Bakit parang wala sa itsura nang lalaking yun ang humingi ng tawad, isa pa-- he kissed me!
Ilang gabi na rin ang nakaraan ng mangyari ang insidenteng iyon at ilang gabi na rin akong di nakapagdeliver ng cake sa resto na yun dahil -- ayoko muna syang makita at baka masampal ko pa sya. Ang sabi kasi sa akin ay regular costumer siya at mamayang tao.
Pero di ko maiwasang mag- isip. Napaka pamilyar talaga ng mukha nya. Alam kong may lahing hapon yung lalaki eh, mestiso, matangkad at may magandang pangangatawan pero hindi din naman sya artista. He's from my pasts. Parang nakita ko na sya nung kabataan ko pa. Ilang oras na din akong nakatitig sa mga cake na naka box na sa harapan ko habang lumulutang ang aking isip.
I sigh again saka napag desisyonang ideliver ang mga cake sa resto. 'Bahala na.' Kailangan ko ring kumita. Huling tinungo ay ang restobar kung saan nandun lage ang lalaki. I was praying na sana absent ang loko-lokong yun pero kakapasok ko pa nga lang sa bar ay sya agad ang nahagilap ng mga mata ko.
mula sa kanyang pwesto.
God!
---------
Exactly four nights na akong nag aabang sa babaeng yun. Tsss. Pero ni anino niya ay di ko pa nakikita.
The barista told me na di pa daw ito nag dedeliver ng cake at nalaman ko ding sya pala ang gawa ng mga masasarap na cake sa ilang five star resto and hotel na napupuntahan ko.
Very well. Masarap naman ang cake ng tikman ko.
I frozed when i see someone coming in my place where i stood. There she is!
She froze too when our eyes met. I smiled at her pero nanatiling nakanganga lang itong nakatitig sa dereksyon ko.
"Claire!" Tawag ng baristang nasa harap ko.
Bumaling naman ang tingin nito dito saka ngumiti.
Sasalubungin ko sana sya pero parang namanhid ang dibdib ko.
"Uhm. Excuse me! Padaan po. Sir."
Tumibok ulit ang puso ko. Shit! I slightly massage my chest, i feel the numb again. Something on me feel nervous.
"Pst! Sir padaan po." She whisper.
Bahagya naman akong umusog tsaka nya ako nilagpasan. Sinundan ko sya sa loob ng humupa na ang manhid.
"Sir! Di po pwedeng---"
Kumuha nalang ako ng tatlong tig- iisang libo at nilagay sa bulsa nya bago dumeretso sa loob.
I found her mumbled into something.
Tumukhim ako, gulat naman itong lumingon sabay hawak sa dibdib.
I slowly enjoying her reactions. Gulat siya kaya parehong nanlaki ang kaniyang mata and brings tickles in me.
"You again! Ano ba! Sino ka ba talaga ha? May gusto ka sakin, ano? Naku! Hwag mo kong ibilang sa mga babae mo!"bigla naman itong tumigil sa kadadakdak.
"First i am Shinobi Garth, second i don't like you and thirdly i'm not counting you as one of my women coz i think---- you're not yet a women, you're just a lady--." Pinamulsa ko ang mga kamay ko.
Tinalikuran nya ako at bumalik sa pag lalagay ng mga cake saka sya aaktong aalis na.
"Hey.." tawag ko dito.
----
He's wearing black longsleve na nakatupi hanggang siko, a pair of kaki pants at parang bagong gupit ito mas lalalong napanganga ako ng magtama ang mga mata namin. He was grinning like a devil.
Shit! Bakit sya pa talaga ang dapat na una kong makita sa lugar na'to? Di ko namalayang kinakawayan na pala ako ni Brix mula sa kanyang pwesto kanina. Buti nalang at nahimasmasan ako.
Pero bakit kailangan pa nya akong sundan hanggang dito sa loob. Parang ang sikip tuloy.
'second i don't like you and thirdly i'm not counting you as one of my women coz i think---- you're not yet a women, you're just a lady. Sabi pa nito habang may ngisi sa labi. kahit ako ay nahiya sa sarili sa sinabi niya sa huli.
Pero ang di ko mawala sa isip ko ay yung pangalan nya. Natigilan ako at unti - unting bumalik ang ala ala sa aking nakaraan.
---
Nahuli ko syang naaka upo sa gilid nang halamanan sa may bakod namin. Payat pero matangkad na lalaki na pakiramdan ko ay kasing edad ko lang. Kinalabit ko muna sya dahil parang may pinagtataguan kasi. Tsaka nasa loob siya nang bakuran namin. trespassing yun!
Pero nahintatakutan naman ako, may mga pasa at sugat ang mga binti, braso at meron din sa mukha nya nang lumingon siya. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya kaya patakbo kong tinungo ang loob ng bahay at kumuha ng cake saka binigay iyon sa kanya.
"Ako pala si Shino. Shinobi, salamat sa cake ha? Buti dito ako nakapagtago sa bakod nyo.'
Nahihingal pero may mga ngiti sa maliliit nitong matang halatang kakaiyak lang. Kumain siya noong bigay ko kaya nginitian ko siya. Tinabihan ko siya doon habang hawak ang aking tuhod. Sinasabayan ko din ang bawat pagsilip silip niya sa labas nang bakuran.
"Bakit anong nangyari sayo? Ba't may mga sugat ka? Gusto mo gamutin kita? Alam mo bang paglaki ko gusto kong maging doctor o nurse? Pero sabi ni mama gusto nya maging pastries maker ako kasi daw i'm sweet. Kaya ginusto ko na rin. Masarap naman akong gumawa diba? Masarap ba yung cake ko?"
Bigla itong natawa, ngumiti ako sa at nakatingin sa kaniya. Ang pogi niya eh. Nawawala ang mata niya kapag ganoon siya.
Ayan na naman kasi di ko mapigilan ang bibig ko kung magsalita. I pout then he tap my head.
"Sorry, andami mo kasing tanong, nakalimutan ko yung una, pangalawa at pangatlong tanong. Masarap yung cake mo, sa boung buhay ko ngayon pa ako nakatikim ng ganitong kasarap na cake!. Sana nga maging isa kang magaling na pastry maker paglaki mo."
Pero gusto kong gamutin sya kaya bigla ako tumayo at tumakbo papasok ng bahay para kunin yung med kit. Akala ko pagbalik ko ay wala na sya pero nanatili syang nagtatago doon.
Tinabihan ko at ginamot ang sugat nya. Pero kahit saan sugat nya ang lagyan ko ng alcohol ay ni hindi sya umaaray.
"Di ba mahapdi?" Umiling lang itong nakatingin sakin.
"Anong pangalan mo?" Bigla nyang tanong.
Nag angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti.
"My name is Johana, i'm ten, Ikaw?"
"Twelve ako."
Ngumiti ako akala ko kasi kaedad ko lang sya.
"Yan! Tapos ko nang linisin yung sugat mo, k-kuya. Ano po kasi ang nangyari sa'yo?"
Nakita ko syang yumuko at dumilim ang mukha.
Nakaramdam ako ng takot, siguro basag ulo siya kaya ganun. Wala sa loob ay bigla ko nalang syang niyakap. Naawa talaga ako sa kaniya. Napaiyak din ako ng maramdaman kong umalsa baba ang balikat nya dahil sa pag iyak nito.
Magaan ang loob ko sa kaniya. Sabi ni mama, i have to be helpful for those who need it. Dapat daw tinutulungan ang mga taong inaabuso.
Wala sa loob na hinawakan ko ang kaniyang kamay at dinala siya sa loob nanag bahay. Bahagya pa siyang nag aalinlangan pero i insisted him. Mabait naman siguro siya.
''Baka pagalitan ka kapag pinapasok mo ako.''
Nginitian ko siya.
''Sshh..''
--------
BINABASA MO ANG
Timeless Love Completed
General Fiction-You teach me how to love and to be loved. -How can i forget and forgive what you did? May pagkakataon pabang baguhin ni Shino ang nakaraan? Paano matatanggap ni Johannah Claire ang nakaraan ni Shino? Timeless love, don't let it end no. Now that you...