ang boring. Pinasuot pa tayo ng Filipiniana." sabi ni Ally habang pinapanuod yung mga sumasayaw sa stage ng folk dance. Ang boring nga eh.

Kumuha ako ng bibingka doon sa may long table. "At least may food sila," sabi ko na lang.

Kumakain ako doon nang biglang may lumapit sa akin na mga babae na nagtatawanan. Kung hindi ako nagkakamali, sila ata yung irregulars sa NatSci. Ewan ko kung anong mga pangalan nila. Extra lang naman sila sa story na 'to kaya wag na nating alamin.

Tawa ng tawa yung isa at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Alam mo, kain ka ng kain dyan lalo ka lang bibilog. Tignan mo nga itsura mo oh. For sure hindi ka na magkakaroon ng boyfriend niyan." Halakhak naman ang mga palaka.

"Best-" hinawakan ako ni Allison.

Hinarap ko sila na may ngiti sa aking mukha.

"Mataba ako sa anyo, sa timbang

sa laki, sa kain at sa laki ng balakang

Ang bilbil ko

Kilala sa sobrang rami

Sa mga ugat ko ay nananalaytay,

magiting na dugo ng matakaw

ang kasibaan ko'y di malilimutan

ng aking mga kaibigan

Ikakarangal ko itong katabaan

Di ikakahiya sa mga tao

busilak ang kasibaan, busog ang tyan

mamayat ako kung wala nang pagkain

Taas noo kong ipagmamalaki

Mataba akong may dangal na kasibaan

Sintang pagkain ang nilalasap kong saksi,

Dinilig ng pagkain ang kagutuman."

Yumuko pa ako sa harap nila. "BOW. O? Kaya niyo yun? Hindi no? Tsupe, mga inggitera. Malalansang isda!"

"Nako, bahala ka na nga dyan. Patula-tula ka pa. Baboy! Hindi magkaka-boyfriend!"

"Pake ko? Makakain ko ba yun?" tanong ko sa kanya.

Umalis na lang yung mga diablets. Naiwan kami ni Ally at ako naman kumain naman ng puto. Napatingin sa akin si Ally na medyo naiinis pa rin dun sa mga diablets. Hinawakan niya ako sa balikat. "Best, kapag nagkaron ka na ng boyfriend, nganga sila sa'yo. Nako lang talaga."

Tumango na lang ako habang ngumunguya. Boyfriend? Ehhhh... si Kuya Rowell na lang. Hidi ko maimagine na magkakaroon ako ng boyfriend maliban sa kanya eh.

Bumubulong na naman ang konsensiya ko.

"Mataba ka na nga, maldita ka pa. Magkaboyfriend ka pa kaya?"

TSE. WALA AKONG PAKE.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon