Sixty five

201K 3.1K 316
                                    

"Alam mo friend, ang swerte mo talaga kay Kei." bulong sa akin ni Allison habang bumibili sila Kei at Greg ng hotdogs doon. Nakaupo kami ni Allison doon sa bench at nagpapahinga muna sa mga rides na nasakyan namin.

Napatingin ako sa kanya. "Oy ah, siya kaya ang swerte sa akin. Sa mala-diyosang kagandahan ko ba naman eh pumatol pa ako sa isang tulad niya."

Tumawa si Allison. Wow, nag-joke ba ako? Eh totoo naman talaga iyon. Si Kei naman talaga ang maswerte no. Ang dami-daming nagkakandarapa dyan sa akin pero siya ang pinatulan ko.

Andyan si Damon Salvatore na patay na patay sa akin, si Christian Grey na kulang na lang kainin ako dahil sa pagkasabik niya sa akin, si Peeta Mellark! Dyusme mamatay daw siya para sa akin. Grabe talaga yung mga manlilogaw ko na iyon, mga psycho. Pero hot lahat. Kaya maswerte si Kei at sa lahat ba naman eh siya ang pinili ko.

Please, kanya-kanyang trip lang 'to. 'Wag na kayong umangal umaambisyon na nga lang eh.

"Eto na mga prinsesa," nandun na sila Kei at Greg na dala yung hotdogs at coke in can. Nag-thanks na lang kami ni Allison at kumain. Yung dalawa nakatayo kase hindi na kasya.

"Gusto mo Kei ikaw na lang dito?" tanong ni Allison at handa nang tumayo.

"Sige ba!" sabi naman ni Kei na nakangiti pa.

Nakisawsaw ako. "Hep hep, napaka-gentleman mo talaga Kei ah. Ikaw Allison ang umupo dyan, hayaan mo siyang nakatayo dyan." sabi ko sabay inom ng coke.

Napasimangot si Kei. Pero biglang ngumiti kay Greg. "Alam mo, 'tol, ang swerte mo sa girlfriend mo. Ang bait, caring, thoughtful. Tapos sexy pa at hindi pa hard-to-get."

KUNG PINAPATAMAAN NIYA AKO, HINDI AKO NATATAMAAN, OKAY?! OKAY?!

Si Allison pangiti-ngiti pa. Sumagot naman si Greg. "Maswerte ka rin kaya kay Tabby. Ang ganda na nga tapos matapang pa. Rare yung mga ganyan."

Ahem. Ahem. That's me! Hahaha!

"Oo nga eh! Sobrang rare! Wala na nga akong makikilalang sing-sama niya."

Napatayo naman ako. "Oy! Ang kapal mo din no?! Anong walang kasing-sama ko? Sabagay... ikaw nga dyan mas masama ka pa sa akin! Ha akala mo! Greg ikaw ang umupo dito."

"Ahh... okay." sabi ni Greg at nagpalit kami ng pwesto. Nakatayo ako sa harap ni Kei at tinignan siya ng masama.

"Panget." sabi ko sa kanya sabay belat.

"Baboy." sabi niya naman. Aba ah talaga! Ang lakas ng loob. Sa lahat ba naman ng mga manliligaw, siya talaga yung makapal ang mukha eh! Nako. Wag siyang mag-expect dyan na sasagutin ko pa siya ah. Kaasar talaga! Kapal kapal ng mukha! Mas makapal pa sa taba ko!

Nag-crossed arms ako. "Guys, dun naman tayo sa parang tower, yung biglang bumababa. Masaya dun, nakakalula."

Humirit naman si Kei. "Hindi, mag-bump car tayo! Masaya yun!"

"Pambata anwala." sabi ko naman.

"Hindi yun pambata! Yun kaya ang pinaka-challenging na ride sa buong theme park na ito! Kaylangan dun ng concentration para makabunggo ang iba! Kaylangan ng endurance, strength, at-"

"Yada yada yada. Sige halika na nga, parang ang sarap mabunggo eh!"

Nagkakatitigan kami. Tignan lang talaga natin. Kala netong lalake ito ah.

Naglalakad na kami papunta doon tapos pumila. Mabilis lang kase wala namang masyadong nagba-bump car dahil pang-chicken naman talaga 'to eh. Puro nga mga bata dito. Nakasakay na kami at nagkakatitigan ulit ni Kei. Sila Greg at Allison naman nagkakatitigan din, pero yung malagkit. Eww nga eh.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon