Chapter 26 'Everything has change'

2.2K 82 3
                                    

Ni walang dumalaw sakin ng nasa ospital ako. Ang hirap. Ang hirap kapag ikaw nalang mag-isa. Ang sakit isiping walang nagmamahal sayo.

I am pregnant, yes i am pero hindi ko alam kung ano ang desisyong dapat gawin. It is Shino's child pero magdadalawang buwan na mula nung huli namin pagkikita ay wala na akong balita mula sa kanya. Ayoko na rin naman nang makahagilap ng impormasyon sa kanya.

Kahit anong gawa kong maging busy sa tindahan ko ay nanatili namang malakas ang batang nasa sinapupunan ko. Everything has change. Ayoko nang maging masaya. Minsan naiisip kong ipalaglag ang bata. Ayoko rin naman sa kanya. Lalo na sa mga araw ng paglilihi ko. Nakakapanghina pero sadyang malakas ang anak ko.

Kada umaga ko naiisipan pang magjogging na parang hindi ako buntis. Pinapagod ko pa ang sarili ko para kusa nalang syang lumabas pero sumapit pa ang ilang buwan ay patuloy parin ang paglaki ng tyan ko.

"Ilang buwan naba?" Di ko na matandaan sa totoo lang. Ni hindi ako nagpacheck up kahit iaang beses.

Pero nagising ako isang umaga na nagmamaneho papuntang OB-gyne. Gusto ko lang malaman kung buhay pa ba sya.

Natatakot ako habang nakapila kasama ang mga naglalakihang tyan na nanay. Ang saya saya pa nila. Nalungkot ako. Parang gusto ko uling maiyak.

Ugh! Hormones!!

-yes, Tin! Magkasunod lang pala yung buwanan natin! Sana healthy ang baby boy ko!

-ay! Baby boy pala sayo? Kaya pala medyo umitim ka ngayon ah! Baby girl naman etong sakin, Neth. Sabi nga ni hubby sana kamukha ko para maganda!

Naiinggit ako bigla. Napahawak ako sa umbok nang tyan ko. Ako kaya? Boy o girl? I sigh.

Tumayo ako ng tinawag ang apelyido ko.

"Misis Arellano."

Napasimangot ako.

"Oh misis, goodmorning." Nakangiting bati sakin ng doctor.

I didnt smiled back. Dinetalye ko lahat habang di naman mapalagay ang doctor habang nakikinig sakin. Pinahiga nya ako for ultra sound.

"Hay naku, bakit kasi ni hindi ka nag pacheck up kahit ilang beses man lang? Naku, pano kung anong nangyari sa inyo ng anak mo? My goodness! Iniisip mo ba ang kapakanan ng bata?---"

Hindi ko na inintindi ang sinasabi nya. Basta't kinakabahan lang ako. Sana okey lang sya. Panalangin ko pa.

May nilagay na malamig na jelly sa ibabaw ng tyan ko and then biglang bumulaga sakin ang maliit na sangol sa monitor na nasa harap ko lang.

"Look at that! He's a boy. A healthy cute boy! Normal heart rate, misis. Aba, kita mo na yung porma ng ilong oh!  Matangos."

Naluluha ako. Bumuhay ang saya sa puso ko. Kahit anong gawing kabog ng dibdib ko ay di ko na pinansin. Napahawak ako sa gilid ng aking tyan. I wan't to say something.

"There you are baby. My little muffin. Oh my god..." sabi ko pa.

"See? He's fragile pa  misis kaya ingat- ingat din tayo pag may time ha? He is now 24 weeks and 3 days. "

Napangiti ako. Parang ayoko pang matapos. Sinabi nya din ang exact date kung kelangan ako manganganak. Lahat ng resita ng doctor ay binili ko na. Pati narin mga prutas at gulay.

I wan't him. I need him. Mahal ko ang batang ito. Bakit nagmatigas pa ako? Ang sama sama kong ina. Babawi ako baby, i'm so sorry. Sana mapatawad mo si mommy.

Pinakiusapan ko na ang assistant ko sa pamamahala sa cafe ko na dinadayo na ngayon ng mga foriegner. And it was Leya Mondiya, yes, Maziwa's girlfriend. Ayoko sanang tanggapin nung una. Pero pormal naman syang nag- apply bilang isang empleyado kaya hindi ko na pinipersonal.

Nagkakasundo naman kami, magaling at mapagkakatiwalaan. Naki usap narin ako sa kanyang hwag ng sabihin sa nobyo nito ang sitwasyon ko at pumayag naman. Kaya magaan ang loob ko dito at sya lng ang bumibisita sa akin sa bahay ko. She seems so sweet kaya pumayag na akong ina ate nya. At ni minsan we never talked about Shino and thats why i like her.

Ilang buwan pa ang lumipas at malapit na rin pala kogg manganak. Nakakatakot pero kakayanin ko.

Si Leya ulit ang kasama ko sa hospital ngayon habang  hinahatid na ako sa labor room. Ospital kung saan ko huling nakita ang ama ng anak ko.

"Sh-Shino?.." usal ko bago tuluyang pinasok na ako.

Naka wheel chair sya. He's thin. At may nakasabit pa na face mask sa tenga nya at nakabonet pa. He's a bit smile. It was him. Pero bakit?

"Uggghh!" Biglang nawala ito sa isip ko habang tuloy tuloy na ang pag contract ng tyan ko.

----

"Shino, lets go."

I sigh and nod. Karma. Ito ang tawag sa sitwasyon ko. Gusto kong matawa. I really deserve this kind of life. Until now i'm on my recovery stage. I still feel pain, i am misserable.

Kahit bawal akong lumabas from my fully sanitized room ay pinilit ko, makita ko lang ang pinaka mahal kong babae. She's now delivering my son. And thanks to Leya for letting me know everything.

Nahiga ako at ako na ang naglagay ng oxygen ko. Mas gugustuhin ko pang tanggapin ang mga latigong yun. Mas gugustuhin ko pang saluhin ang balang nakaabang sakin kesa sa ganito na unti- unti akong pinapatay sa sakit. Pero hindi, lalaban ako.

Everything has change.

I wanna see my son, my love, my sweet Johannah.

Timeless Love Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon