Sixty six

188K 3.1K 715
                                    

"Ahh.. ehh... Mommy... Dad... ummm..." walang akong maisip na sasabihin. Nandito kami nakaupo sa salas. Awkward ang atmosphere syempre. Katabi ko si Kei sa isang mahabang sofa, sa kabilang sofa naman sila Mommy at Daddy. Naka-crossed arms si Mommy at nakataas pa ang kilay. Isa lang ibig-sabihin niyan, she's getting impatient. Si Dad quiet and expressionless, which is even scarier.

"Tabitha Mary Jane Zaragosa?" sabi pa ni Mommy. Napayuko ako, nag-iisip ng kung paano ko ieexplain na halos three months nang naninirahan 'tong Kei na ito sa bahay at na manliligaw ko siya without my parents trying to kill me? 

Nagtaas ng kamay si Kei. "Manliligaw po ako ni Tabby."

Si Mommy, napanganga. Yung tipong slow motion pa eh.

Si Daddy, napataas yung kilay. Patay ako lalo neto. Dad never raises his brow.

At ako? Feeling ko kakainin na ako ng lupa. Kung pwede nga lang kumuha ng martilyo at ipukpok sa ulo ng booby bird na ito, gagawin ko na eh. Kainis! Hindi man lang tumayming! Talagang napaka-straightforward talaga ng lalake na ito kahit kelan. Delikado buhay ko dito eh.

"Uhh, Daddy, Mommy, nagjo-joke lang po yan si Kei! Hahahaha! Ang galing mo talagang joker kahit kelan Kei! Hahahahahahaha!!!!" tawa lang ako nang tawa na mukha na akong tanga swear. Pero tumigil na rin ako sa kakatawa kase nakatingin lang sila sa akin.

"Gusto ko po ang anak niyo, Mr. and Mrs. Zaragosa. Handa po ako sa lahat ng kung anuman basta eh maging kasintahan ko lang po ang anak niyo. Promise po aalagaan ko siya at hindi papaiyakin. Basta sana po eh pumayag kayo na pormal na ligawan si Tabby."

Bigla namang pumalakpak si Dad. Napatingin ako sa kanya at kumikislap-kislap yung mga mata niya. Kakaiba yung aura niya ngayon, para siyang nag-iisparkle. Nakakasilaaaaaw! Ang lapad pa ng ngiti niya eh. 

"Napaka-romantikong ginoo. Wow, Tabby anak, napakaswerte mo sa binatang ito! Kakaunti na lamang ang ganyan sa mundo. Bagay na bagay nga kayo oh. Parang kami lang nung mama noon. Diba, mahal?" sabi ni Papa. Napatingin ako ay Mommy.

Oops. Nagkasalubong na ang dalawa niyang kilay. "Anong pinagsasabi mo dyan ha hun? Hindi ako naniniwala sa mga pambobola ng lalakeng ito! Alam ko na ang mga ganyang tipo. Paulit-ulit ko na narinig yang mga lines niya sa teleserye, sigurado ako katulad din siya ng mga iyon! Gwapong manloloko!"

Si Mommy talaga, napapadalas ang panunood ng teleserye. 

"Hindi po ako ganun! Promise!" depensa naman ni Kei.

Nangiti si Mommy. "Kung hindi ka ganun, patunayan mo sa akin binata. Patunayan mo sa amin na deserve mo ang aming pinakamamahal na Tabby."

Tumango si Kei na parang isang batang bibigyan ng candy. "Sige po, papatunayan ko po sa inyo. Paano po ba?"

"Sa isang paraan lang... maglalaro tayo."

SI MAMA TALAGA OA NA AH.

"Laro? Ano pong laro yan?" tanong naman ni Kei na mukhang seryosong-seryoso pa. Nako! Kung ako si Kei at yung nanay ng liligawan ko ganyan, for sure magbaback out na ako! Si Daddy nga okay na eh, eto naman si Mommy may palaro-laro pang nalalaman. 

"Tatlong games. Dapat malagpasan mo ang lahat ng iyon."

"Sige po... ano po ba ang unang laro?" tanong ni Kei.

Lalo pang lumapad ang ngiti ni Mama at napatingin pa kay Papa. Napangiti din si Papa. Nako. May masama na akong kutob dito ah. Dyusme, bakit ba ganito ang mga magulang ko?! Dapat kase hindi na sila umuwi eh! Lalo pa ata silang kumulit sa pagtanda nila. Nako feeling mga bagets! 

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon