Chapter Nine

2.8K 89 5
                                    

Matagal tagal narin ang panahong lumipas pero di ko parin malimot ang nobyo ko.

"Hi! Rian! Kumusta? May magandang balita ako sa'yo, napalaki ko na ang cafe. Maganda na din yung daily sales ng noon.. Miss na miss na kita sweetheart.----" pumiyok ang boses ko bago tuluyang umagos ulit ang mga luha sa pisngi ko.

Fresh flowers ang dala ko sa puntod ng nobyo ko.

Hanggang ngayon di parin ako makapag move on. Ilang buwan na ba? Si Rian nalang kasi ang iniisip kong pamilya. Pero nandahil sa di inaasahang panggayayari ay nag- iisa ulit ako. Maraming naging kulang sa araw araw ko ng iwan nya ako. Ang sakit.

Nang matapos ako ay dumeretso ako sa simbahan bago pumunta sa cafeteria ko. Daily routine ko na siguro yun.

Buti naman at nagbukas na si Mang Eli ng makarating ako.

"Magandang umaga maam!"

Tumango nalang din ako saka ngumiti.

"Ah, maam may nag padala po pala ng bulaklak." Nakita kong pumasok muna si Mang Eli.

May bitbit itong mga rosas at chocolates ng bumalik. Nakangiti nyang inabot sakin ang mga ito. Nagtataka man ay nakangiti ko rin itong tinanggap.

Thank you!

SG

Ayon sa nakasulat sa card nito. SG? Sino naman yun?

Binalewala ko balang kung kanino man galing yun. Pero naulit na naman sa dumaan pang mga araw.

Thank you for bringing my life back.

SG

Ilang beses rin akong nakatanggap ng mga roses na galing  sa isang taong di ko makilala, wala akong ediya. Ni wala naman din kasi akong maisip kung sino ang nag ngangalang SG na'to.

I really don't care as of now, Kailangan kong magfucos muna sa negosyo ko para malibang. Ako mismo ang nagbe.bake nang mga cake para maideliver na rin sa iba't- ibang market. Kagaya ng mga mamahaling restaurants at exclusive restobar.

I sigh again, oo kailangan kong gawin to para malibang. Kahit naman papano ay gusto ko nang mag move on.

--------

Naipaliwanag na ni Azi ang lahat at naalala ko naman ang lahat. More than two months din pala akong nagpahinga sa hospital na yun. Tss!

Nagbago na rin ang sa pakikitungo nya sakin which is really new to me.

Si Azi, sya yung taong nagturo sakin kung anong ugali meron ako ngayon and i thank him to that. Because of him malakas ako dahil sa kanya wala nang nambubully sakin, walang nananakit. Dahil sa kanya yumaman ako ng ganito. Dahil sa kanya natutunan ko lahat kung pa'no pumatay, walang awang maghiganti at higit sa lahat bawal ang magpatawad.

Pero bakit? Bakit gusto nyang baguhin ko lahat ng kagawian namin.

"Yes, i am very sorry for bringing this kind of life to you.----- You know what? Narealized ko ang lahat ng 'to ng malaman kong lihim mong pinapatay ang sarili mo because of that deceased. And Shino it gives me a damn heartbreak. Nasasaktan ako habang tinitingnan kang nakaratay sa kamang yun na nag- aagaw buhay! Just----- i realized that you're the only family i have, you know. I'm so sorry.. and i hope hindi pa huli ang lahat para mabago ang buhay natin." Inakap nya ako habang lumuluha. "Patawad."

Something on me feel him. Hindi ako sanay ganyan siya. Yeah, it is new. This feeling is new to me.

Tiningnan ko ang repleksyon sa salamin. Dahan dahan kong hinawakan ang peklat sa dibdib ko. Mamula mula pa iyon gilid .
Wala na naman akong maramdamang sakit sa mula dito pero parang iba. Parang may kulang. May bumabagabag sa bawat nangyayari sa paligid ko. Di ako mapakali, may gusto akong gawin pero ano? Paano?

Its nearly 10pm nang mapunta ako sa dating bar. Nang makapasok ako ay nakakabinging tugtog agad ang sumalubong sa akin. Lihim akong napangiti, this is my life. Guns, alcohol, weed and sex.

''Please, hwag mo ako saktan!''

Nasundan ko nang tingin ang pares na dumaan sa akin. Nakasabunot ang kamay nito sa buhok nang babae. Madilim ang lugar at maingay kaya malamang di sila maririnig nang mga nakatalagang bouncer.

I was about to pass through them but..

''Leave the girl alone, asshole.'' Kahit ako ay nabigla sa sinabi ko sa kanila.

Umiling iling akong lumayo sa kanila. Wala naman na sana akong pakialam. Bakit ba ako nagkakaganito?

"Shino baby!" Napatingin ako dun sa babae.

"Oh hi! Carla right?" Nakangisi kong tanong dito.

She rolled her eyes bago tumalikod.

I grinned. Ganun naman talaga ako sa mga babae. May naikakama akong di ko man lang nakukuha ang pangalan. No strings attached.

"Rhum." Sabi ko sa bartender ng makaupo ako sa bar counter.

"Here sir."

Tinungga ko ang baso ng deretso at umorder ng isa pa.

"Oh! Claire! Medyo nahuli tayo ngayon ah?"narinig ko sabi ng bartender sa taong nasa likuran ko.

Ininom ko ulit ang rhum na nasa baso.

"Pasensya na ha? May idi-neliver pa kasi ako sa kabila."

Biglang tumibok ang puso ko nang marinig ang boses na yun. Dahan dahan akong lumingon. Mukha pang slow motion yon dahil parehas na nanlaki ang mata namin. Tumibok ulit ang puso ko at di ko maiwasang mapahawak sa dibdib ko.


"YOU!?"

"IKAW!?"

********

AN:

Ako po ay hindi pro na manunulat. Asahan ang mga maling gramar, spelling at minsan ay nakakalito pa.
Ang inyong suhestyon at opinyon ay lubos ko pong tatanggapin.

Salamat.

*Bleyu

Timeless Love Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon