Thirty one

248K 3.6K 171
                                    

"Uy friend, ba't ang tahimik mo?" tanong sa akin ni Allison habang tumatambay sa student's lounge kase may activity. Kumakain lang ako ng corndogs habang nakatingin sa kawalan. Iniisip ko kase si Rowell. Kahapon binisita ko siya at hindi naman pala malala ang sitwasyon niya. Medyo sumakit lang daw yung sugat niya. Saglit lang yung pagbisita ko. Nandun kase yung bruha eh.

"Iniisip mo ba si Rowell? Ikaw naman. Don't worry no, magiging maayos din siya."

"Alam ko yun." sabi ko sa kanya. Sa totoo lang, ang iniisip ko ay si Kei. Hindi ko alam kung bakit. Parang bigla ko lang siyang namiss kase Monday ngayon at may pasok. Ano na kayang ginagawa ng mokong na iyon sa bahay?

"Oy, Earth to Tabby? Ay, mahina ang connection. Anyway, sama naman ako sa bahay niyo mamaya. Namimiss ko na rin kasi si Kei eh. Hehe. Nagkakatext nga kami nun hanggang madaling araw."

Napatingin ako sa kanya. "Ano? Nagkakatext kayo ng unggoy na iyon?"

"Oo. Hiningi ko kase yung number niya, tapos ayun. May mga times nga rin na nagtatawagan kami. Tapos-"

Bigla tuloy natapon yung ketchup ng corndogs sa damit ko. Hindi ko kase napansin na pinipisil ko na yung ketchup kaya ayan, tumalsik sa damit ko. Kainis. Tumayo ako. "Lilinisin ko lang 'tong blouse ko." sabi ko sa kanya.

"Ohh, okay."

Umalis na ako doon at pumunta ng CR. At sa kasamaang-palad, sa kamalas-malasan nga naman eh nandito pa yung bruhang iyon pari na rin yung friends niya. Bruha and friends kamo. Napatigin sila sa akin at nagsingitian.

"Look who's here," sabi nung isa.

"Bakit bulag ba sila para 'di ako makita?" sabi ko naman at lumapit doon sa may sink. Binuksan ko yung gripo at kumuha ng handkie.

"Grabe, ang takaw mo talaga Tabby. Pati damit mo pinakain mo pa."

"Oo nga eh, gutom na gutom kasi yung blouse ko. Parang gutom pa nga siya eh, gusto mo pakain kita?" binigyan ko siya ng ngiti sabay binasa yung handkerchief at pinunas sa damit ko. Napansin kong yung isa sa kanila may hawak na shake. Lumapit yun sa akin.

"Gusto mo painumin din natin yang blouse mo?" tanong niya at pagkasabi nun, binuhos sa akin yung shake. Dahell. Ang old school niya in fairness.

Nagtawanan sila doon. Tinitigan ko sila ng masama at tinignan ko yung damit ko. Kukuha na nga lang ako ng bagong blouse sa bahay. Hanggang mamaya pa kase ang uwi ko.

Tumatawa pa sila nang nagsalita si bruha. "Okay girls, tama na. Baka umiyak na si Tabby nyan eh," sabi ni Daphne at nagtawanan naman sila.

"Iiyak na 'yan, iiyak na 'yan," they all said.

Hindi ko sila pinansin. Ewan ko ba pero wala ako sa mood makipag-away sa mga diablets na ito. At saka isa pa, kapag pumatol ako sa kanila, for sure may makakakita sa aming mga teachers and mga students. Lalabas na sana ako nung nagtatawanan pa sila pero napahinto ako sa may pinto.

Ano naman kung may makakita? Care ko ba sa kanila? At syempre, dahil sa isa akong ultimate maldita, I will never go without a fight.

Sila namang nag-umpisa diba? So I'm just returning the favor.

Nagulat sila nung bumalik ako. Nakangiti ako sa kanila at unti-untig nagfe-fade yung mga tawanan nila. Napansin nila siguro na inis na inis na ako. Well, talaga naman eh. Mga bwiset na diablet na tsimay kasi 'tong mga ito!

"What...?" tanong ni Daphne.

Napameywang ako. "Tandaan niyo ang mga sasabihin ko ah, because this is a fact. Remember.. It takes 42 muscles to frown when someone pisses you off. But you know what..?" nangiti ako sa kanila.

"W-what?" they all asked. Kahit si Daphne mukhang naapektuhan na rin.

"It only takes 4 muscles to reach out and BITCH SLAP THE MOTHER FUCKER!!!" isa-isa ko silang binigyan ng sampal sa kani-kanilang mga pisngi. Ayaw nila nun? Instant blush-on? And talagang hinuli ko si Daphne ahh.

Pagkatapos ko silang sampalin, stunned pa rin silang lahat. Pero Daphne managed to say, "How... how dare you slap me you big fat bitch!"

Nag-cross arms ako. "Excuse me, I didn't slap you. I just gave you a high five in the face." nagwink pa ako sa kanila and then lumabas na ng ladies' room. Lahat nakatingin sa akin kase puno pa nga ng shake ang blouse ko.  Bumalik ako sa pwesto namin ni Allison.

"Oh em gee, what happened?" tanong niya.

"Wala, nauhaw lang yung blouse ko. Teka lang, uuwi lang ako. Papalitan ko lang 'tong blouse ko." sabi ko sa kanya. Tumango na lang siya at lumabas na ako ng gate at nagpasundo kay Manong. Nung nakarating ako ng bahay, nakasalubong ko si Kei at tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa.

"Oy. Anong nangyare sa'yo?" tanong niya sa akin.

"Hindi ba obvious, natapunan ako ng shake. Magpapalit lang ako ng blouse." sabi ko at umakyat ng kwarto. Hindi ko alam pero biglang nawala yung inis ko nung nakita ko si Kei at mukhang concern pa siya sa akin.

Weird. Nangingiti pa ako mag-isa dito.

Bumalik din naman agad ako ng school at nandun pa rin si Allison sa pwesto namin. Tapos na kami kumain at magne-next class na. Naglalakad kami dun sa may stone stage when I noticed a tarpaulin.

"What's that?" tanong ko kay Allison.

"Tarpaulin." 

"Gaga, as in yung nakasulat doon oh."

Napatingin siya. Binasa namin yung nakasulat doon. May ihe-held na auditions para sa isang dramatic play about Snow White with a twist daw. Mukhang maganda 'to ah. Magaganap siya sa 20th anniversary ng school. 

"Bakit sasali ka Tabby?" tanong ni Allison sa akin.

"Hindi ba obvious?" I gave her a smile.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon