Seventy three

198K 2.9K 613
                                    

"Thank you." sabi ni Allison nung binalik sa kanya yung number nung girl tapos binigay naman ni Allison yung bag. Nandito kami sa luggage area ng library, ito yung sa may entrance kung san idedeposit mo muna yung bags mo bago ka pumasok tas bibigyan ka ng number. Gets nyo ba? Yung parang sa mga mall lang. Anyway ayoko na mag-explain, 2nd day na ng community service namin at dito naman kami napadpad sa library. Ayoko ng library, minsan lang ako mapdpad dito, kapag tuwing magpapalamig lang o matutulog. Eh no choice kase ako ngayon. Si Mr. Gregorio panot kase eh.

"Nakakainis naman kase. We have to do this until 6pm?! What the hell. Gusto ko nang umuwi. Ang sakit na ng katawan ko." pagrereklamo na naman ng Daphne na iyon.

May naalala ako. Oo nga pala, hindi ko pa pala nabibigay sa impakta yung gift ko sa kanya para sa Christmas, yung binili kong bracelet. I decided na akin na lang pala yun, ang cute kaya nun. Ayoko nga ibigay sa impakta na 'yan.

Medyo matagal nga yun, nakakapagod pa oh my goodness. Tas ang boring pa. Kase naman, sa tuwing mag-uusap kami ni Allison biglang susulpot yung librarian at patatahimikin kame. Kahit sobrang hinang bulong nga lang eh! My gosh. Nasa 2nd floor pa siya ah.

Nung tumunog na yung bell na nagsi-signify na 5:30 na, napatayo agad ako at napasigaw ng "Thank You Lord!" napatitig naman sa akin yung librarian at binelatan ko na lang siya. Wala na kayang nagbabasa dito no, kami na nga lang tatlo natira eh.

"Hay sa wakas, I'll be separated from you na." sabi ni Daphne at agad na kinuha yung bag niya. "Bye bitches."

"Ay, baliw ka na? 'Wag kang magpaalam sa sarili mo uy." sabi ko at kinuha na rin yung bag ko. Si Allison naman kinukuha na rin yung bag niya at hinihintay ko lang siya. Si Daphne, nang-irap pa sabay labas ng library at umalis na agad.

"Yan, tapos na ako. Lika na." sabi ni Allison. Sabay kaming lumakad palabas ng library. Medyo tahimik siya ngayon, at sabi niya sa bahay daw siya ng lunch kaya hindi niya ako nakasama kanina. Napansin kong mukhang naguguluhan pa rin siya. Hay nako.

Pinalo ko siya sa balikat, yung malakas.

"Aray naman Tabby! Ba't ka biglang namamalo?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ayun. May nararamdaman ka pa pala. Akala ko robot na lang kasama ko eh. Kanina ka pa walang expression tas tahimik."

Napatingin siya sa mga paa niya. "S-sorry... kase Tabby..."

Inunahan ko na siya. "Ano? Naguguluhan ka pa rin sa feelings mo para kay Greg? Kung gusto mo ba talaga siya o baka gusto mo lang ng boyfriend?"

Napatingin naman siya sa akin. "Ganun na nga... Tabby, kung ikaw ba nasa posisyon ko, ano bang gagawin mo?"

Nag-isip ako, tapos napabuntong-hininga. Tinulak ko naman siya palayo at tumayo doon sa pwesto niya kanina. "Yan, nasa posisyon mo na ako. Ano nga bang gagawin ko? Ahh, tutunganga na lang ako at magmumukmok."

"Tabby naman eh, ang corny mo."

I smiled. "Pwera biro, sa totoo lang Allison, hindi ko din alam kung anong gagawin ko. Kase kahit ako, hindi pa rin ako sure sa nararamdaman ko kay Kei... kaya wala akong karapatan para sabihin sa'yo na hindi mo gusto si Greg. Alam mo, ang gulo talaga ng love no? Parang sa pagkain lang din yan. Minsan kain tayo ng kain, naeenjoy natin yung pagkain, pero sa huli hindi naman talaga tayo sure kung kaylangan mo yung pagkain. Pero masarap ang feeling na mabusog, kaya tuloy ka lang. Eh tapos nag-gain ka ng ilang pounds? Bakit? Kase consenquence yun sa pagkain mo ng mga hindi naman kaylangan."

"Dumudugo naman ilong ko sa analogy mo, Tabby." sabi niya naman.

"Ang ibig-sabihin ko lang naman kase ay lahat ng bagay, Allison, may consenquences. Yung patuloy mong pinapahirapan hindi lang ang sarili mo pati na rin si Greg? Darating yung panahon baka pagsisihan mo yan."

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon