Fifty

228K 3.5K 877
                                    

Naglalakad lakad lang kami ni Kei sa mall. Walang magawa. Ewan ko ba sa lalakeng 'to, sasabihing gumala daw kame pero wala naman pala kaming gagawin. Tsk. Parang gusto ko na lang mag-shopping. 

Pumunta ako sa Forever 21 kasama si Kei, eh nakaupo lang naman siya doon. Tumitingin-tingin lang ako ng magagandang damit. Wala ngang magandang damit dito eh. May nakita akong isa na parang bagay naman sakin, kaya tinititigan ko when all of the sudden biglang may humablot.

"What the... tinitignan ko yung damit, nanadya ka ba?"

Isang jeje na babae na may cap pang nakatagilid at pink lipstick pala. Hinawakan niya yung damit at tinignan yung presyo. Napatingin siya sa akin. "Ang taba taba mo, hindi bagay sa'yo yung mga ganitong damit." sabi niya. 

Gusto ata ng gera neto ah.

"Alam mo, ang panget panget mo ni hindi nga bagay sa'yo na pumasok man lang sa shop na 'to. Gosh, may pambili ka ba ng mga damit ah?"

Tinaasan ako ng kilay. Kaasar ang panget talaga. Pero syempre mas panget pa rin si Daphne. "Ano naman ha kung wala akong pambili? Kesa naman mataba na nga wala pang boyfriend!! Haha! Walang pumapatol sa'yo kase ang taba mo." sabi niya. "Babe, halika nga dito," tawag niya pa. Biglang may lumapit sa kanyang lalakeng maitim, pandak, puro tigyawat ang mukha pango, ang oily ng ilong, tapos puro balbas pa. 

"Ahh, what a perfect combination. Isang mukhang muchacha at isang hardinero." I told her.

"At least may boyfriend ako! Kesa naman wala no." sabi niya sabay belat pa. Ay nako, may boyfriend nga siya yung mukhang hindi pa tao! Well, at  least pareho sila. Love your neighbors nga daw diba, eh pareho naman silang monsters.

Tumatawa-tawa pa sila doon. Kaasar. Magsasalita na sana ako nang bigla ba namang may umakbay sa akin. Mukhang nagulat yung mag-syotang halimaw. Maski ako nagulat eh. Napatingin ako at si Kei naman pala. Nakangiti. Ang gwapo talaga!!

"Babe, ang tagal mo namang mag-shopping, naiinip na ako. Hmm, pa-kiss nga," sabi niya sabay halik pa sa pisngi ko! The hell! Pero kilig. Nako.

Mukhang hindi pa rin makapaniwala yung dalawa. Naki-ride na lang din ako at ngumiti kay Kei sabay umikot sa kanya at nilagay ko yung mga kamay ko sa leeg niya. Nagkalapit yung mga mukha namin, as in magkadikit na nga yung mga noo at ilong namin. Oh em gee. Ang bango ng hininga niya. Konti na lang makikiss ko na siya. Parang ang sarap niya ngang halikan eh... pero nahalikan ko na naman siya diba? So pwede take two? Chos!

Lumayo na ako at binitawan siya. "Babe, ayoko ng bumili dito, wala namang magandang damit eh. Puro basahan. Ang daming basahan."

"Ganun ba? Sige sa iba na lang tayo, Banana Republic o Mango, baka may mabilhan ka doon, o kaya gusto mo ako pa ang bibili sa'yo, kahit anong gusto mo sabihin mo lang."

Nag-act pa ako na parang kinikilig daw ako (kahit totoo naman). "Talaga Babe? You're so sweet naman! Hay ang swerte ko talaga sa'yo! Ang gwapo na mayaman ka pa! Hayy I love you!"

"I love you too!" sabi niya tapos kurot pa sa pisngi ko.

Niyakap ko yung braso niya at tinalikuran yung dalawang halimaw doon. Nung naglalakad na kami ni Kei, nagsalita na yung girl.

"Babe! Break na tayo!" sabi nung girl.

"Ha? P-pero bakit Babe?" tanong naman nung lalake.

"Kase panget ka na nga, mahirap ka pa! Tignan mo yung babaeng 'yun, mataba siya pero nakahanap siya ng boyfriend na sobrang gwapo at sobrang yaman pa! Yung binibilhan pa siya ng damit samantalang ikaw ano! Window shopping lang tayo!!"

Humirit naman yung lalake. "Wow! Eh pareho lang naman tayong mahirap! Buti nga yung babae maganda kahit mataba, eh ikaw? Ang panget mo! Pareho tayong panget!" 

Nag-aaway na sila doon. Hay nako, kase naman magsyo-syota na lang hindi naman nila mahal yung isa't isa. Dapat pag nagka-syota kayo, yung love niyo talaga, para hindi konting ganyan break! Ang habol lang pala eh Forever 21 na damit! The heck nga naman.

Nakalabas na kami ng shop at naglalakad na naman. At dun ko narealize na yakap ko pa rin pala yung braso niya. Binitawan ko agad.

"Eww. Boyfriend kita? Yuck! Never!" sabi ko. I know I'm a liar lol.

"As if namang gusto kitang maging girlfriend. Ayoko sa mataba. Ang gusto kong girlfriend eh yung mga sexy." napatingin siya sa paligid at tinuro yung isang babae na nakatalikod at naglalakad. "Parang ganun. Hindi ganyan tulad mo."

Lumingon yung babaeng naglalakad kase mukhang may tinitignan siya tapos dun nakita namin na bakla pala. Nag-hi sa isang tao na palapit sa kanya with his high gay voice. Tapos naglakad na silang dalawa.

Natawa ako. "So, type mo pala mga bakla ah? Haha!"

Mukha siyang naiinis na ewan, pero basta cute niya pa rin talaga. "Hay bahala na nga! Pasalamat ka nga niligtas kita doon."

"Kaya ko sarili ko no. Kahit NBSB ako, at least maganda ako." 

"Hay Tabby, i-videoke mo na lang yan."

Pumunta nga kame sa videoke, yung sa may mall lang. Basta ganun. Namili ako ng kanta, pinili ko yung "I Knew You Were Trouble" ni Taylor Swift. Edi kanta naman si ako. Sa kalagitnaan ng pagkanta ko, dun sa may part na "awww awww" basta parang ganun na kumakahol si Taylor Swift, bigla ba namang humirit yang unggoy na yan na dapat daw "oink oink oink." Kaasar talaga.

Siya naman yung kumanta, at kinanta niya eh "Daylight" ng Maroon 5. My goodness! Ang panget ng boses niya!! Todo bigay pa siya kaya nakakatawa. Kahit panget at masakit na sa tenga, nakakatawa na lang kase itsura nya eh. Tapos kanta-kanta lang, tawanan, hanggang sa napagod na at lumabas na kami doon.

Sunod naman pumunta kami sa arcade. Yun din yung pinuntahan nila ni Allison noon eh. Naglaro kami ng basketball, yung baril baril echos, guitar hero, yung parang drums, tapos yung kukuha ng teddy bear. Kaso wala naman siyang nakuha kaya sumuko na rin siya. May photo booth doon at pumasok na lang kami doon.

"Picture picture tayo, dali." sabi niya. Snwipe niya yung card doon tapos gumana na. May 3 beses na pipicturan daw kame. Nag-aayos pa ako ng buhok nang bigla niya ba namang pinindot na kaagad. "1, 2, 3, Say cheese!" sunod-sunod yung shots kaya kung ano na ang yung pinose namin. Tapos pwede yung iedit, eh si Kei naman ayaw akong ipa-edit nun. Nung nag-print na, tinitigan ko yung pictures.

"Ano 'to ha?" tanong ko sa kanya sabay tinignan siya ng masama. Pano ba naman kase, yung unang picture nilagyan niya yung mukha ko ng ilong ng baboy tapos yung kanya mga tenga ng unggoy. 

"Baket? Ang cute kaya. Hahaha." ngiti niya pa. Tinignan ko yung mga pictures pa tapos yung isa naman may nakasulat na 'HAPPY', tapos yung pangatlong picture may mga heart. Ang baduy din pala ng unggoy na ito no.

"Dalawa sa akin, isa sa'yo." kinuha niya yung dalawang pictures, nilagay niya sa bulsa yung pictures. Naiwan sa akin yung may nakasulat na 'HAPPY'. Hay nako ang panget ko pa naman dito.

Naglakad-lakad ulit kami tapos bumili kami ng ice cream sa McDo. Sa aking yung Butterscotch pero ginaya niya naman ako. Kumakain lang kami ng ice cream habang naglalakad sa mall nang biglang napahinto siya. Napahinto din ako at napatingin doon sa tao sa harap namin.

Nakatitig siya sa amin ng masama. Lalo na sa akin. Magandang girl, matangkad, mukhang pamilyar. Hindi ko lang maaalala kung saan ko siya nakita.

"Kevin." sinabi niya. Napatingin ako kay Kei. Mukhang namumutla siya sa gulat.

Tumawa siya ng mahina. "Hehe, hi.... Shanize." sabi ni Kei. Hinawakan ni Kei yung kamay ko. "At.... bye ulit!" tapos hinila niya ako at mabilis kaming tumakbo. Halos mahuhulog na nga yung ice cream ko eh! Pinagtitinginan din kami kase ang weird kaya tumatakbo kami. Nagtago kami sa isang hardware shop tapos hingal na hingal na ako.

"Whew... buti natakasan natin siya." sabi ni Kei. 

Biglang may nagsalita. "Anong natakasan?"

Uh oh. Patay tayo nyan Kei.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon