Chapter 29 'Yes'

2.3K 82 5
                                    

Days, months, years had run so fast. At ni minsan sa loob nang limang taon na yun ay ni hindi ko narinig na nagsasalita ang anak ko. Sabi nang doktor ay wala naman daw deperensya sa vocal nang anak ko. Bunga daw siguro ito nang depresyon nang ibinuntis ko ang bata.

May boses naman ang anak ko. Pero naririnig ko lang yung kapag umiiyak sya o humahagikhik syang mag isa. Pero ni hindi sya nagsasalita.

Limang taon na si Gab and he seems so loving kahit hindi man sya nagsasalita'y nararamdaman ko naman yun. Madalas sinisisi ko ang aking sarili kung bakit ganito ngayon ang anak ko.

I sigh habang nakatingin sa kanya. He's so look like his father. Masayahin naman siya. He is my everything.

Limang taon. Limang taon akong naghintay sa kahit na anong balita galing sa kanila pero ni isang sulat o tawag ay wala parin akong natatanggap. Limang taon akong umasa sa pagbabalik nila. Pero unti unting namamatay ang pag asang yun nang wala na akong makuhang impormasyon tungkol kay Shino.
---

"I'm sorry Johannah but we need to bring Shino to States. We will do our best, don't worry Leya will inform you everything as soon as possible. Kukuha na din muna ako ng makakasama nyo ni Gab sa bahay mo. Sa ngayon, kaylangan ko ang cooperation nating lahat. Pag fully recovered naman na si Shino ikaw ang unang hahanapin nya.---i am just -- so sorry for what happened from the past."

--

Mga huling salita galing kay Maziwa before they left us alone. Just me and Gab.

Natigil ako nang nasa harap ko na pala ang anak ko at niyakap ako bigla. Tumawa ako.

"Are you done playing?"

Tumango sya at humawak sa tyan nya. It means nagugutom na ang anak ko.

Ngumiti ako at kinarga sya. Pumasok na kami sa loob nang bahay habang kinakantahan pa sya.

"Merry had a little lamb---"

"Ha-Hannah?"

Natigilan ako sa boses na yun

"Leya?" Luminga ako kung may kasama sya pero wala. "Kumusta? Napasyal ka? Ang tagal mong hindi kami dinalaw ah?"

Pumayat sya at umikli ang dating mahaba nyyang buhok.

"Halika tuloy ka muna. Oh, nak, Say hi to tita Leya, first."

Ngumiti naman ang bata at lumabas ang dimple nito. Kumaway lang sya sa bagong dating na babae.

"Oh my god! Ang laki mo na baby Gab--"

Ngumiti lang ang bata tsaka bumaba mula sakin at tumakbo na sa loob nang bahay. Nahihiya siguro.

Napatawa kami pareho ni Leya sa tinuran ni Gab. Niyaya ko sa loob si Leya. Nagkwentohan pa kami. Wala naman syang nababanggit about Shino kaya naglakas loob na ako.

"Anyway,...Uhmm, Leya, how's Shino? I mean wala na kasi akong balita sa kanya." Tanong ko habang iniabot ko sa kanya ang cheeze cake na gawa ko.

Mahigpit pa akong napahawak sa damit ko habang hinihintay ang sagot nya.

Napalis ang ngiti ni Leya at bigla syang napayuko. Tumikhim muna sya. Mas lalo akong kinabahan sa tinuran nya. Nauuna yung nasa isip kong may nangyaring masama sa kanya.

"L-Leya.."

"Honestly, hannah i really don't know. I lost my communication to Azi nang nasa States na sila. Nung una okey pa naman, five years ago. Ang sabi nya successfull daw yung second transplant nila kay Shino and he's getting better than before. Then, months after that hindi ko na sya makontak, gusto ko syang sundan pero ayaw ni dad. Nalaman ko nalang lately ang malaking hidwaan between dad's company and Garths Corporation. Pero until now ay wala parin akong balita sa kanila and it really made my heart broken everytime na maalala ko sila lalo na si Azi. I missed him so badly. Gumagawa ako nang paraan para makakuha ng impormasyon sa kanila pero talagang wala eh.--"

Tumulo ang mga luha sa pisngi ko. Gusto ko pang umasa.

"-- akala ko darating ang araw na hahanapin din ako ni Azi, pero more than four years, Hannah. Kinaya nyang tiisin ako. Iniisip kong siguro ni minsan ay di nya talaga ako minahal."

Yinakap ko na sya ng humagulhol si Leya. Parehas kaming lumuluha.

"Bakit di mo man lang ako dinalaw?" May himig pang pagtatampo ang boses ko.

She sigh.

"Pinadala ako ni dad sa London nang malaman nyang may relasyon ako kay Azi. Sabi nya pa, Maziwa Garths is one of the Best player when it comes into a girl, gusto nya lang akong protektahan. Pero alam ko naman hindi totoo yun. Ang tanong ko lang ngayon, ni minsan ba ay hinanap ako ni Azi? Ang hirap nang ganito, Hannah. Ang sakit."

Ang sakit pala talaga kung ang pag ibig na ang pinag uusapan. Mas nakakaramdam ako nang pagsisisi ngayon. Sana hindi ko nalang pinanaig ang galit. Sana hindi ko sinayang ang oras.

Marami kami napag usapan ni Leya after. We ex-changed phone numbers para mag balitaan. Naexplain ko na rin kung bakit hindi makapagsalita si Gabriel. At naintindihan nya naman din ito. Nalulungkot din sya pero hihintayin pa rin naming dumating ang oras na magsasalita na ang bata.

Umakyat ako sa kwarto ko nang makaalis na si Leya. Ano na kayang nangyari sa kanila? Wala parin akong balita tungkol sa kanya. I heave a sigh habang sinusuklay ang buhok nang anak kong natutulog.

Di ko napansing makatulog narin pala ako at ginising ng tawag sa phone ko.

"Hello?" Namamaos ko pang sabi.

"Hannah, this is Leya. Open your tv. Garths brother is now on headline."

Pilit ko pang ina absurb ang sinasabi ni Leya sa kabilang linya.

"Hannah!"

Doon ako napabangon at in-on ang tv.

"---pagkatapos nang limang taong pagkawala ay biglang sumipot sa NAIA ang Garth brothers. Ito ba ay ibig sabihin na babangong muli ang Garth Corporation? Maziwa Garth, known as the top and biggest bussiness man in  whole Asia, five years ago and Shinobi Garth as the CEO of the corporation. The bachelors in tge world of bussiness. --- excuse me sir, successfull daw po ang pag-uumpisa nang Garths Machinery in Hong Kong, sa tingin nyo po ba magiging top din ito sa bansa?"

My heart almost jumped nang si Shino ang sumagot. Bumalik ang dating katawan nya. Mas naging gwapo sya ngayon kahit undercut na ang gupit nya. Andaming reporters, andun din si Azi na pilit ngumiti sa harap ng camera.

"Well, we will do our best to make it on top again, gaya dito sa Pilipinas."

Ang sarap pakinggan ng boses nya. Nag uumapaw ang saya at sabik sa puso ko.

"Yeah right, ito na ba ang dahilan para maging aware na ang iba't- ibang compettitors ng companya nyo, sir?"

Bahagyang ngumiti si Shino at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. He's really recovered. That smile. Oh my god! Napahawak pa ako sa bibig ko habang lumuluha.

"I don't think so but i'm pretty sure, they are in a hard time now." Maangas pang sabi nito.

"Oh my god. Thats my Shino." Sabi ko pa.

Tumawa ang mag reporters.

"Anyway sir, maiba po ako. Is it really true that you are dating with Miss Paula Correl, the latest fil-am Bench model?"

"Actually, YES."

Timeless Love Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon