Sixty

209K 3.2K 612
                                    

Inunahan ko na ng gising si Kei, para hindi niya ako maabutan. Pupunta ako ng mall ngayon, gusto ko naman kahit papaano ng some me time and mamimili ako ng pan-regalo para sa Christmas. December 17 na kase ngayon no, ayoko naman na sa 24 pa ako bumili kase mamaya maraming tao. Duh!

Hindi ko na rin ginising si Manong at ako na ang nag-drive ng kotse. Medyo malapit lang naman ang Greenbelt dito, kaya okay lang rin naman. It's 10:32 AM, hindi pa ako nag-aalmusal kaya pagkadating ko doon dumiretso agad ako sa isang Cheesecake shop.

"Good morning Miss, may I take your order?"

"Blueberry cheesecake with caramel frappe, yung large size. Plus dagdagan mo na rin ng Chocolate mousse."

"That would be 450 Ma'am," Oo, may kamahalan talaga dito. Nag-abot ako sa kanya ng buong 500 pesos tapos sinuklian niya ako ng 50 pesos malamang. Tinatanong pa ba yun? Nakuha ko na yung order ko sa counter at naupo sa isang corner nung shop. Konti lang tao dito, ako, isang businesswoman with her friend sa right corner, at mag-syotang chararat..... WAIT. Si Daphne yun ah! I can't be wrong. Kahit likod niya lang yung nakikita ko, I know it is her. Siya lang kase ang ganun kasama na aura. Ang nakikita ko lang eh yung kasama niya, yung boyfriend niya na mukhang hardinero! Ewww. Yan ang pinalit niya kay Kuya Rowell? Yuck. Ano ba 'tong babaeng ito, kung sino-sino na lang ang pinapatos. Sabagay magka-level naman yung mga fez nila. Kaya okay na rin.

Dahan-dahan lang ako, yung sinigurado ko na hindi ako makikita ni Daphne. Kumakaen ako, pero buti na lang hindi ko nakikita mukha ni Daphne kung hindi masusuka lang ako. Haaaay~ Ang sarap kaya kumaen. Natutuwa na ako sa pagkaen kaso lang nakita kong tumayo na sila kaya nilagay ko na lang sa bag ko yung Chocolate Mousse, kay pulubs na lang yan. Dinala ko yung frappe ko tapos sinundan sila palabas. Nakayakap pa yung impakta sa braso nung hardinero, tapos sobrang bagal nilang maglakad. Ugh. Pagtutulak ko kaya 'tong mga ito.

"Babe, samahan mo ako mag-shopping ng mga Christmas gifts," sabi niya pa.

Sinundan ko pa rin sila sa loob ng clothing shop. Yung lalake naupo sa isang tabi tapos siya naman nagsitingin na ng mga damit doon. Inubos ko yung frappe ko at tinapon sa basurahan, tapos tumingin na rin ng mga damit. May nakita akong blouse na parang babagay kay Allison, kinuha ko agad. Tapos meron ding hoodie jacket doon, kinuha ko para kay Kuya Rowell. Pumunta kaagad ako sa counter at binayaran yun, sakto palapit na rin si Daphne kaya lumabas agad ako ng shop at tinignan lang sila mula sa glass door.

Feeling ko undercover agent ako! Correction, MAGANDANG undercover agent.

Nagbayad na sila, susme, isang kapirasong damit lang pala binili, mukha pang malaki. For sure para sa kanya yun, kase gusto niya ng malalaking damit para matakpan yung bilbil niya sa tyan.

Palabas na sila. Nagtago agad ako sa may corner.

"Doon naman tayo oh," dinala ulit ni Daphne the impakta yung boyfriend niya sa loob ng isang shop ulit. Hindi ko na sila sinundan doon, katamad kaya. Saka naisip ko, ba't ko nga pala sinusundan? Eww. Mamaya magmukha pa akong stalker ni Daphne. Eww eww eww!

Lumayo na ako doon at pumunta sa store kung saan makakabili ng apron. Bibilhan ko si Nay Erma. Tapos pumunta naman ako sa bilihan ng shoes, pinagbibili ng bagong sapatos yung nga katulong ko saka si Manong Driver. Lagi akong ganito, pag Pasko binibilhan sila ng regalo. Okay na yun, kase sila naman ang nag-aalaga sa akin, 'di katulad ng mga magulang ko na kahit Pasko hindi kayang umuwi.

Sino po bang hindi ko nabibilhan? Ahh, si pulubs Kei saka Daphne. Ano bang bibilhin ko sa Kei na iyon? Tapos si Daphne impaktita pa. Lagi ko rin binibilhan yun ng regalo ah, sabi nga daw diba Christmas is the season of love. Tignan niyo talaga! Ang bait bait ko eh no! Kahit nung last year regalo ko sa kanya yung pupu sa Blue Magic.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon