Seventy five

174K 2.8K 403
                                    

Pinagpupunit ko yung papel na yun. Anong salamat, sorry, at good bye?! NAKO! UMIINIT ULO KO DITO AH. Nagawa pa akong dramahan. If I know nandun lang naman sa park yun nagpunta. Padrama-drama pa. Tumayo ako kaagad at nagdadabog na bumaba sa 1st floor. Lumabas agad ako ng bahay at nagpunta sa park.

Wala siya dito. Imposibleng wala, eh yun ngang naglayas siya sa bahay nila dito lang naman siya dumiretso kahit iisang village lang. Walang talent yun sa paglalayas eh. Naglakad pa ako sa paigid ng park. Dito lang talaga yun... promise, maniwala kayo sa akin nandito lang siya.

Nagpunta ako doon sa may shelter box, at sakto may nakita akong paa sa may pasukan ng shelter box. SABI NA NGA BA DITO LANG SIYA NAGTATAGO EH.

Pumunta agad ako sa kanya at hinila yung paa niya.

"ARAY! TANG INA!" nagmura pa ang wala. "Sino ba yang nanghihila dyan ah?!"

"Si Demonyita po, and I will drag you back to my hell." sabi ko at sumilip doon sa may shelter box. Nagulat siya nung makita niya ako, kaya sinipa ba naman ako palayo at pinasok niya yung mga paa niya sa loob. "Aray ah!" sabi ko kase tumalsik ako palayo. Ang likas niya kaya manipa.

"Ba't nandito ka? Doon ka na sa bahay mo... hindi na ako titira doon." sabi niya naman sa akin.

Naiinis na talaga ako sa lalakeng ito ah, promise makakatikim talaga sa akin 'to kapag nakapasok ako doon. Lumapit ako sa may shelter box at sumilip. Mukhang kasya naman ako, duh, ilang beses na nga akong pumasok dito no. Nung nakita niya akong pumapasok, ayaw niya pa, pero wala na rin siyang nagawa.

"Walang hiya ka, lalayasan mo pa ako! Pwes hindi ako kasing-tanga ng mga magulang mo ah, alam ko kung saan ka pupunta."

He whispered, "I figured... wala na kasi akong mapuntahan eh."

Pinektusan ko naman siya. "Eh ba't kase paalis-alis ka pa?! Ano pachix ka lang? Gusto mo habulan ang peg natin? Yung I will find you my lost love? Tang ina Kei! Nung 1980's pa uso 'yan! Kaya 'wag mo kong malayasan dyan ah, at 'wag na 'wag mo kong dadramahan na may pa-goodbye goodbye ka pang nalalaman! Langya! Pinag-aalala mo ko, tapos hindi ka man lang magso-sorry ha?! Fucking ugh!"

Hindi ko napansing naiiyak na pala ako. Hay nako, bipolar din eh no. Siguro naiiyak ako dahil sa pag-aalala at sa inis. Nakakainis kase talaga eh.

"Tabby... sorry na." sabi niya naman bigla.

Napatingin ako sa kanya. "Eh ba't kase paalis-alis ka pa?! Hindi mo ba alam na balak ko pa namang sagutin ka na ha?!"

"Weh?"

"Oo nga! Kase sigurado na ako sa feelings ko."

"Ows?"

"Gusto kitang maging boyfriend."

"Di nga?"

Sinampal ko naman siya bigla. "Nakakainis naman 'to eh! Ayaw mong maniwala. 'Wag na lang kaya no? Tutal ayaw mo naman ata."

Hinawakan niya yung pisngi niya. "Eh kase naman... isa pa ngang sampal Tabby, sa kabila naman. Mamaya nananginip lang ako eh."

Sinampal ko siya sa kabila.

"Shet, ang sakit nun Tabby ah." sabi niya tapos bigla ba naman akong niyakap. "Totoo nga! Totoo ngang girlfriend na kita? Yes! Wooooo! Salamat Lord! Yehey!!!" ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin, yung tipo ng hug na pa-side at yung braso niya nasa may leeg ko.

Pinagpapalo ko yung braso niya. "Ano ba.. hindi na ako makahinga... ehh..."

Binitawan niya ako. "Sorry sorry. Tabby, masaya lang ako. Kaya ako lumayas... kase Tabby, alam na nila Papa na sa inyo ako nakatira. Initerrogate kasi si Ate eh."

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon