Chapter 22

2.3K 78 5
                                    

Naalala ko yung nasa may lower abdomen ni Shino last night. Hindi ko alam kung anong klaseng tattoo yun, pero it made me curious. Hindi ko kasi naaninag masyado kagabi. Parang may urge akong tingnan yun ulit pero di ko na rin natyempohan pagising. Dumeretso na kasi ako ng cr pag gising ko at nakadamit na sya ng makalabas ako.

Umalis na agad sya ng may tumawag sa kanya. Si Azi. Minsan tuloy sumasagi sa isip ko na sana makilala ko na si Azi. I just wanna thank him to taking care of Shinobi.

Alam kong ibang klase ang talino pagdating sa bussiness. Kaya napalago niya ang sariling negosyong mag-isa sa murang edad.

I sigh.

Namimis ko si Shino. I sigh. Pero ang dami ko pang dapat tapusin sa mga bulk orders na naka schedule next month. Naisip ko halos magdadalawang na kaming ganito ni Shino.

At sa bawat araw na yun ay kada umaga parin akong nakakatanggap ng 'Thank you' message and flowers galing sa misteryosong lalaki na yun.

SG. Laging kong iniisip kung may koneksyon ba ang abrevation na yun sa kwintas na nasa'kin. Yung kwintas na pure gold na pinagmamay ari nung pumatay ka Rian.

SG.....

SG...

It could be Saint Glory? Savier Gordon? Simoun Garry? Shi----Shinobi Garth? I shook my head sa huling inisip. Hindi naman siguro si Shino yun.

Ni sa isip ko simula noon kahit ano mang kasamang nakaraan ang nangyari kay Shino ay di nya kayang gawin yun sa kahit na sino.

Umiling iling ulit ako sa inisip.

--

'God! I miss her so much!' Ilang oras lang ang dumaan pero sobrang namimis ko sya. I'm so inloved with her!

Napainat ako sa pag upo habang kinukuha ang phone ko and dialed her num.

(Hi Shino! Kumusta?)

I smiled when i heard her hyper voice. Hyper as always.

"Hi! Uhm-- where are you?"

(Sa cafe pero later may meet up ako for reservation. Ikaw? Sa'n ka? Kuh! Miss mo'ko no? Tsss! Ba't ba kasi hindi ka na nadalaw sa bahay? Gusto mo magtampo ako sa'yo?)

It made me smile. Nahinto ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Call you later, okay?"

Di ko na inintay ang sagot nya at pinatay ko na ang phone.
Wala naman akong ideya kung sino ang nasa labas nasa kabilang hotel naman ang iba.

Kaya kahit nakaboxers at sando lang ako ay bubuksan ko na. Baka breakfast.
I was about to open the door ng biglang bumukas ito.

Nabingi ako sa biglang dumugundong ang kaba sa dibdib ko.

Isang naka mask at bonet na lalaki at tinutok ang baril nito sa mukha ko na may silencer.

I'm wrong she's a woman! Kahit nakamask sya ay alam kong babae sya. Percieng grey chinky eyes and thick lashes ang nakikita ko.

Inangat ko sa hangin ang aking mga kamay at napaatras ako ng lumapit pa ito sakin. Fuck! Pa'no nya nalaman na nandito ako?! Damn!

"What do you want? Who are you?" Tanong ko pa ng huminto ito at dahan dahang nilibot ang paningin.

Nag isip ako ng paraan para makuha ang baril sa ilalim ng unan sa kama. Malikot ang mga mata nya. Parang alam na nya ang gagawin ko ng humakbang ako patagilid.

Pinaputok nya ang baril nya sa unan.

"Shit!" I hissed. "What do you want from me?!"

Tinanggal nito ang mask at bonet nito. Bumagsak ang wavy hair at lumantad ang mukha nya. So, she's not aware after all. Maganda sya pero kalaban to dahil naaninag ko agad ang anchor na tattoo nito kaliwang bahagi ng leeg.

Pero di ko dapat maliitin ang babaeng to. Nag isip ulit ako ng paraan.

"Hi! Mister Garth! How's your day spying on us?" Sarkastikong tanong nito.

Shit! They know already!

Lumapit pa ito sakin at umikot habang nakatutok parin ang baril.

I sigh and shooked my head. Akmang ibaba ko na sana ang kamay ko nang nagpaputok ulit ito sa may kinatatayuan ko.

"Shit! Shit!"

Tumawa sya.

"Don't try to move, Garth or else putol ang kaligayahan mo."

Damn!

Napasinghap ako ng biglang may kumatok ulit. Pero bago pa ako nakakibo ay mabilis itong lumapit at idiniin ang baril sa dibdib ko.

"Don't try me, Garth. I'm ready to hell. How 'bout ya?"

"Shino---holy shit!"

Nakatalikod ako sa pinto kaya hindi kita ng kung sino ang nakatutok na baril sa dibdib ko. At ang pinaka malaking kinabigla ko ang biglang paghalik nung babae sa labi ko.

"Okey! I'm sorry, pero  Shino ang misyon muna bago yan! Tsk! ---- oo Azi nambabae pa kasi!" Sabi nito na may kausap pa siguro sa phone or sa eart speaker nito.

Naramdam ko ang paghiwalay ng labi ng babae tsaka pinalingon sa gawi ni Tines bago nito sinara ulit ang pinto tsaka umalis.

Fuck! Gusto kong sumigaw ng don't leave! I am in ambushed! Gusto kong hablutin yung babae. Pero lalong ididiin nung babae ang dulo ng baril sa dibdib ko.

Paano? Kung alam kong pangalawang buhay ko na yun? Sasayangin ko ba ulit ang pangalawang pusong 'to? May paraan pa naman siguro. Hwag ang puso ko!

Bahagya akong nakaramdam ng mainit na bagay sa tyan ko. Nanlaki ang mata ko. Alam ko ang bagay na yun!  Napatingin ako dito. Nakangiti syang nakatingin sa labi ko. At naramdam ko ulit ang mainit na bagay na yun.

Init na unti unting naging masakit! Pangalawang beses nya akong sinaksak!

"Fuck you!" I shouted to her.

May mainit na likido na akong naramdam sa tyan ko pero wala akong pakialam. Boung lakas kong hinablot ang buhok nya at inaagaw ang armas sa mga kamay nya at itinapon sa sahig.

I should be heartless! Sinuntok ko na sya sa mukha pero nakaganti pa itong nag high kick at tumama sa tyan kong may sugat.

Napa igik ako at natumba. Napatingin ako sa baril na nasa uluhan ko. Ganun din sya ng tingnan ko kaya ng unahan kami ng kuha sa baril.

Pero una ko itong nakuha at pinaputukan agad ang babae. Sa ulo ito natamaan kaya tumba agad.

Agad kong sinilip ang sugat ko. I was panting and massage my chest. Oh! It's intacked there. Walang masakit. Walang sugat.

Just don't touch my heart!

Timeless Love Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon