Xtra Chapter: Tabby the Dreamer

196K 3K 317
                                    

"Guys, dito na kayo! Huhulaan ni Tabby kung anong ibig-sabihin bg mga panaginip niyo. Bente pesos lang!" sigaw ni Allison.

Lumapit sa amin ang isang babae. Nagbayad siya kay Allison ng bente pesos at umupo siya sa harap ko. "Tabby the dreamer, ganito kase 'yun, lagi akong nananaginip na may nakikita akong bangin tapos lagi daw akong nahuhulog sa bangin. Anong ibig-sabihin 'nun?"

Tinignan ko siya. "Ang ibig-sabihin 'nun ay.... tanga ka. Lampa-lampa mo, kita mo na ngang may bangin hindi mo pa iniwasan? Gusto mong magpakamatay?!"

Natahimik siya. "Maldita mo naman." Tapos tumayo siya at lumakad na palayo.

Maya-maya mag-syota naman ang lumapit sa amin.

Umupo 'yung girl. "Ganito kase 'yun, ang panaginip ko nung nakaraang dalawang araw eh may nakikita daw akong maraming ahas sa kagubatan. Anong ibig-sabihin 'nun?"

"Tinatawag ka na ng tunay mong pamilya, hija. Puntahan mo na sila."

"Aba'y loko 'to ah!" sabi naman nung boyfriend. "Halika na nga babe!"

Hindi siya pinansin ng babae. "Tapos ang panget daw ng ahas eh, eh hindi naman ako panget ah?" sabi nung babae. Tama naman siya, hindi nga siya panget.

Napatingin ako sa boyfriend niya. "Ahhhh, kung ganon ay 'yung boyfriend mo pala ang lagi mong pinapanaginipan. Ang sweet mo naman."

"Aba'y sumusobra ka na ah!" akma niya akong susuntukin pero pinigilan siya ng girlfriend niya. Umalis na lang sila doon bago pa magkaroon ng gulo.

Hinawakan ako ni Allison sa balikat. "Tabby naman eh. Pano tayo kikita para sa foundation day kung ganyan ka magsalita? Nako."

"Bakit, totoo naman 'yung mga sinasabi ko no."

Maya-maya pa isang babae ang lumapit sa amin. Nakangiti siya sa akin at umupo sa harap ko. "Hi Tabby." sabi niya na may ngisi sa mukha.

"Oh, sino ka nga ulit?"

Nasimangot siya. "Langya ka! Ako si Shanize! Bigla mo kong tinanggal sa istorya! Malaki dapat ang role ko dahil fiancee ako ni Kei."

"Allison, halika na. Manghuhula ako hindi psychiatrist. Baliw 'to eh. Shanize daw? Sino 'yun?" niligpit na namin ni Allison 'yung gamit at hindi na lang namin pinansin 'yung baliw kakasalita doon.

"Tabby, may panaginip din ako." biglang sabi ni Allison.

Napatingin ako sa kanya habang naglalakad kami. "Ano naman 'yun ha?"

"May mataba daw na babae. Maldita. Walang boyfriend. Lagi ko 'yun napapanaginipan. Anong ibig-sabihin 'nun ha?"

Natawa naman ako. "Ang ibig-sabihin 'nun may part two."

"Anong part two?" tanong sa akin ni Allison.

Inunahan ko na siya sa paglalakad. "May part two ang panaginip mo. May kasunod pa. Nako, halika na nga at mamaya nandun na sila Kei at Greg."

Napakamot na lang si Allison. "Ang weird mo talaga, Tabby."

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon