Chapter 28 'Hold tight'

2.3K 81 4
                                    

"Sweetheart.."

"Ri-Rian?"

Tumango sya at ngumiti. I was lying alone in my bed ng bumungad sya sakin.

"Forgive and forget, sweetheart."  Hinagkan nya ako sa noo.

"A-anong ibig mong sabihin?" Nagtataka ko pang tanong. Ni hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Ngumiti ulit sya.

"You know how much i love you. And i thank him for giving me a chance to have you. He love you, more than i do. I know you love him too. Everything has a reason, sweetheart. Give him a chance with no doubt, he needs you. Take care, i love you."

Bakit ba lage akong nananaginip. Ilang buwan na ba bago ang huli kong panaginip? Lalo na nang malaman kong kay Shinobi pala napunta ang puso ni Rian. Is it really just a coincidence?

"Leya, hwag muna kaya tayong magbukas ngayon? Itatawag ko nalang kay mang Eli."

"Bakit may pupuntahan ba tayo?"

"Uhmm..sana nga eh. Available ka ba ngayon?"

"Of course! Di ba baby Gab?" Ngakangiti nyang baling sa anak ko.

I decided to visit Rian today. Siguro kaya laging nasa panaginip ko si Rian kasi hindi na ako nadalaw sa kanya.

Panay naman ang kwento ko kay Leya about Rian nang makarating kami sa puntod nito. What i like about Leya is, she's always ready to listen.

Pero nabigla nalang kami nang nag- iiyak na si baby Gabriel. Kahit anong gawin naming pagpatahan ay di parin ito huminto sa pag iyak. Nang biglay may tumatawag sa phone ni Leya.

"Excuse muna Hannah, its Azi.--- hello?"

Bahagya pang lumayo sa pwesto namin si Leya pero rinig na rinig ko ang mga sinasabi nito.

"Oh my god! ---Tapos? Ano na? What?! ---Andito pa ako sa Memorial Garden --- i'll try okay? --just don't think too much, Azi. Shino will be allright.-- i'm coming."

Mangiyak ngiyak nya akong hinarap.

"Umm.. Hannah i'm sorry pero i need to go. Nag seizure daw kasi si Shino--- sorry. Oky lang kung mauuna nalang muna ako?"

"Teka-- may sasakyan kaba? I mean, ihahatid na kita."

"Really? Is it okay?"

Tumango na ako at nagdrive. Buti at tumigil na sa kakaiyak ang anak ko.

And speaking of Shino. Is he really dying? Hindi ko alam ang gagawin. May isang boses sa isip ko na kahit silipin man lang yung tao. Kahit papaano ay naging bahagi din sya ng buhay ko. At ama sya ng anak ko.

I sigh. Okay, maybe i can forgive but i cannot forget.

Ang grupo ni Shino ang sumalubong sa amin. Sabay sabay pa silang napayuko nang mapasin ako at ang anak ko.

"Johannah..." it was Azi.

Pumayat sya at may bahid pang pagkahiya ang tingin nya sakin. Napatingin sya sa anak ko at napangiti pa sya ng onti.

"I'm sorry Hannah. Pero salamat sa paghatid. Pero kung gusto mong --- p-pumasok muna ay ako na muna ang bahala kay baby Gab." Nangungumbinsi nya pang sabi.

Napatitig ako sa mga mata nya. May nag uudyok ulit saking isip na subukan ko. Napatingin ulit ako kay Maziwa at nangungusap din ang mga mata nito.

I sigh. Nagsout ako ng lab gown at facemask pati narin disposable cap. Kailangan daw, to maintain the sanitation.

I heard beeping apparatus and the flow of oxygen. May tao akong naaninag na nakahiga at may oxygen pa ito sa bibig.

Nanginginig ako, kinakabahan. Ayaw kumurap ng mga mata ko habang papalapit ako dito. Pero alam kong hindi si Shino ang nakahig.  Payat at medyo kalbo kasi ito. Gusto kong nang bumalik at lumabas ng pinto pero ayaw namang sundin ng mga paa ko ang aking iniisip.

Is it really you?

Lumapit pa ako at bigla akong napahawak sa bibig kong may mask. Gusto ko syang gisingin just to confirm that it was really him.

Kitang kita ko sa mukha nya ang hirap at pagod.

"S-Shino?" Mahina kong tawag.

Nagdilat sya ng mga mata. He's awake! Nagtagpo ang mga mata namin. Biglang tumulo ang mga luha ko habang nakatulala lang sya sakin.

Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. He is really dying. Dios ko!

--

"Halika nga! Gagamutin ko yung mga sugat mo! Bakit ba kasi andami mong sugat?"

"Kuya, why did you kissed me?"

'Kuya chinito, usap naman tayo. Nami-miss na kita.sa sabado wala akong pupuntahan hihintayin kita. Ipag be-bake kita ng pinakamasarap kong cake.'"
'Ur sweet Johana''

'So its you'

Biglang nag flashback lahat ng mga nangyari at mga pinagdaanan namin. Humaguhol na ako. Gusto ko syang yakapin. Naaawa ako sa kalagayan nya. Lumalim ang mga mata nya at nawawala ang kulay niya na dating kayumanggi.

"Oh my god! I'm really really, Shino." Sabi ko pa.

Di ko sya mahawakan. Bilin kasi ng doctor ay di sya pwedeng Hawakan sa ngayon. Napaka sensitibo ng kalagayan nya. Pero nakita ko syang nakangiti. He was trying to say something.

"Shhh.. its okey, Shino. You're going to be alright. Just fight for us. Me and your son. He's your resemblance, oh my god.. Please, Fight for us, please.- Dios ko--no. No. Hold tight, Shino!" Sobrang kaba ko sa nakikita kong kalagayan nya. Nanginginig ang kamay nyang pilit akong inaabot.

Akmang lalapitan ko sana sya pero nahinto ako nang bigla bumilis ang tunog ng aparato at may tumunog na alarm. Ilang sadali ay mga pumasok na tao.

"What's happening? Doc! Shino!"

"Lumabas po muna kayo ,maam."

Kahit anong gawin kong pagmamatigas ay wal rin akong nagawa.

"Anong nangyayari?!"

Timeless Love Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon