Chapter 35

4.8K 129 8
                                    

Lumapis ang maraming taon. Masaya ako dahil unti - unting nagbabago ang pakikitungo sa akin ni Shino. Kahit hindi pa niya sinasabing mahal niya ako ay okay lang.

Nang magpakasal kami ay inamin niya lahat nang sekreto nila nang mga kaibigan niya. Nung una ay bigla akong nakaramdam nang takot. Pero nang kalauna'y nasanay na rin ako.

Nang balikan kami noon ni Zed ay napaka laking gulo iyon dahil sa araw pa nang kasal namin yun ni Shino. Ang sabi ni Shino ay siya na daw ang bahala sa lalaki, may takot ang umusbong sa dibdib ko nang mga panahong yun.

Wala na akong narininig na balita sa lalaki at hindi ko na hinalungkat ang mga bagay bagay.

Pitong taon nang mabuntis ulit ako ni Shino. We named her Yohannah at nang araw ding yun una kong narinig ang pagsabi niya na mahal na mahal niya na daw ako. Ang saya saya ko noon. Sabi ko sa sarili ko ay wala na akong hihilingin pa. Kompleto na ang pangarap ko.

Kahit napakarami nang pagsubok ang pinagdaan namin ay hindi ko na alintana. Masaya kami, i manage my business habang si Shino naman ay nagsisimula nang magbagong buhay
He was a good father and yet a good and loving husband sa akin.

Until that day comes. Nasa twelve years old pa lang si Gab nang atakehin siya sa puso. Niyanig ang mundo ko. Takot na takot ako. Dasal ako nang dasal na sana ako nalang.  Na sana hwag niyang kunin ang anak ko.

We decided to do a transplant, as soon as posible. Hingi nang hingi tawad sa akin si Shino.

''Wala ka namang kasalanan, love.''

Dinala niya ako sa kaniyang dibdib. Di pa rin maawat ang pagtulo nang luha ko habang nasa labas kami nang operating room.

Umabot hanggang eight hours ang operation. At nang matapos naman ito ay hindi muna siya pwedeng dalawin sa recovery room. Limang araw na pero hindi pa rin pwede.

''Love, you need to sleep. Ako na ang mag aabang kay Gab. ''

Tumango ako kay Shino. Kahit hindi naman ako makatulog. Nasa private room lang kami nang ospital. Sabay na kaming lumakad ni shino sa kwarto.

-

Dinig ko mula sa kina uupuan ko ang iyak nang isang tao. Sinubukan kong hanapin iyon. Di naman ako nabigo, nakatalikod siya sa akin.

''M - Mom..''

Nanlaki ang mata ko sa nakita. Si Gab ito at nanginginig siya. His face was full tears.

''Oh my god! Gab! Gab! Wait!''

No! Bakit siya lumalayo? No! Anak ko! Nanginginig sa takot angga kamay ko. Pilit ko siyang hinahabol at iyak ako nang iyak. Awang awa ako sa hitsura nang bata.

''Gab! Anak!''

Hilong hilo na ako. Kahit anong takbo at lakad ko ay hindi ko na mahanap ang aking anak.

Dios ko, bakit ito nangyayari sa akin?

--

''Love! Hannah! Wake up!''

Isang mahinang sampal sa mukha ang gumising sa akin mula sa panaginip na yun. Agad kong niyakap ang asawa ko sa sobrang takot.

''Oh, God!'' Sambit niya sabay halik sa noo ko.

''Shino, natatakot ako.''

''Ssshhh, everything will be alright, love.''

Naagaw ang pansin nin nang may kumatok nang ilang beses sa kwarto namin.

Napaayos ako nang upo nang pumasok ang doctor.

''Can i talk to you, for a while?''

Nagtinginan kami ni Shino at tumango sa doctor.

-

''Anyway, hindi pa fully recovered ang bata. Makakapasok kayo sa kwarto niya pero tig iisa lang muna. And one thing na dapat niyong malaman. Although, maalala niya kayo pero hindi maiiwasang magbabago ang ugali nang bata.''

Yun nga ang nangyari. Malaki ang nagbago sa Gab namin. Palagi na siyang nagkukulong sa kwarto niya. Inaaway niya ang kaniya kapatid at minsan pang naging basag ulo din ito sa klase.

Pero okay na ako doon ang importante ay safe na siya at palagi na namin siyang kasama.

Lumaking seryoso si Gab at masaya kami Shino dahil interesado ito sa negosyo nang ama.

Si Shino ang palaging kasama ni Gab nang lumaki na ito. Pakiramdam ko nga ay alam na din nang anak ko ang nakaraan nang kaniyang ama.

Masaya akong nakikita silang close sa isa't - isa. Lalo na nang mag bente singko na ang panganay ko. At wala naman na siyang sinasabing masakit sa kaniya maliban nalang kung nabigo siya sa pag ibig.

Kontento na ako sa buhay. Kahit mataray at palaging isnob ang anak kong babae ay okay lang atleast wala siyang sakit.

Ngayon ko napatunayan kung gaano ako katatag. Nalampasan ko ang lahat noon kahit nag iisa lang ako sa buhay. Kahit iniwan man ako nang mga mahal ko sa buhay ay totoong may babalik at pupunuan ang kakulangan na yun.

Masaya ako. Minsan nga ay binibiro ko pa si Gab na sana ay bigyan niya na kami nang apo nang dad niya. Nakakamis din kapag may bata sa bahay. Pero tanging ngiti lang sagot niya sa amin.

Masaya ako. Kasama kong tumatanda ang noong childhood lover ko lang. Gaya nang ipinangako ko sa kaniya noong kasal namin ay pagsisilbihan at mamahalin ko hanggang sa pagtanda namin.

Mahal na mahal ko ang taong ito sa kabila nang mga pagsubok. Mahal na mahal ko siya kahit may mga pangyayaring nasaktan kami pareho. Sakit na nagdala kung ano ang meron kami ngayon. Marami pa ang panahon upang patunayan kung gaano namin ka mahal ang isa't isa.

This isn't a Timeless love.

Fin.....

---

Maraming salamat po sa pagsubaybay sa storyang Timeless love!

Ako po'y hindi ganoon kapulido na manunulat. Baguhan at marami din pong mga mali sa storyora ko. Ngunit, datapwat, subalit maraming salamat po sa mga silent reader, bumuto at mga nagpahayag nang kanilang komento.

Hayaan nyo po at pagbubutihin ko na po sa susunot.

Inaasahan ko po ang inyong pagsubaybay sa iba ko pang mga sinulat.

Salamat po.

- ate batch

^_^

Timeless Love Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon