Six

369K 6.2K 867
                                    

Nagising ako ng madaling araw, mga 3:30 am. Bigla akong nauhaw. Napatayo ako at lumabas ng kwarto at pababa na sana papuntang kusina nang biglang bumukas yung kwarto sa tapat ko. Yung kwarto dati ni Kuya Austin kung saan si pulubs natutulog.

"San ka pupunta?" tanong niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Iinom ng tubig. Bakit?"

"Sa kusina? Totoo ba na may nagpapakita daw na multo sa kusina?"

Nangiti naman ako sa lalaking ito. "Aba? Sino namang nagsabi sa'yo nyan?"

Sinara niya yung pinto niya at lumapit sa akin. "Si Nay Erma. Sabi niya sa akin kanina nung kumakaen ako ng hapunan."

I waved my hands in the air. "Ano ka ba, 'wag ka ngang nagpapaniwala sa sinasabi ni Nay Erma. Binabarbar ka lang nun. Ang mabuti pa, samahan mo na lang ako sa kusina at kanina pa ako nauuhaw. Bilis halika na."

Nangisi siya. "Aysuuus, 'di daw naniniwala, pero takot naman."

"Samahan mo na lang ako okay?! Kundi kakaladkarin kita dyan."

Bumaba kami ng pulubing iyon papuntang kusina. Natayo siya doon sa may oven samantalang ako kumuha ng pitchel at naglagay ng tubig sa isang baso. Haa. Ang sarap naman ng malamig na tubig. Napatingin ako kay pulubi at tinititigan niya lang ako.

"Ano ba? Gusto mo ba ng tubig?"

"Nagugutom ako." sabi niya.

Kumuha kami ng ice cream sa ref at naupo sa may sofa sa sala. Mukhang gutom na gutom talaga ang pulubi na ito. Subo siya ng subo tapos ako naman kahit nagugutom na rin pinipigilan ko na lang ang sarili ko. Kaylangan. Kong. Mag. Diet.

"Bakit parang mag-isa ka lang sa bahay niyo?" tanong niya at napatingin pa sa paligid.

"It's none of your business."

"Naniniwala ka ba talagang maganda ka?"

"Aba oo! Naniniwala akong maganda ako at sexy pa. Hindi ko nga alam sa inyo kung bakit sa tingin niyo ay isa akong baboy, balyena, dabyana, at kung anu-ano pa eh ang nakikita ko naman pag humaharap ako sa sarili ko ay isang magandang dyosa."

"Wow taas ng confidence. Kakaiba ka rin no? Kadalasan sa mga istorya, yung mga tipo mong characters ay mga inferior. Walang kumpyansa sa sarili. Masyadong negative. Eh ikaw? Grabe, matataasan mo pa ang Mount Everest sa confidence mo eh."

Binigyan ko siya ng isang sarcastic na tawa. "Eh ikaw? Yang mga ganyang tipo mo eh yung mga papogi sa una. Pakipot pa. Aaway-awayin yung mga main heroine but in the end maiin-love din. Sus, alam ko na ang cliche ng love stories no."

"Ako?! Maiinlove sa'yo? Yuck!!! Baka ikaw nga dyan ang nahuhulog sa akin eh. Titig na titig kanina nung nahimatay ako. Well, it's because I'm really hot."

"OO! SA SOBRANG HOT NASUNOG KA NA NGA EH. ULING."

"Uling ako? Eh di combo pala tayo eh! Kasi ikaw iniihaw na letson!"

"Hahahahahaha, tuloy mo lang yan. Hintayin mo lang, maiin-love ka rin sa akin."

"Oh talaga?" tanong niya at napabitaw sa ice cream tapos nilapitan ako. Tinitigan niya ako sa mga mata ko. Nakakainis. Nakakainis talaga! Ano bang sa tingin ng lalakeng ito? Na maiin-love ako sa kanya.

Tinulak ko siya. "Hindi ako maiinlove sa'yo. OVER. MY. SEXY, GORGEOUS DEAD BODY. Ay teka, pwede ikaw na lang yung dead?" Inirapan ko siya at kinuha yung gallon ng ice cream at baso ng tubig tas pumunta ng kusina.

Tahimik doon.... saka malamig.

Binabalik ko na yung baso at ice cream nang biglang may umihip sa may tenga ko. Napatili tuloy ako tapos napalingon. Pagkatingin ko nandun pala si Pulubs at sobrang lapit niya sa akin.

Nagkatitigan kami.

Parang ang bagal ng oras.

Parang may spark...

OO! Nag-iispark ang galit ko! Tinulak ko siya palayo sa akin at umakyat na ng kwarto. Alam kong nakasunod siya sa akin. Nakakainis talaga 'yang pulubi na yan. Bukas na bukas din, papaalisin ko na siya sa bahay ko. Dapat tinatapon na yang mga ganyang basura eh.

"Oy taba!" tawag niya sa akin.

Nilingunan ko siya. "I have a name okay? Tabitha Mary Jane Zaragosa, for short, Tabby. Or maybe you can call me sexy."

"Parang mas bagay Tummy eh." he grinned. Nakakaloko na ahh.

"Ang panget mo talaga!" tanging nasabi ko na lang dahil sa sobrang gigil na gigil na ako sa lalaking iyon. Papasok na ako ng kwarto nang biglang nagsalita siya.

"May pangalan din ako. Hindi unggoy, pulubi, panget, o ano. Kei. Ang pangalan ko ay Kei," tapos inunahan niya pa ako sa pagpasok ng kwarto ah! Ang kapal ng mukha! Nagdabog na lang ako at sinara ng malakas yung pintuan ko.

Kei daw.

Okei?! Like hell I care.

Teka, ang corny ko dun ah.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon