Sixty nine

193K 2.9K 245
                                    

Pasukan na naman! Kaimbyerna, ito na naman yung araw na tamad na tamad kang pumasok kase naha-hangover ka pa rin sa bakasyon. Parang masyadong mabilis ang bakasyon.. ang daya. Balik reality na naman tayo. Ugh.

Pagkatapos kong naligo, bumaba agad ako at bumungad naman sa akin yung mabangong hotcakes na inihain ni Nay Erma sa mesa. Tahimik ang paligid. Ngumiti sa akin si Nay Erma at bumalik ulit sa loob ng kusina para siguro ipagpatuloy yung pagluluto niya. Mag-isa lang ako kumakain doon. Medyo nakakamiss din pala sila Mommy at Dad.... kase dito sa mesang ito, sa loob ng ilang araw madalas kaming nagkakakwentuhan. Pero balik abroad na naman sila, kaya heto na naman ako mag-isa sa bahay.

Ay hindi pala ako mag-isa. May kasama nga pala akong pulubing unggoy sa itaas. Mukhang antok na anyok yun ah, gabi na rin kase kami nakatulog dahil sumama kami ni Kei kina Mommy at Daddy sa airport kaninang madaling araw. Kahit ako inaantok pa eh, pero dahil may pasok na, kaylangang magising ng maaga. Leche.

"Nay Erma papasok na ho ako," sabi ko nung tapos na akong kumain. Lumabas na ako at nag-aabang na rin pala si Manong doon sa labas. Mukhang inaantok din si Manong dahil siya yung nag-drive sa amin kaninang madaling araw. Sumakay na ako tapos hinanda ang sarili pabalik ng impyerno... Kasama ang mga diablets.

"Good morning Tabby," aba. Pang-sampung tao na yan na bumabati sa akin ah. Mga hindi ko naman kilala, pero ngingitian ko na lang. Feeling artista ako, well, artistahin naman talaga ako so don't blame me. Pumasok na ako ng classroom. May mga bumati na naman sa akin. Ano bang peg ng mga diablets na ito? Bait-baitan as New Year's Resolution kuno?

Speaking of New Year's Resolution.... teka meron ba ako nun? Hindi ko na kaylangan nun, hindi din naman matutupad eh! Asa pa ako. Lalo na kung pagpapapayat yan.

"Hi Tabby," biglang may babaeng tumabi sa akin. Tinignan ko naman siya, yung confusing na look.

"Feeling close? Who the hell are you?" tanong ko sa kanya.

Tumawa naman siya. Tapos hinampas pa ako. Hala sino ba 'tong baliw na ito ah? "Haha, kahit kelan mean mo talaga Tabby. Hindi mo ba ako nakikilala? Ako 'to, si Abby."

Tinignan ko ulit siya. "Abby who?"

"Abigail Cuneta."

Tinignan ko ulit siya. "Ummm, Abigail Cuneta who?"

Tumawa na naman siya ng malakas. Tinignan tuloy kami ng mga tao sa paligid namin, kaya pinatitignan ko rin sila kaya nagsiiwasan sila ng mga tingin. Nako, akalain pa ng iba close kami neto. Eh nawe-weirdohan na nga ako sa babaeng ito eh.

"Sabi na hindi mo ko kilala eh. Hay. Fine, wala rin naman talagang nakakakilala sa akin eh." sabi niya and sighed heavily then smiled. Swear ang weird niya talaga. "Sabagay, hindi mo naman talaga maaalala ang isang tulad ko na laging nasa corner ng classroom, nakatakip yung mukha ng bangs tapos sobrang tahimik pa."

Tinitigan ko siya ng mabuti at nabigla na narealize ko na kung sino siya. "Oh my gosh! Ikaw yung mukhang Sadako dito sa classroom! OMG, anong nangyare sa'yo? Nasabugan ka ba ng paputok nung new year? Naputukan ng confidence? Na feeling close ka ngayon at weirdong weirdo na ako sa'yo ha?"

Tawa na naman siya. GRABE, SERYOSO AKO ANG WEIRD NIYA. "Ikaw talaga Tabby! Haha. Ang galing mo talagang mag-joke."

Hindi ko na lang siya pinansin. Mukhang wala naman siyang kasense kausap eh, satsat pa siya ng satsat tungkol sa nangyari sa kanya nung New Year, blah blah blah. Eh hindi ko naman tinatanong. Finally, nainis na ako kaya tinignan ko siya ng madiin na tingin.

"Excuse me ah, kung wala ring katuturan ang sinasabi mo, itikom mo na lang ang bibig mo."

Pero hindi pa rin siya natahimik. Para ngang hindi niya narinig yung sinabi ko eh. Kakaiba din ito eh no. Tumunog na yung school bell, dumating na yung Prof. Pero hindi pa siya nagtigil sa kakasalita. Nakakainis na talaga. Pag ako hindi na nakatiis, nako lang!

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon