Isang gabi na may naghahamon na naman ng away sakin. Di naman ako nagdalawang isip na kalabanin sya.
Mukhang mas matanda sya. Matangkad at mukhang mayaman.
"Magkano ba?" Tanong ko pa.
Maraming nakapalibot na pumupusta.
"Five thousand." Deretsong sabi nito.
Napatigil ako sa paglapit sa kanya. Wala akong ganung kalaking halaga.
Ni head to foot ko sya. Alam ko sa sarili ko, kayang kaya ko syang patumbahin. 'Pero pa'no pag ako ang talo?'
"Tsss! Sege!" Sabi ko nalang bahala na.
Naghubad sya ng relo at sing sing. Mayaman ang isang to may body guard pa.
"Go! Maziwa!" Sabi pa ng isang babaeng pokpok na nasa loob ng sasakyan nito.
"Tsss!"
Lumapit ako sa kanya at humanda. Una akong nagpakawala ng uppercut. Nakailag sya.
"Ilang taon ka na pre?" Tanong pa nito habang umiilag sa suntok ko.
Di ako sumagot.
"I'm Maziwa, i'm eightteen."
Bigla akong napahinto. Bakit ba sya tanong ng tanong? Nakakawalang gana. Magkwentohan nalang kaya kami?
Bigla nya akong sinunggaban ng suntok tinamaan ako sa kaliwang pisngi.
"Put--!" Pero di ko natapos ang sasabihin ko ng sinapak nya ulit ako sa mukha.
Narinig kong nagkantyawan ang pumaligid samin.
Kaya sinuntok ko ang tyan nya sinundan sa mukha pero mailos syang umulilag at ginantihan ako ng upper cut.
Natumba ako. Nalalasahan ko na ang dugo sa bunganga ko pero mabilis akong tumayo.
Pero tumalikod na syang umiiling iling.
"Tsk. Tsk. Marami kapang dapat matutunan bata." Tumawa pa ito nang mahina at binalik ng sout ang relo at sing sing.
"Teka di pa tayo tapos ah!"
"Kumain na muna tayo. Nagutom ako bigla. Halika muna ipagpatuloy natin to mamaya." Bigla sabi nya bago sumakay ng sasakyan.
Natigil ako. 'Pano yung pera ko?' Tanong ko sa sarili.
"Hey! Hop in!" Aya nito sa sasakyan.
"Hoy! Sinong panalo?!"
"Shino! Sinong talo?"
Sabay sabay na naghiyawan ang mga pumupusta.
Alanganin naman ako sumagot kaya yung lalaki ang sumuko. Yung lalaking nag ngangalang Maziwa.
Di na nya ako pinakawalan simula nun. Tinulungan nya ako sa lahat ng bagay. Sya lang din mag isa sa buhay. Pinatira nya ako sa napakalaking bahay nya. Pinalitan nya ang apelyido ko. Pinag aral at sa batang edad ay tinuruan niya ako kung pano humawak ng kutsilyo at iba't -ibang klaseng baril.
---
At hanggang ngayon ay dala dala ko parin ang ugaling yun.
Sweet Claire Calling...
"Helow.."
(Shino? Nasan ka? Bat ka biglang umalis? Alam mo bang pinag luto kita ng agahan? Tapos aalis ka lang naman pala? Ano ba kasi ang nararamdaman mo kagabe? Nakakainis ka na!)
![](https://img.wattpad.com/cover/51452427-288-k347675.jpg)
BINABASA MO ANG
Timeless Love Completed
General Fiction-You teach me how to love and to be loved. -How can i forget and forgive what you did? May pagkakataon pabang baguhin ni Shino ang nakaraan? Paano matatanggap ni Johannah Claire ang nakaraan ni Shino? Timeless love, don't let it end no. Now that you...