Twenty six

252K 3.7K 116
                                    

Natapos na kaming kumain ni Kei. Pero ewan ko ba, ayoko pang umuwi. Parang gusto ko pang maglibot dito sa mall.

"San ba tayo pupunta ah?" tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam. Kahit saan. Basta maglakad lang tayo." sagot ko. Hindi na siya umangal pa. Mukhang natututo na din pala ang kumag na ito ah. Tahimik lang kaming naglalakad sa mall, naglilibot. Kahit saan man na dalhin kami ng mga paa namin. Hanggang sa biglang huminto yung Kei na iyon sa harap ng isang clothing line store. Nakatitig siya dun sa poster ng isang babaeng model. Oo, may itsura yung girl, pasado na sa ganda ng kuko ko.

"Ba't ka nakatitig dyan ah? Crush mo?" tanong ko sa kanya.

At aba hindi pa ako naririnig. Kainis naman 'tong lalake na ito. Ano bang problema at bigla na lang siyang huminto at tinititigan yang babaeng iyan? At kung makatitig siya akala mo naman close sila. Yung para bang kilala ni Kei yung girl.

"Thank you po Miss Shanize. We are glad to have you as our model for this year's newest designs." May lumabas na isang lalake at may kausap siyang babae. Yung babaeng iyon.... teka, siya yung nasa poster ah?

Nakatitig pa rin si Kei sa poster. Malapit nga lang yung kinatatayuan namin sa kanila kaso hindi naman kita ni Kei yung girl. Nangiti yung girl na Shanize ata ang name doon sa lalake na presumably manager ng store. "Walang anuman po iyon. It's my pleasure."

Nilapitan ko si Kei at tinapik siya sa balikat. Napatingin naman siya sa akin. Tinuro ko yung babaeng model sa clothing line. Nanlaki yung mga mata niya. Nagtaka naman ako. Kinuha niya yung kamay ko at hinawakan. Tapos hinila ako palayo doon sa babaeng iyon.

Ang bilis niya ngang tumakbo na feelin ko kapag nabitawan niya yung kamay ko gugulong ako sa buong mall eh. Ano bang problema niya?! Siguro nga talaga crush niya yung babae at nashock siya ng makita yun. My goodness ahh, ang weird nitong Kei na ito.

Binitawan niya ako at hingal na hingal kamin dalawa.

"B-bakit ka ba tumatakbo ah?! Ano bang problema?"

He's trying to catch his breath. Naka-bend siya at hawak yung dalawang tuhod niya. Nasa lapag yung mga shopping bags. Ako na talaga ang naguguluhan sa lalakeng ito eh. At saka my gosh! Pinatakbo niya na ako! Now I'm so sweaty na! Gusto ko pa naman fresh ako tapos ngayon ito pa nangyare.

"Wala ka na dun." yun lang ang sabi niya at pinulot na yung shopping bags. Napaka-weirdo talaga niya. Nag-umpisa na siyang maglakad at sumunod naman ako sa kanya. Mukhang uuwi na nga kami. Pumunta kami sa parking lot at sumakay na dun sa kotse ko. Dun ako sa likuran at siya sa passenger seat. Nasa akin na yung mga shopping bags. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa mga kinikilos ng lalakeng ito.

Hanggang pag-uwi wala siyang sinabi kahit isang salita. Dumiretso lang siya sa kwarto. Ako naman dumiretso din ng kwarto ko para maligo.

Nung natapos na ako tumawag ako saglit kay Allison tapos nung binaba ko na, may kumatok sa pintuan. "Pasok," sabi ko at bumukas yung pinto. Si Kei. Kakaligo niya lang din.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong niya sa akin.

"Kinakausap mo na ako." sagot ko naman.

"Tabby, seryoso ako."

"Sabi ko nga eh. Ano ba yun?" Pumasok na siya sa loob at umupo sa upuan sa may desk ko. Napansin kong basa pa ang buhok niya. At... ang bango niya naman. Teka, ano ba 'to? Para akong manyak dito ah!

"Kase Tabby.... yung babae kanina ay-"

Naputol yung sinasabi niya dahil sa biglang may tumawag sa cellphone ko. Nagulat ako na makitang si Rowell yun. Oh my gosh! Tumatawag siya sa akin! Agad kong pinulot iyon at sinagot yung tawag. Pero sa paghinga pa lang, alam ko na hindi si Rowell ito kundi si-

"Oh Daphne?" sabi ko sa isang tono na walang interes.

"Tabby! Tabby, bilis tulungan mo ako.... s-si Rowell.... si Rowell...."

"Ano?! Pathrill ka pa eh!"

"Si Rowell naaksidente. Nasa emergency room pa rin siya ngayon. Please pumunta ka dito. Wala akong kasama. Ikaw lang ang matatakbuhan ko please."

Kei is acting weird. Even weirder is my archenemy, Daphne, is asking me for help and comfort. Hindi ko alam pero biglang nagflash sa akin yung 3 years ago nung mga panahong magkaibigan pa kami. Hindi ko alam pero bigla parang nakalimutan ko na maldita nga pala ang role ko sa kwentong ito. Nakalimutan ko bigla na kaaway ko si Daphne.

"Sang ospital 'yan?!"

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon