Nineteen

269K 4.1K 630
                                    

Tabby's POV

Weird.

Parang nagkaroon ako ng masamang panaginip kagabi. Hindi klaro, pero parang may nahalikan daw akong kung sino. Napakasamang panaginip. Napahawak ako sa labi ko at naalala yung nasa park... yung nahimatay si Kei.

When he kissed me.

Oh em! Ayoko na ngang alalahanin. Kahapon kaka-seventeen ko lang. Pero wala naman ding kwenta yung birthday ko na iyon dahil sa.... yeah. Rowell rejected me. He friggin' rejected me!!!! Grabe! Hindi ko pa rin matanggap.

Napatingin ako sa full-body mirror. Maganda naman ang fes ko ah. May hawig nga daw ako kay Bea Alonzo sabi sa akin ng kaklase ko nung elementary. Pero ayoko naman siyang paniwalaan noon kase yung mga panahon na iyon uso ang Betty La Fea ni Bea at John Lloyd. Hindi ko alam kung itetake ko siya as compliment o ano. Well anywaaay, sexy naman din ako ah.

Pwede ngang pang-FHM 'tong katawan ko. Oo, may fats nga ako, I mean BABY fats. Ayon kasi sa isang article, as long as hindi ka pa daw 18, medyo madali pa ang pagpapapayat. So may 1 year pa ako. One year pa!

Eh paano kung in one year na lang malaman kong pinikot na ng Daphne na iyon ang papa Rowell ko?! Papatayin ko siya!! Magiging thriller ang catergory ng story na ito pag nangyari iyon.

Eh what if in one year sumexy nga ako pero last year ko na pala? Ay sawing palad.

Eh pano kapag in one year.... main-love na pala ako sa iba? Sa mga lalakeng mga napupulot dyan sa daan, sa lalakeng cute, matangkad, medyo singkit ang mga mata at matangos ang ilong.... sa lalakeng mapang-asar at pulubi....

YUCK. EEW. KADIRE. Naisip ko ba talaga yun?!

But anywaay... I have to go to gym today. Desidido na talaga akong babawasan ko ang little friends ko sa katawan ko. Nakakainis naman kase... ba't pa kasi ako nagtapat kay Rowell. Akala ko naman kase may gusto na siya sa akin yun pala. Yun pala! Akala ko lang. Assumera lang talaga ang dyosa niyo.

Nagdala ako ng pang-attire sa gym at nilagay sa bag. Hindi ko na inabala yung Kei na iyon, nandun pa siya sa kwarto. It's 9am. Pupunta ako sa gym malapit dito, sa pinupuntahang gym ni Rowell my loves. Alam kong nandun siya.

So gorabels na!

Inuna ko yung treadmill. Hmm, mukha namang sisiw lang ito eh. Yung mga ibang babae nga dito nakikinig pa ng mga kanta habang nag-eexercise. Sobrang sisiw. Sumampa ako doon at napatingin dun sa mga buttons. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun pero biglang sobrang bilis ng takbo ng treadmill.

"AY SHIT OH MY GOSH FUCK ANO BA 'TO WHAT THE HELL..." napatigin ako sa paligid ko. Lahat sila nakatingin sa akin. I snobbed them. Hmm, mga fans ko lang na nagpapapansin.

Pinress ko yung isang button then nag-stop siya. Whew. Ang panget pala nitong treadmill na 'to! Hindi naman 'to nakakapayat. Umalis na ako doon at nahiga sa isang mat sa lapag. Magsi-sit ups na lang ako.

"One..." Wow! I made a one! Oh my gosh mukhang papayat na ako neto ah! Isa pa nga. "T-two..." medyo nahirapan ako doon. Pero sige, i-push mo lang yan Tabby! Pag-uwi mo baka hindi ka na makilala ni Kei.

"Good morning Rowell," rinig kong paisa-isang bati ng mga babaeng nagte-treadmill doon. Nandito na si Rowell. Sabi na pupunta siya eh!

"3.... 4.... 5....." nagtuloy lang ako sa sit-ups habang pinapakinggan ang mga yabag ni Rowell. "6..... 7.... 8...." nagtuloy pa ako. Until narinig ko na sobrang lapit niya sa akin. Nilakasan ko ang boses ko with confidence. "87.... 88..... 89.... 90...."

"Tabby?" narinig kong tawag niya.

Naupo ako kaagad ng maayos at napatingin sa kanya. Oh my gosh, he's so hot talaga! Nangiti ako sa kanya. "Uy Rowell! I mean uhh... Kuya Rowell!"

Lumuhod siya para magka-level kami. "Wow. Naka-90 sit-ups ka na hindi man lang pinagpapawisan? Good job." sabi niya at pinat yung balikat ko. Grabe!!! Kinikilig ako!!!!

"Syempre naman, you may not know it but I'm physically fit." sabi ko sa kanya at tumayo na. "Kanina pa ako nandito, I'm quite tired na."

"Ganun? Sayang yayain pa naman kitang sabay tayong mag-treadmill."

I chuckled. "Haha, 'wag na. The treadmill was useless. Ni hindi man ako pinagpawisan dyan." Oy, hindi yun lie ah. Hindi naman talaga ako pinagpawisan doon kase seconds lang ako tumakbo.

"Wow, idol na kita Tabby. I didn't know you were so athletic." tapos binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. "Sige, 'til next time ah."

Nauna na siya. Grabe, kahit alam niya na gusto ko siya and though he rejected me, parang wala lang nangyari. Oh em! Mukhang may pag-asa pa talaga ako! Mwahaha! Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na mula sa nakakasakal na gym na iyon.

I need ice cream. Nakakapagod kasi mag-gym noh!

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon