Twenty nine

250K 4.2K 780
                                    

Ang weird talaga. Simula nung araw na iyon sa ospital, Kei just suddenly stopped from teasing me.

Uuwi ako ng bahay galing school. Andun lang siya, nanunood ng TV tapos ngingitian ako. Kakaen kami ng hapunan. Kahit ang dami kong subo titigan niya lang ako na mukhang tuwang-tuwa sa akin. Bago matulog. Mag-goo-good night pa siya tapos ngingiti na naman.

Nakakapanibago ah... hindi kaya.... may taning na ang buhay niya?!

Oh em gee. I knew it. Kei is dying. Now it makes sense kung bakit ang bait niya sa akin the past few days... kase gusto niyang gumawa ng mga kabutihan sa kanyang mga huling araw. Ahh ganun nga. Oh my gosh, kawawa naman siya. Kahit papano naman "medyo" naging friends na kami eh... siguro dapat maging mabait na rin ako sa kanya para maging masaya naman siya sa remaining days niya.

Saturday night. Naglalaro si Kei ng PS3 when I sat beside him. "Kei, gusto mong sumama sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Saan naman ha? Gabi na ohh," he replied. Yung tono ng boses niya... hindi yung pagalit or what. Yung kalmado lang. Ang sad naman neto...

"Um, road trip. Basta may gusto lang akong puntahan."

"Sige." SIGE. Yun lang ang sabi niya. Oh diba? Naniniwala na kayo sa akin? Tumayo na siya at kinuha ko yung kotse. Marunong naman akong mag-drive no. Saka may student's driver license na ako. Kinuha ko yung car tapos siya sa passenger seat. Buong drive wala siyang sinabi kahit isang word kaya ang nakikinig lang ako sa tugtog ng stereo.

Now Playing. Chasing Cars - Snow Patrol

Nandito na kami. Actually isa lang 'tong bridge na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao kase  malayo siya sa bayan. Sa ilalim nun may river.

Umupo ako doon sa may tulay. Tumabi naman siya sa akin.

"Paboritong place 'to ng kuya ko eh," I told him.

"Ohh..." yun lang na naman yung sinabi niya. Nakakapagtaka talaga, it's so weird. Namayani na naman ang katahimikan sa amin. Ayoko nito. Nakakabingi ang katahimikan. Gusto ko sanang at least maalala ako ni Kei kahit nasa heaven na siya noh... "Tabby, may ipagtatapat ako sa'yo."

"Don't worry Kei, I know it na." sabi ko sa kanya at napatingin siya sa akin. "Ipagdadasal ko na lang ang kaluluwa mo. San mo gustong ilibing? O gusto mo ba icremate? Anong flowers ba ang gusto mong ilagay ko sa puntod mo kapag nilibing ka? Kei lang ba ilalagay ko sa lapida? Anong gusto mong food na ialay ko sa'yo tuwing araw ng mga patay?"

Tinignan niya ako ng may pagtataka sa mukha niya. "Ano bang pinagsasabi mo dyang baboy ka?"

"Bakit mo ko tinawag na baboy?! Diba dapat maging nice ka na kase konti na lang ang mga panahong nalalabi mo sa mundong ito? Bahala ka dyan, baka mapunta ka pa sa hell niyan."

Binatukan niya ako. Aray ah.

"Baliw! Ako mamamatay? Gusto mong mauna?!" 

"Ehhh kase naman no! Ang weird mo these days. Kaya akala ko you're dying. Yun pala hindi naman. Tama nga siguro na ang masasamang damo mahaba ang buhay. Hmph."

"Aba, kung may masamang damo sa ating dalawa, ikaw yun! Saka nawala tuloy ako. Ang ipagtatapat ko lang naman sa'yo sana eh kung sino talaga ako."

Tinitigan ko siya. "Don't tell me.... omg, vampire ka? Iinumin mo dugo ko no?"

"Daheck Tabby! Ang korny mo! Hindi ako bampira."

"Eh ano ka?"

"Tao ako."

"At kelan ka pa nakasiguro?"

Ayun. Isa pang batok. Sumosobra na 'tong lalakeng ito ah! Ang ganda ganda pa naman ng batok ko!

"Tabby! Seryoso ako. Hindi ko na kasi kayang itago eh... kase... ako si Kevin Dela Vega. Anak ng may-ari ng Dela Vega Corporations. Kapatid ni Kiana Dela Vega."

Pamilyar nga ang mga Dela Vega. Nandun din yun nakatira sa village namin, mga pangmayaman kasi yung village na iyon (kaya nga hindi dun si Daphne nakatira) and isa na ang pamilyang Dela Vega doon. I know them because isa sila sa mga prominenteng pamilya dito sa Pilipinas. Kumbaga singbigat ng apelyidong Aquino at Marcos ang apelyidong Dela Vega. Si Mrs. Dela Vega yung CEO ng Dela Vega Corporations, one of the biggest trading company sa bansa. Mr. Dela Vega, on the other hand, ay isang pulitiko. And Kiana Dela Vega, of course, sikat siya. One of the top models of the country, kahit sa ibang bansa may mga fans din siya.

At ang Kei na ito? Sasabihin niya sa aking siya daw si Kevin Dela Vega? I heard the name. Bunsong anak. Kaisa-isang lalake. Heir ng Dela Vega Corporations.

Ang lalakeng iyon na sobrang yaman at mula sa prominenteng pamilya.... ang lalakeng ito? Hello! Ang iskwater kaya ng lalakeng 'to! Pano siya magiging Dela Vega sa ayos niyang iyan?!

"Jinojoke mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Hindi kita jinojoke! Sa itsura kong ito mukha ba akong nagjojoke?!"

"Eh kase naman.. pulubi ka lang sa park diba?"

He looked at me and sighed heavily. "Naglayas ako, Tabby. Pinipilit kasi ako ng mga magulang ko sa babaeng hindi ko naman gusto. Naalala mo yung Shanize na model? Siya yung finix marriage sa akin. Eh ayoko dun. Kaya umalis na lang ako."

Napakamot ako ng ulo. Naguguluhan ako ah. Pero isang bagay lang ang sigurado ako.

"Naglayas ka pa ng bahay ang lapit lang pala sa inyo ng pinuntahan mo?!"

AYUN. Isang batok na naman.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon