Seventeen

282K 4.5K 697
                                    

Tabby's POV

It was a sunny bright morning for me, napaka-good mood ko. Ang sarap ng gising ko. October 16. Ano pa ba? Today's my seventeenth birthday. Ngayong araw na ito, 17 years ago, nagkaroon ang humanity ng shining ray of hope at assurance na hindi talaga mula sa unggoy ang mga tao. My birth defied Darwin's theory. Dahil nung pinanganak ako, isang dyosa ng kagandahan ang dumating sa lupang ito.

And I'm gonna celebrate my birthday alone.

Yes, alone. Lagi ko na namang ginagawa 'to. Kakaunti lang naman kase ang may alam ng birthday ko. Allison, Nay Erma, at sarili ko. Eh yung Allison naman na yun kase lagi na lan pag birthday ko nago-out of country. Pero nagtext naman siya at bumati.

Maaga akong naligo at nung bumaba ako, mukha agad ni Kei ang sumalubong sa akin.

"Si Nay Erma?" tanong ko sa kanya.

Nanunood siya ng TV. "Ba't aalis ka?"

"Tinatanong kita nasan si Nay Erma, tapos tatanungin mo rin ako. Ano 'to pass the question?" tuluyan na akong nakababa ng stairs at pupunta na ng kusina. "Nay Erma?"

"Wala si Nay Erma. Nagpaalam siya sa'yo nung isang linggo diba? May sakit kasi anak niya."

Naalala ko nga. Nagpaalam nga siya na pupunta siya ng probinsya. Nakalimutan ata ni Nay Eema na October 16 ngayon. Ano ba 'yan. Magpapaluto pa naman sana ako ng carbonara my favorite.

"Sige na nga. Aalis lang ako." sabi ko.

"Ha? Teka sama ako."

"Para ka talagang aso. Laging nakabuntot sa akin."

"Ganda mo eh." kinindatan pa ako. Umakyat muna para magbihis. Kainis naman kase eh. Sama-sama pa. Dapat mag-isa lang ako magse-celebrate. Bahala siya dyan. Kainis kase papansin eh. Mga after five minutes nakababa na rin siya. In fairness ang gwapo niya ah. Nakasuot ng skinny jeans saka black t-shirt na may skull design. Nakasuot din ng vans shoes. Magaling naman din pala 'to mamili ahh sa mga damit dati ni Kuya Austin.

"Okay ka naman pala eh, halika na nga."

"Sus in love ka na nyan." sabi niya pa.

"Kadiri halika na nga bilis!"

Sa wakas eh nakaalis na nga kami. Syempre nagpa-drive ako sa mall no. Ayoko ngang mag-commute baka makasingot pa ako ng bad pollution. Nung nakarating na kami doon eh pumunta na ako ng sinehan. Manunood ako ng sine. Ewan ko ba dun sa lalaken iyon ayaw daw manood ng sine. Sumama pa sakin hindi naman pala manunood. Sabi niya magkita na lang daw kami sa KFC. Nanood na nga lang ako at kadire, ang boring ng movie. Sayang barya ko doon.

Nagpunta ako ng KFC and nandoon nga siya. Wow, kabisado niya naman pala ang mall na ito. Baka namulubi na siya dito.

"Kain na tayo." sabi ko. Sinabi ko lang na Fully Loaded Meal sa akin. Tapos si Kei na nag-order at naghanap naman ako ng upuan. Naghahanap-hanap ako when suddenly may nakita akong familiar na tao. He's alone.

ROWELL IS ALONE THANK GOD!

This is my chance. Lumapit ako sa kanya. Mukha naman siyang nagulat.

"Oh Tabby." sabi niya sa akin.

"Hello," bati ko sa kanya. Nangiti naman siya at nakiupo ako doon sa tapat niya. Oh my gosh, he's so gwapo talaga! And and and para kaming nagde-date nito! Ayeee!!!

"You look beautiful today." sabi niya.

"Thank you." OH MY GOSHHHHHH. Ang ganda ko daw ngayon. Sabi na nga ba may lihim na pagtingin din sa kin 'to si Rowell eh. Kunwari pa. Mukhang hindi ko na pala talaga kaylangang magpapayat para lang magustuhan niya ako.

Because he can accept me no matter what happens. Kase TL kame no!

Tulo Laway kayo dyan!

True Love kamo!

Naeenjoy ko na nga ang moment kaso dumating pa yung Kei na iyon. Nasira tuloy. At naalala ko na yung order ko nga pala is yung Fully Loaded Meal. Bigla tuloy akong nahiya.

Napatingin si Kei kay Rowell ko tapos sa akin. "Oh eto na yung-"

"Akin na nga yung Mashed Potato ko, hahaha. Grabe! Oh em gee! Ang takaw mo naman. Dami mong inorder." sabi ko at binigyan siya ng look.

He narrowed his eyes at me. Napangiti lang ako kay Rowell.

Napansin kong tapos na siyang kumain. Kaya binilisan ko yung subo ng mashed potato at kinuha ko yung brownie tapos kinain ko ng buo at uninom ng coke at napatayo.

"Rowell, sama ako sa'yo. Please? May bibilhin ako eh."

Napatingin sa akin si Rowell saka kay Kei na nakatingin din sa akin at nagtataka. Nagtataka rin si Rowell at nagtanong. "Huh? Eh pano na 'tong boyfriend mo?"

Agad naman akong sumagot. "HINDI KO SIYA BOYFRIEND!" ang lakas ng boses ko kaya napatingin tuloy yung mga tao sa akin at nagbulung-bulungan pa. La akong pake. Ayoko lang na magkaroon ng wrong idea yan si Rowell.

"Oo, hindi niya ako boyfriend. Ge, samahan mo na siya pre." tapos tumingin sa akin si Kei. Ewan ko pero ang lungkot niya ata. "Hintayin na lang kita sa bahay."

Tumango ako. "Y-yeah. Halika na Rowell," pinilit ko na lang tumawa kahit sa totoo parang nalungkot din ako dahil kay Kei. Ba't ba kase ganyan siya maka-react? Nako. Tumango na lang din ako at kasama ko na si Rowell.

Dapat masaya ako kase kasama ko si Rowell ngayong birthday ko....

Pero ba't ganun? Parang gusto kong bumalik sa table kasama si Kei. Weird ah.

Ahh alam ko na, kase favorite ko yung chicken ng KFC eh! Yes, yun nga!!!

It's not like I like Kei or something.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon