Eight

334K 5.8K 584
                                    

Pumunta kami ng Ladies' Room kasama ko yung tatlong payaso. Pinaalis nila yung mga babaeng hindi pa tapos mag-make up. When the room's all clear, they all faced me.

Tinitigan ako ng mabuti nung isa sa kanila. Yung nasa gitna nakaside pony at pink lipstick pa. Eww, jeje. "Wow, what happened to you Tabby-chingching? Hindi ka naman ganyan dati ah. You've changed."

Nagsalita naman yung nasa left na maiksi ang buhok at pixie cut pa. Mukha namang bading. "Oo nga, agree. Halos 'di na nga kita makilala eh."

I smiled. "Excuse me but... do I know you girls? Sorry ah. Hindi ko kasi alam ang names niyo. And you know mine... ohh, sikat na sikat talaga ako. Names please?"

Napataas ng kilay yung girl na nasa right. "You're so yabang talaga! Classmates mo kaya kami nung 3rd year. Duh. The three it girls, kami yun. Ayesha, Camille, and of course yours truly, Demi."

"Sorry. Never been heard names." I replied.

Halata dun sa Demi na iyon na naiinis na siya pero pinigilan naman siya ng co-clowns niya. Napameywang yung babae sa gitna at binuksan ang malaki niyang bunganga. "Tsk. Kung makaasta ka akala mo kung sino kang maganda."

Napatingin ako sa mga kuko ko. "Hindi ko sinasabing maganda ako ahh, ang sinasabi ko lang panget ka."

Si left girl naman ang nainis. "Aba! Ang yabang mo talaga eh no! Ang sabihin mo, matagal ka ng naiinggit sa kasikatan naming tatlo kaya kung makalait ka wagas! Insecure!"

Napameywang ako at hinarap siya. "Huy, magkaiba ang insecure sa honest. At lalong magkaiba ang lait sa description. Dinedescribe ko lang kayo, anong masama doon?"

Nanlalaki na yung mga butas ng ilong nila left at right, to the left to the right, umikot ng sabay-sabay... napakanta pa ako doon ah. Well, anyway, eto namang si center girl pa-calm effect pa. Naiirita tuloy ako. Dapat sa kwentong ito ako lang ang may composure. Inisin kaya natin.

"Ano bang problema mo?" tanong ni center girl.

"Ano pa ba, edi yung mukha mo!" naging sagot ko naman. Nagcross arms ako at taas noo siyang binigyan ng isang intimidating look. Nag-flinch naman siya, mukha atang natakot, at nakita kong nangigigil na rin siya sa akin.

At aba, hindi pa talaga siya nagpaawat. "Bakit ang sama mo makatingin?!"

"Eh bakit ang sama mo tignan?!" naging tugon ko.

Gigil na gigil na sila at ako naman dito, natutuwa lang sa reaksyon nila. Napatingin ako sa relo ko. "Okay, showtime's over. Dears, practice pa ha? Thank you sa entertainment. Buti hindi ako nag-expect, pasalamat kayo binabaan ko lang ang standards ko sa performance niyo. The next time you challenge me into something like this, google google din ng Maldita lines pag may time ah? Learn from the expert, okay?" napasulyap ako sa napakaganda kong repleksyon sa salamin tapos binigyan sila ng mga ngiti to brighten up their day. Lumabas ako na taas noo pa rin at as usual, blooming kahit single.

Hindi ko nga alam bakit ang daming nang-aaway sa akin.... mabait naman ako diba?

Diba?

DIBA?


The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon