Fifty six

222K 4K 1K
                                    

Tahimik lang kami pauwi. Katabi ko si Greg samantalang sila Allison at Kei naman magkatabi din. Parang private bus kasi yung gamit namin. Sila Daphne at Kuya Rowell sa may harap. Tahimik lang. Nakaalis na yung bagyo. Timing nga talaga eh, kung kelan naman babalik na kaming Maynila.

Bumaba na kami ni Kei kase kami yung unang hinatid. Nagpaalam na lang kame sa iba, lalo na yun si Kei na yun kay Allison. Tse. Magsama sila dyan.

"Leah, pakiinit nga yung tubig sa taas dali. Nay Erma, hindi ako kakaen ah." sigaw ko pagkapasok ng bahay. Umupo kaagad ako sa sofa. My goodness, ang sakit kaya sa katawan yung biyahe. Ugh. Kaylangan ko ng beauty rest.

Tumabi naman sakin yung Kei na iyon. Hindi ko nga pinansin.

"Tabby, bakit parang tahimik ka ata ngayon ah? May nangyari ba?"

Nakakainis talaga 'tong lalake na ito! Ano bang sa tingin niya? Na ano? Na porke mataba ako desperada na akong magkaroon ng boyfriend kaya niya ako nilalandi diyan? Kase gwapo siya, nakukuha niya lahat ng babae, kase bored siya kaya nilalandi niya ako? Eh kung patayin ko kaya siya kase bored din ako? The fudgee bar! (nakakagutom ah) At ako naman 'tong si tanga, nag-aassume na baka gusto niya ako. My gosh, what was I thinking? But anyway... Nevermind. Marami pa namang gwapo dyan, yung mas deserve sa kagandahan kong taglay.

Marami pang iba... pero walang katulad si Kei.

Kainis! Ano ba yan!!! Tabby, stop na ah? Ang corny mo na. Masyado ka ng nagiging emo eh. Ayoko. Ayokong magdrama dahil sa isang lalake.

"Huy Tabby, bakit nga? May problema ka ba?"

Tinignan ko siya ng masama. "Problema ba kamo? Meron. At ikaw yun. Nakakasira kase ng mood yang itsura mo eh! Grabe! Saka lumayo ka nga sakin, baka mahawa ako ng kalandian mo. Baka magaya pa ako kay Daphne neto eh."

Mukha siyang nagulat sa inasal ko. Dapat lang. Kahit nga ako ginulat niya sa nalaman ko eh. "Ano bang pinagsasabi mo dyan ha? Saka panong ako yung naging problema ah? At anong kalandian yung pinagsasabe mo?"

"Ano pa ba? Sino bang malande dito ha? Hmm, hint gusto mo? Itago na lang naten sa pangalang Kevin Dela Vega. Nagets mo na?"

Tinignan niya ako. Naningkit yung mga mata niya. Halatang naiinis. "Tabby, stop acting like a brat."

"Ikaw din Kei, 'wag mo kong ma-English English dyan! O kaya gusto mo english? Edi Flirt! Yan. Flirt. To the left, to the right, babae mo sabay sabay!"

"Tabby, stop."

"Tabby, stop, Tabby stop," ginaya ko pa yung tono ng boses niya sabay make face. "Eh kung ikaw kaya mag-stop dyan ano? What the hell, what if kung umalis ka na lang kaya dito sa pamamahay ko no? Nakikitira ka lang naman, wala ka namang ginagawa kundi lumamon eh. So you better go away, pulubing unggoy."

Tumayo siya. Hinawakan niya yung bag niyang dinala sa bakasyon namin. "Edi aalis. Kung yan ba magpapakalma sa'yo eh. Saka 'wag mo rin akong Englishin, natatalo ako, nauubusan ako ng English tang ina!" tinalikuran niya na ako saka lakad ng mabilis palabas ng bahay. Nagdabog pa nga sa pagsara ng gate.

Ako na lang natira doon. Nakaupo sa sofa, hinahabol yung hininga ko sa pagsigaw. Tahimik. Wala ng Kei na maingay. This is good. This is life. Bahala yang Kei na 'yan. Akala niya ha madadaan niya ako sa mga palayas-layas effect niya. Pero teka, ako naman yung nagpalayas sa kanya. But what! Whatever. Basta ang maganda wala na siya dito.

"Umm, miss Tabby, tapos ko na po initin yung tubig." napatingin ako kay Leah. Mukhang narinig pa ata ng mga katulong dito yung pag-aaway namin ah. Di bale na nga. Tumayo na ako para maligo at luminaw naman ang isip ko.

Dinner time. 5 hours nakalipas simula nung nagkasagutan kami ni Kei. Wala akong ganang kumaen. Nakahiga lang ako sa kama. Kapag dinner time, kakatok sa pinto yan si Kei. Yayayain akong kumaen. Kapag sinabi kong diet ako, pipilitin pa akong kumaen. Bakit ganun? Sabi niya kay Allison hindi niya daw ako gusto kase mataba ako. Masakit, oo. Pero makakalimutan ko din yun. For sure naman. Diba? Makakalimutan kong sinabi niya na hindi niya ako gusto. Hindi ako gusto ni Kei. What the hell hindi niya ako gusto T _____ T

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon