Chapter Seven

3.1K 100 8
                                    

Five days nang tulog si Rian. Five days kulang ang lahat sa akin. Sa limang araw na yun tanging beep at aircon lang ang naririnig ko sa kwartong to. Limang araw ko na ring hawak hawak ang kwintas na yun. Latigong naka letrang S. Tanging ebidensyang nakuha mula dun sa bumaril sa mahal ko.

"Ma'am hindi naman po sa pingungunahan namin ang desesyon nyo. Pero we would like to ask your permission ---- well, may pasyente kasi kami who's suffering for a hearth failure. May pag asa pa syang mabuhay pero kung hindi agad sya naagapan ay maari syang mamatay."

Nanatiling tahimik lang ako habang kinakausap ng dalawang doctor ang mama ni Rian.

"Anong ibig nyong sabihin doc?" Si tita.

"Misis, may nais sanang humingi ng tulong sa inyo at handa silang magbayad para sa puso ng inyong anak.------"

Nqpakurap ako, ano daw?

"Pero yun lamang po ay gagawin namin kung bumigay na ang inyong anak."

Ha?

"Misis, pag isipan nyo po ng mabuti. We talked already abput the situation of your son. Hope you understand."

------

Napa iyak ulit ako. Wala naba talagang pag asang makasama ko ulit si Rian?

Ilang beses na akong nanalangin, ilang beses na akong lumuhod at maki usap sa Dyos na bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal ko. Pero unti unti nanghihina na si Rian.

Masakit. Sobrang sakit para tanggapin ang katotohanang iiwan ako ni Rian.

Hanggang dumating na ang panahon na ito. Pumayag kaming gawing donor ang puso ni Rian sa isang taong mas nangangailangan.

Kahit ayaw tanggapin ni tita Mabel yung ibinayad ay pinilit pa daw ng mga ito ang napakalaking halaga. Kaya tinanggap nya nalang ito.

Ni hindi ko na nakilala ang mga taong yun dahil ayoko.

ANDITO ako ngayon nanatiling nakaupo sa puntod ni Rian. Di ko mapigilan ang patuloy na pag agos ng aking mga luha.

Gusto ko syang sumbatan. Gusto ko syang pagalitan o awayin. Pero ano naman ang magagawa nun sa ngayon? Humagulhol ako ng iyak.

"Mag--papa-kasal pa tayo di ba?--- andaya mo!uuwi pa tayo sa bahay natin di ba? ---- oh God!" Tumayo ako at sumigaw.

Wala akong magulang at kapatid na dadamay sa'kin. Lahat sila iniwan ako nang dahil sa lintek na aksedenteng yan! Pati si Rian iniwan din ako dahil sa aksedente!

Pinunasan ko ang mga huling luhang ipapatak ng mga mata ko. I heave a sigh. Bago napag desesyonang lisanin ang lugar na yun.

Sa telepono ko na rin huling nakausap si tita Mabel, nagpaalam at babalik na daw muna sa States.

I am alone again. I'm alone again.

------

PARANG may ginagalaw sa loob ng katawan ko. May nararandaman akong may tumutusok sa loob pero wala akong maramdamang sakit. Di ko maimulat ang mga mata ko.

Shit! Di ako makagalaw. May mga naririnig akong nag uusap pero di ko rin naman maintindihan.

Madilim, ayoko ng ganito! Fuck!

IT WAS like before. I could see my self from there kung sa'n nakadena ang mga paa ko at humihiyaw dahil sa sakit sa bawat palo ng latigong yun!

Nasa sulok akong umiiyak, nagmamakaawang itigil na ang pagpalo. Pero hindi sila tumigil.

Nakita ko ang sarili kong kinukuha ang baril na yun sa lalaking natutulog at walang binril ito.

Lumuluhang binaril ko rin yung mga taong nanakit sakin at sa iba pang mga batang katulad ko.

Hanggang sa nagawa kong makalabas sa lugar na yun. Hinabol nila ako pero mabilis akong nakapagtago.

Mga nag uunahang luha ang lumabas sa mata ko.

-----

"The operation is successfull Mr. Garth. After 12hours ay pwede nang ilipat ng room ang pasyente."

Gumaan ang loob ko ng marinig ang mga salitang yun.

Masaya ako ng pumayag ang pamilya ng pasyenteng yun. Oo,alam ko kami na ang pinaka masamang tao sa boung mundo pero hindi, hindi pwedeng mawala si shino sya nalang ang meron ako. Si Shino nalang ang pamilya ko.

Hindi pa namin pwedeng makita si Shino ngayon, para maiwasan ang impeksyon sa sugat. Nanatili kaming naghintay sa private room na yun at sabik ulit makita ang kapatid ko.

Pero lumipas na ang 24 hours ay di pa rin ito nagigising. Naalarma ako ng pinatawag ako ng doctor.

"He's in coma Mr. Garth. Hindi namin ito inaasahan. Pero ang importante ay kalmado at regular na ang heart beat ng pasyente. We need more time for him to recover."

Gusto kong magwala. Gusto kong patayin sa galit ang mga doctor.

"What? What do you mean, you bastard? Damn! We will wait? Until when huh? I thought you're a good doctor?"

Sa galit ko ay kwenelyuhan ko ang doctor. Inawat naman agad ako ng mga kasama ko.

Wala daw silang magawa sa ngayon. Shit! Shino! Gumising kana! Ilang araw na!

Pero isang araw, linggo hanggang umabot ng dalawang buwan ay di parin magising si Shino. Hindi na rin namin nagagawa ang planong dapat kasama ang kinilalang kapatid ko.

"Hey Azi, si Leya nasa labas."

Napataas ang kilay ko. Lumambot ang puso ko ng makita ko syang sumilip muna bago pumasok.

"Hi! Goodmorning!" May dala dala itong supot.

Di ako makakibo. Nanatili lang akong nakaupong tinititigan sya.

"Uwi muna kami Azi. Leya una muna kami." Sabat naman nina Steve.

Bumalik ang tingin ko sa babae ng makalabas ang mga ito. Ngumiti sya sakin at lumapit.

"You look pale Azi. Lumalaki narin yang eyebags mo. Pahinga ka muna ako na muna dito.---buti nakita ko sa bar kagabi yung si Steve. Nakiusap ako na samahan nya ko dito." She sweetly smile.

I heave a sigh. Di ako makapaniwalang sa bagets na babaeng to lumalambot ang puso ko. Yes i met her in the bar but she's not a slut. Ako ang unang lalaki sa kanya. Bagets coz she's just 22 years old and i am 31 and she never know kung ano at sino ang tunay na ako.

She cupped my face ng di pa rin ako kumibo.

"Hindi ikakatuwa ni Shino kung makikita ka nyang ganyan. Please..." she pleaded as she wipe her tears away.

"Hey why are you crying?"

She pouted. "Kasi po naawa ako sa hitsura mo. Look at you, nawawala na ang pogi points mo. Please hwag mong pabayaan ang sarili mo."

Yinakap ko sya ng mahigpit bago nya ako hinalikan sa labi.

"I love you Azi." She kept telling me that pero hindi ko pa kayang sagutin. Ayoko munang sagutin ngayon. Ayokong masaktan sya.

Inalayan nya akong mahiga sa sofa. Ewan parang ayoko munang matulog. Gusto ko gising ako at ako ang unang makikita ni Shino. Gusto kong magsorry. Gusto kong magkwento sa kanya.

Pero sa tindi nang pagod at kulang sa tulog ay deretso akong nakatulog.

Timeless Love Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon