Forty four

236K 3.6K 727
                                    

Kumakain kami ng lunch ni Allison sa school nang bigla ba naman siyang nag-open ng isang topic na nakakawala ng gana sa pagkain. Tungkol dun sa pulubing unggoy na iyon. The hell, sarap na sarap na nga ako sa kinakain ko ditong carbonara tapos gagawin pa yang topic.

"Alam mo best... in love na ata talaga ako sa kanya. Gabi-gabi ko na lang siya naiisip, parang hindi ko na nga ata kayang mabuhay ng wala siya eh!" sabi niya sabay sa sandwich niya.

"Oh? Edi pag pinatay ko siya bukas okay lang sa'yo na isunod kita?"

Tumawa siya at pinagpapalo ako sa balikat. Sadistang babaeng ito. "Ikaw naman Tabby! Haha! Nga pala, yung pizza mo, dadalhin ko sa inyo bukas ah."

Napatingin ako sa kanya. "Sabado bukas ah, wala naman tayong klase pareho. Bakit ka pupunta ng bahay? Magiisleepover?"

Umiling siya. "Hinde, kase naman si Kei, niyaya ako sa isang date. Bukas daw, doon sa bahay niyo na lang daw kami mag-meet mga 3pm."

Sumubo ako ng sunod-sunod sa carbonara ko. Ano 'tong pinagsasabi ng babae na ito?! ANONG DATE YAN?! Bakit walang nababanggit sa akin yung pulubs na yun?!

"Uy friend, hinay hinay sa pagkain. Mabulunan ka ah, sige ka, baka hindi ka na pwedeng maging maid of honor sa magiging kasal namin ni Kei."

"KASAL AGAD?! Haliparot ka, mag-aral ka muna! Kung anu-anong iniisip mo dyan!"

Natawa na naman siya. "Haha, syempre someday yun, kapag nasa right time na. Ikaw talaga friendship!"

"Eh ni hindi ka nga nakasisiguro na magkakatuluyan kayo no!"

Sumubo ako nang sumubo doon sa carbonara ko. Nakakainis kase. Wala man lang nasabi sa akin yung Kei na iyon na magde-date sila ni Allison. Nagugulat na lang ako sa mga nangyayari sa kanila eh! Pero siguro.... kase masyado akong naka-focus sa Daphne na iyon kaya hindi ako masyadong updated sa kanila.... pero kahit na no! Akala ko pa naman nahuhulog na rin si Kei sa akin.....

OY, joke lang! Ang korny ah. Yuck ayoko ng isipin haha.

"Friend, sigurado ka bang wala kang gusto kay Kei?"

Nagulat naman ako sa tanong ni Allison. Mas nagulat pa nga ako sa tanong niya kesa nung nanood ako ng Paranormal Activity eh. Bigla tuloy akong natahimik. Napabitaw ako sa tinidor ko. "Ah? Ano bang sinasabi mo dyan? Nagpapatawa ka ba? Hahaha, ba't mo naman natanong yan?"

She smiled. "Wala, ikaw naman. Ang sarap mo kayang biglain. Haha."

"Hahahahahaha," tumatawa na lang kami. Nakakainis 'tong babaeng ito, ang sarap isahog sa carbonara ko.

Kinabukasan. Hindi ko na rin kinausap yung pulubs na iyon, baka lalo pa akong mainis sa kanya eh. Kumakain ako ng almusal nang bigla siyang tumabi sa akin.

"Good morning," sabi niya na nangiti pa.

Hindi ko nga siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain doon, habang sarap na sarap sa omelette na luto ni Nay Erma. Napansin niya atang iniiwasan ko siya at nagpapansin na naman sa akin.

"Tabby, Spurs ka ba?" tanong niya naman. Anong Spurs? Yung team sa basketball? Ewan ko, pero parang pick-up line, kaya kinilig ako bigla.

"Bakit naman?" nakangiti pa ako sa kanya.

"Wala, Miami ako eh." tapos kumain na rin siya. Nakakainis ah! Akala ko pa naman babanat! Kaasar talaga! Siguro kapag kausap niya si Allison mga kung anu-anong banat sinasabi niya, tapos lagi niya pang sinasabihang maganda, ganyan, ganito. Kaasar talaga!!! Magsama sila dyan ni Allison.

Inubos ko agad yung kinakain ko at lumayo na agad sa Kei na iyan. Dapat GV ako palagi, kase hindi bagay sa akin ang stress. Mahirap na, baka magka-wrinkles pa ang ever pretty face ko.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon