Fifty two

228K 3.5K 225
                                    

"Anong nangyari sa mukha mo friend?" tanong sakin ni Allison ng Sunday afternoon habang kumakain kami ng palabok na luto ng aking ever loving yaya Nay Erma. Nandito kami sa garden ng bahay. And syempre, andito din si Kei. Amp.

Napatingin ako kay Kei. Umiwas naman siya ng tingin sa akin at sumusubo lang sa palabok. Lalo lang tuloy akong nairita. "May hinayupak kaseng ginawang doodle book 'tong napakaganda kong mukha."

"Eh kase, iinom-inom ka pa dyan, 'yan tuloy napagtripan ko yang mukha mo." pagpapaliwanag naman ni Kei sabay subo na naman ng palabok niya.

Si Allison naman nagsalita. "Ba't ka naman kase uminom ha, Tabby? Hindi mo ba alam na mas nakakataba yung pag-inom ng alak? Akala ko ba nagpapapayat ka na? Nakuuu."

Subo ako sa palabok sabay nagsalita. "Hoy ha, scientists have discovered kaya that alcohol does not make you fat, but in fact it makes you lean! 'Yung mapapasandal o mapapakapit ka sa poste, hangdanan, mesa, at dingding dahil sa sobrang kalasingan." Natawa pa ako sa sarili kong joke. Samantalang yung dalawang yun tinignan ako ng masama.

"Ang corny mo!" sabay pa nilang sabi tapos tumawa na rin kaming tatlo. Mabuti na lang talaga at bakasyon na. Weee.

"Oo nga pala Allison, malapit na birthday mo ah?" bigla kong na-open. December 16 kase ang birthday ni Allison. Next week. Magse-seventeen na rin pala siya ah.

Tumango siya tas ngumiti. "Yep, and speaking of that, iinvite ko kayong dalawa, Tabby and Kei, sa may resort house namin sa Batangas. Maganda dun, masaya! And pwede tayong magswimming kahit malamig."

"Wow! Gusto ko yan." sabi ni Kei.

May naisip ako. Para mas masaya lang. "Hey Ally, pwede bang mag-invite ako ng... hmm, mga 3 tao lang naman? The more the merrier diba?"

Mukhang napansin na naman ni Kei yung ngiti ko. Yung ngiti ko na parang may binabalak na naman ng masama. Pero hello, wala naman no! Gusto ko lang talaga silang isama, lalo na yung bruha, para mas maging masaya naman ang bakasyon. Hahaha.

"Sige, sure."

"Oh my gawd, ano ba yan ang init naman dito! Kahit December na! And gosh, ang baho pa!!!" Hay nako, sino pa yung nagsalita? Yung babae lang naman na yun na naging proof ng Darwinian theory of evolution. Si Daphne, my best friend ever ever ever.

"Isara mo yung bunganga mo, mawawala yung baho, swear!" sabi ko sa kanya at tumawa. Tumawa rin sila Kei at Greg (oo kasama siya pagbigyan niyo na walang masyadong appearance yan dito). Tinignan naman ako ng masama ni Daphne sabay kapit sa braso ni Kuya Rowell.

Pacute pa siya na nagba-bat ng eyelashes at nagpa-puppy eyes pa. Oo, mukha talaga siyang puppy. Chihuahuang kalbo. Tapos tumingin pa siya sa akin na puno ng kaplastikan! Hay sarap sunugin! Bawal na ang plastik kaya ngayon! "Tabby, bakit mo ba ako laging binabara ah?"

"Simple lang, kase mukha kang inidoro!" sagot ko sa kanya tapos hila ng maleta ko. Humagalpak sa tawa sila Kei at Greg. Ewan ko nga parang magkakasundo na rin yung dalawang kumag. Tapos si Daphne parang aatake na, pero pinigilan siya ni Rowell. Nagulat naman si Daphne kase muntik na niyang ipakita yung true colors niya sa harap ni Rowell. Nung pinigilan siya ni Kuya Rowell, ngumiti pa ang gaga at binelatan ako.

Sarap hilahin ang dila!

"Guys and girls, this is it." sabi ni Allison nung binuksan yung resort house nila. Ang laki at maluwag siya, simple lang nga siya actually eh. Sa sala may mga wooden furnitures, paintings na medyo may pagka-abstract. May hagdan doon na mukhang newly flourished. Basta maganda talaga yung bahay. Bahala na kayo mag-imagine, ang hirap kaya mag-describe! "Umm, tayong tatlong girls, dun sa kwarto sa may left wing. Yung tatlong guys naman sa kwarto sa right."

Eh sino pa bang unang nag-react? Malamang yung impaktang Daphne na yan. "Wait! Are you serious? Nasa iisang kwarto lang kami ni Tabby? You got to be kidding me!"

Nangiti ako. "Oo nga, baka kapag hindi ko pa napigil ang sarili ko mapatay ko na yan si Daphne habang natutulog."

"Honey oh!" sumbong niya na naman kay Kuya Rowell. Hay, kawawa naman si Kuya Rowell. Magkaroon ng ganyang girlfriend ah? Kapagod. Para tuloy siyang psychologist kase yung girlfriend niya parang autistic.

"Daphne, okay na yan, para tatlo kayong mga babae magkakasama." sabi ni Kuya Rowell sa kanya. Natahimik naman si Daphne, hindi na nakaangal. Blehhh!!! Kala mo ah!!! WAHAHA.

Edi sa huli, wala na ring nagawa yung Daphne na yun kundi pumayag sa room assignment. Magkakahiwalay naman kami ng mga kama eh, thank God, baka kase mahawa ako ng kapangitan diyan eh. Mahirap na, baka maging 'The XL' na lang ang title ng story. Saklap kapag ganun no!

Bumaba na kami kase kakain daw ng lunch. Medyo okay lang, usap usap lang. Tapos nagkayayaan na mag-swimming. Balik ulit kami sa kwarto.

"Hay, ang sexy ko talaga sa bikini ko oh!" sabi ng impakta habang tumitingin pa sa salamin. Mukha siyang HIPON KAMO!!! Hipon ang sarap isahog yan sa sinigang oh! "Ang sexy ko talaga~" pakanta-kanta pa siya sintunado naman. Lumabas na rin siya sa wakas.

Si Allison naman naka-two piece din na swimsuit tapos may suot na parang manipis lang na bathrobe. Nakatirintas pa yung buhok. Naglalagay siya ng sunblock lotion, tapos ngumingiti-ngiti pa. Ako naman nandito pa rin.

Napatingin siya sa akin. "Oh? Tabby? Hindi ka pa magsi-swimsuit?"

Natawa naman ako. EH HINDI NAMAN TALAGA AKO MAGSI-SWIMSUIT EH. Jusme, imagine niyo na lang nakasuot ako ng bikini! Baka pagpantasyahan lang ng mga lalake doon yung sexy kong katawan! My gulay! Nangiti na lang ako kay Allison. "Ahh ehh, later na lang. Sunod na lang ako sa inyo."

"Ganun? Sige, una na ako ah." sabi niya tapos lumabas na rin. Ako na lang natira dun, kaya kinuha ko na sa bag ko yung pag-swimming ko. Ano pa nga ba? Shorts lang saka t-shirt. I believe na ang isang tao mas nagiging sexy pag mas konti ang pinapakita niya, because it makes a person mysterious sa kanyang kaseksihan! Oh diba may ganung logic! Pero tama naman ako diba? Diba? Diba?

Lumabas na rin ako at pumunta na dun sa may dagat. Nandun na sila, actually, si Daphne nakikipaglandian kay Kuya Rowell, si Greg at Allison na saan-saan lang. Teka.... may kulang ah.

"Hoy." may narinig akong nagsalita sa likod ko. Nung lumingon ako, si Kei pala. Nakasuot din siya ng tshirt na kulay puti, saka khaki na shorts. Medyo terno nga kami dahil puting shirt sin yung akin at brown naman na shorts. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Sexy ah."

Sinapak ko nga sa braso. Kaasar eh! Nambobola pa! Pinapakilig pa ako! Hayahay.

Nagswimming na kami doon. Ang init init, feelig ko iitim na ako. Tapos nun medyo napagod na rin kaya tumigil na. Kumain kami ng lunch na luto nila Kei at Allison. Nakakainis nga kase nagkaroon pa sila ng time na magluto na silang dalawa lang. Kung marunong lang sana ako magluto. Hmph.

Tapos kumain napagdesididuhan namin na maglakad-lakad sa isla. Medyo konti nga lang tao dito eh. Si Daphne at Kuya Rowell himiwalay sa amin. Si Kei naman at si Allison nagsama, naglalakad sila sa unahan ko. Samantalang ako malayo sa kanila, at ang kasama ko pa eh itong Greg na 'to na sobrang daldal.

"Masaya talaga ako na ininvite mo ako Tabby, hahaha, first time kase na nagkasama tayo sa isang bakasyon."

"Ang ganda mo talaga Tabby, bagay sa'yo yung damit mo."

"Medyo mainit kahit Disyembre na no? Parang summer nga eh. Medyo weird na December na nga magsi-swimming pa tayo. Pero okay lang, nandito ka naman sulit na."

Blah blah blah. Ang daming pinagsasabi hindi ko naman pinapansin. Sa sobrang daldal niya, nawala na tuloy sa paningin ko sila Kei at Allison. Ang bilis kasi nila maglakad. Lakad lakad na lang din ako habang dumadaldal pa rin si Greg hanggang sa may napansin na ako.

"Teka Greg.... oh my gosh. Naliligaw ata tayo." sabi ko sa kanya.

Sa wakas ay natigil na siya sa kakasalita. Lumakad ulit kami, parang forest kase itong lugar, hinahanap yung mga kasama namin. Lakad ng lakad ng lakad hanggang sa nagpahinga na muna kami dahil ang sasakit na ng mga paa namin.

"Nawawala nga tayo Tabby." sabi niya sa akin.

KAINIS. Nawala na nga ako, at talagang si Greg pa ang kasama ko ah? Gusto ba talaga akong pahirapan ni author? Ugh! Totally the worst vacation ever. Saka gutom na ako. Kapag wala na si Greg sa next chapter, sorry guys, naging cannibal na ako.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon