Thirty two

252K 3.8K 815
                                    

"Hoy Kei, tulungan mo nga ako mag-practice para sa audition bukas." kinatok ko yung pinto niya. Medyo kakatapos lang namin maghapunan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nakitang kakaligo lang niya. Ang gwapo niya talaga pag bagong ligo. Huh? Sinabi ko yun? I take it back. Ewww no pagkamalan niyo pa ako na may gusto ako sa Kei na yan.

"Nang-iistorbo ka naman oh." sabi niya.

"Ba't ano bang ginagawa mo dyan ha?! 'Wag mong sabihin may ginagawa kang kabalastugan dyan sisipain kita."

"Baliw. Wala. Dapat matutulog na ako, pero sige na nga. Nawala na rin naman ang antok ko sa lakas ng bunganga mo eh." Pinapasok niya ako sa loob. Nung napadaan ako sa may tabi niya, grabe ang bango! Mas mabango pa saken eh!

"Ano bang play yang pag-aauditionan mo at may hawak kang mansanas?" napatingin siya sa mansanas na hawak-hawak ko sa kaliwa at yung papel naman ng mga lines sa kanan. "Hulaan ko, magaaudition ka para sa role ng lechon no?"

"Kapag payat ang may hawak ng mansanas, Snow White. Pero kapag mataba ang may hawak, Lechon agad?! Cruel humanity it is!"

"Kasama yun sa lines? Bravo," pumapalakpak pa siya at naupo sa kama.

Binatukan ko nga. "Tungek. Babasahin ko na yung lines ah, makinig ka kung nadeliver ko ng maayos. Okay?! Makinig ka ah." tapos binasa ko na yung lines. "Ohh what a lovely day it is! The sun is so bright, the skies are clear! The river flows so wondefully. This apple, how red and delicious-looking it is! *take a bite*," kagat naman ako. "Ohh, what is this? I feel so dizzy, ohh I think everything's blurry around me now~"

"HAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!" humagalpak sa tawa yung kumag na iyon. Grabe makatawa, tumatalsik pa yung laway sa akin! Kadiri ah! Saka kung makatawa naman eh ang galing-galing ko kayang umarte. Itong baklang lines lang na nakita ko sa internet ang katawa-tawa eh.

"Sige pa tawa pa ah!" umupo ako sa tabi niya at kumagat na lang sa apple na hawak ko.

"Eh kase naman, nakakatawa ka kaya! Di bagay sa'yo!!" hinawakan niya bigla yung kamay ko tapos kinuha sa akin yung mansanas. "Pasubo ah?" tapos ayun kumagat sa apple.

"Eww, that's yours na. May laway mo na oh."

"Arte mo talaga." sabi niya at patuloy dun sa pagkagat sa mansanas. "Hindi ba pwedeng mag-audition ka na lang bilang yung witch? Mas bagay naman sa'yo yun eh. At least sa ganung role hindi ka katawa-tawa."

Biglang may nag-pop na lightbulb sa may ulo ko. Oo nga no. Ako na lang nga ang gaganap na witch! Balita ko pa kase magaaudition din daw si Daphne para sa main role eh. Edi kapag siya ang nakuhang Snow White (kahit parang mas suitable sa kanya ang Ugly Duckling) at ako naman ang witch, may pagkakataon akong maltratuhin yung bakekang na iyon. Oh my gosh! May utak din pala 'tong Kei na 'to no!

"Sige, thanks ah. Wait, knock knock!" sabi ko sa kanya.

"Tuloo-" hindi niya natapos yung sasabihin niya dahil tinapat ko sa kanya yung nakayukom kong kamao. "Ay este, who's there?"

"Puyat saka wide awake!"

"Puyat saka wide awake who?"

"Walang saka! Puyat at wide awake lang!" sabi ko naman sa kanya.

"Walang saka, puyat at wide awak-" hindi niya na naman natapos dahil yung kamao ko lumanding na sa braso niya. "Aray naman!! Sige na, sabihin mo na yang joke mo na mukhang korni naman!"

"Tse!!" tapos niready ko na yung sarili ko. Nakita ko 'to sa twitter eh, nakakatawa kaya. "I'M PUYAT PROOF, NOTHING TO LOSE, WIDE AWAKE WIDE AWAKE!" tapos saka ako natawa sa sarili kong joke. Ganito lang naman yung reaction ni Kei ---> -___-

"Yung totoo? Joke yun?" tanong niya.

"Joke yun! Wala ka lang talagang sense of humor!" pagdefend ko. "Saka ikaw nga dyan, parang nakakatawa ka ah."

"Oh sige knock knock!" lakas pa ng loob eh no.

Naka-cross arms ako at napataas ng kilay. "Oh who's there?"

"Sexy kaming lahat!"

"Sexy kaming lahat who?" I asked.

Nagvocalize pa ang mokong. Tapos paclear throat clear throat pa na nalalaman. Tapos huminga pa ng malalim. Nako masusuntok ko na 'to swear. "You are the only exception~" tapos saka siya tumawa dyan at pumalakpak. Mukhang budoy lang eh! Sexy daw lahat ako lang exception! Waysus! Sexy din kaya ako! Duling lang sila.

"Joke na yun? Yung totoo?" ginaya ko pa yung reaction niya. Eh kasi hindi naman talaga nakakatawa no!! Iba ang INSULTO sa JOKE my goodness. Tapunan ko ng dictionary yung gwapo niyang mukha eh.

"Joke kaya yun!" pag-iinsist niya naman.

"Hindi ako natawa." sabi ko sa kanya.

"Ahh, gusto mo palang matawa ah...." nakatingin siya ng nakakaloko sa akin. Ngee anong problema neto? Aalis na sana ako doon nang bigla niya ba naman akong hiniga dun sa kama at.... at....

"HAHAHAHA!!!!! NAKAKAKILITI TAMA NA SASAPAK- HAHAHA AY PUTANG INA MO KEI- HAHAHAHAHAHAHA GA- HAHAHAHAHAHA TAMA NAA!!!!!!!" tawa ako nang tawa. Hindi ko mapigilan yung sarili ko kase grabe siya makakiliti! Saka madali lang ako makiliti no. Kinikiliti niya ako sa bewang, sa leeg, sa kili-kili.... hanggang sa natulak ko na siya sa wakas.

"Aray ko Tabby!" nahulog kasi siya sa kama dahil sa pagkatulak ko sa kanya.

"Eh kasi naman ikaw! Ayaw mo kong tigilan yan tuloy! Nako! Hmph!" tatayo na ako nang biglang nag-ring yung cellphone niya. Napatingin ako doon sa may desk na katabi ng kama. Nandun kase yung phone. Pagkatingin ko sa contact name, si..... si Allison.

Napansin niya atang nakatitig ako sa cellphone kaya bigla niyang kinuha ito. "Ahh, Tabby... Good night na. Sige na, tulog na tayo."

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nginitian niya ako habang hawak pa rin yung cellphone. "Good night Tabby," sabi niya pa.

So.... totoo pala na nagkakausap sila ni Allison sa phone. Inirapan ko lang siya at pumasok ng kwarto ko. Kelan pa sila nagkakausap ah?! At saka kelan pa nagkaron ng cellphone yung Kei na yun?! Sabagay siya nga pala si Kevin Dela Vega... pero kahit na! Sakin hindi niya man lang kinukuha yung number ko (kase naman iisang bahay lang kami pero kahit na no).

Nakakainis! Nakakainis talaga!!!! Gusto kong pumatay ng ipis!!!!

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon