Natahimik ako sa loob ng opisina nya. Natulugan na din kasi ni Gab ang pagyakap nya sa ama.
I brushed away my tears at kukunin na sana ang bata mula sa kaniya, but he didn't let me. Tumayo sya at pumasok sa isang pintong naroon. Sinundan ko sya nang tingin hanggang sa bumalik sya.
Bakit ang lamig nang tingin niya? Kinakabahan ako. I heard him sigh at lumapit sakin.
I look straight into his eyes. He looks good kaysa nung huli ko siyang makita.How much i missed him, ba? Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at hinila nya ako papunta sa kanya. I felt his warm. I can hear his heartbeat --- it's normal at wala na doon yung tibok inaasahan ko. Pakiramdam ko ay may kulang.
Napaluha akong may pagtataka nang hiniwalay nya na ako sa kaniya. Bakit ang lamig nya na ngayon?
"How are you?"
Yun ang unang tanong nya. God, bakit ganito? hindi nya ba ako namiss?
"O-okay lang. Ikaw? Kumusta ka?"
Napahawak ako sa aking dibdib. Kinakabahan at nanginginig akong naghihintay nang sagot niya. Ni hindi ako huminga.
Pero nakatingin lang siya na parang kinikilala pa ako. Nakatingin siyang may pag - aalinlangan. Kaya umiwas na ako nang tingin.
''Johannah --- look, I --- you know -- I'm so sorry -- ''
Napanganga ako. Anong ibig niyang sabihin? Mariin niyang hinawakan ang kaniyang batok at mukhang frustrate na frustrate at hindi makatingin sa akin. Napasunod ako sa kaniya nang pumunta ito sa sulok at nagsalin nang alak. Hindi ko alam ang punto niya. I don't know what he's trying to say. Basta sa ngayon ay puno nang kaba at pag - aalinangan ang dibdib ko.
''Shino --- ''
''Shinobi, Johnnah.''
Nanlaki ang mga mata ko sa pagtatama niya. Gusto kong maiyak ulit. Gusto kong magwala. Gusto kong magmura nang pa ulit ulit at samplin siya nang ilang beses. Kahit naman papano ay alam ko na ang ibig niyang sabihin. Iniwan niya kami nang matagal!
''Paola and I, are planning to get --- ''
''Where's my son. Ilabas mo ang anak ko!''
Tinalikuran ko siya at nanginginig na nagpunas nang luha sa mukha.
''Johannah -- ''
Hindi ako nakinig sa kaniya nang tawagin niya ako. Tang ina! Mura na kung mura, pero hindi niya makukuha ang anak ko.
Pinigilan niya ako sa braso at hinila. Nang ibalik ko naman ang tingin sa kaniya ay may bakas ng takot akong nakita sa mata niya. Para ano?
''Johannah! Will you please stay calm? Mag usap tayo.''
Pinaningkitan ko siya nang mata.
''How can you tell me to stay calm, Shinobi?! --- naiinis ako sayo! -- okay -- okay, now tell me your point.''
Kumurap ako nang ilang beses para iwasan ang pagtulo ulit nang aking luha. Naguguluhan ako sa kaniya. Mahal ko pa rin naman siya. Alam kong may mali akong nagawa. Pero pinagsisihan ko na yon!
I crossed my arms into my chest at tumingin nang deretso sa kaniyang mata. Umiwas siya nang tingin at binalikan ang alak na nasa ibabaw nang table niya.
''I -- I killed your b - boyfriend, Johannah -- ''
Nanindig ang balahibo ko sa sinasabi niya. Bakit niya ba ito sinasabi? Humarap siya sa bintana kung saan kitang kita ang boung syudad. Pinamulsa niya din ang isang kamay niya habang ako naman ay nakangangang naghihintay pa sa mga salitang sinasabi niya.
''Hate me, Johannah. I killed your boyfriend. I'm a bad man while he is a cop. Ipakulong mo ako or tell me how much i will pay for the life of your ---''
Mabilis ang hakbang kong lumapit sa kaniya at sinampal siya. Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay kusang nag uunahan na sa pagtulo sa aking pisngi.
''Stop it, Shino! What done is done! Ang sabi ni Maziwa ay babalikan mo ako! Nangako siya! -- pero walang ikaw na bumalik sa akin and i hate you for not coming back to me and Gab! Ang tanga ko...ang tanga - tanga ko. Umasa ako.''
Napaluhod na ako. Nakapanghihina. Ang sakit. Iyak ako nang iyak.
Nanatili siyang nakatayo lang sa harap ko. Ni hindi siya nag atubiling hawakan ako o balingan man lang nang atensyon. Lalo akong nakaramdam nang pagsisisi kung bakit pa kami nagpunta dito.
Marahan akong tumayo pagkalipas nang ilang sandali saka ko narinig ang buntong hininga niya. Nagpunas ako nang mukha gamit ang aking kamay at lumakad papunta sa kwartong pinagdalhan niya sa anak ko.
Nang makita ko naman siyang mahimbing na nakahiga sa kamang yun ay agad ko siyang kinarga at lumabas na kami.
''Johannah..''
Sinalubong na niya ako at akmang pipigilan pero hindi ko na siya pinansin at lumabas. Pero nga naman ang saklap nang tadhana.
Nakabangga ko pa sa may pinto ang dakilang si Paola Correl. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka tinaasan ng kilay. Lalo akong napatingala nang humakbang siyang papalapit sa akin.
''Johannah Claire -- So, you're here. What a co-incidence?''
Ngumisi siya sa akin at umirap.
''Hanna --- ''
Sabay kaming napalingon Kay Shino. Palipat lipat ang tingin niya sa amin. Umasa akong lalapitan niya ako pero Hindi.
Lalo lang akong nasaktan nang si Paola ang nilapitan niya sabay halik sa pisngi.
Durog na durog ang puso ko.
Umuwi akong may luha sa pisngi. Umuwi akong baon ang sakit at pagkadismaya.
Halik lang ang binigay sakin ni Gab nang makatulog siya sa gabi. Bumaba ako sa kusina and tried to bake a cookies. Pampawala sa lahat nang stress. Gusto kong makalimot.
Pero inis kong tinigilan ang ginagawa. Gumagawa lang pala ako nang cookies kapag na mi - miss ko si Shinobi.
Malungkot akong umakyat nalang sa kwarto at iniwan ang ginagawa. Nang makapagligo ay sumampa na ako sa kama. Pero lakimg gulat ko nang may makapa akong mga binti sa kabilang gilid.
Dios ko!
Agad kong hinila ang kumot at binalot iyon sa katawan ko. Taas, baba ang aking dibdib sa gulat at kaba.
''Sino ka?! ''
Mabilis kong binuksan ang ilaw nang makahuma ako.
''You didn't locked verandas door. Paano nalang kung may nangangahas akyatin ka dito at gagahasain ka?''
What?!
BINABASA MO ANG
Timeless Love Completed
General Fiction-You teach me how to love and to be loved. -How can i forget and forgive what you did? May pagkakataon pabang baguhin ni Shino ang nakaraan? Paano matatanggap ni Johannah Claire ang nakaraan ni Shino? Timeless love, don't let it end no. Now that you...